Jessica : Hi good morning po…saan po ang locatipn ng clinic ninyo.salamat
Jessica : Hi again po..plz let me know po kung mag kano mag pa braces para po mapaghandaan ko ang presyo.
Ang case po ng ipin ko ay 2nd and 3rd molar wala na po sa baba..the rest po ok na ang ipin ko.here po ako sa bulacan..and panu po ang process nun..
Ask the Dentist : Depende sa lala ng kaso. Ang gawin mo, magpapanoramic x ray muna. Lahat ng nag-o-ortho na matino, required ang panoramic x ray.
Fraele : hi dr,may pinsan po ako rep from Pros-Apac,plan ko po mag-avail sa kanya ng ceramic brackets dahil ma-avail daw nya as employees price,then ang magkakabit po yung in-house company orthodentist nila.ano po opinion nyo dun?the orthodontist will charge me 50k including his pf and the RMO ceramic Signature III.di ko lng kc sure kung magaling yung orthodontist na nirefer nya sakin.thanks in advance!
Ask the Dentist : HIndi ko masabai dahil hindi ko kilala ang dentist ng PROS APAC.
Arnold : Doc ako po yung ask re naputol na kapiraso ng bagang tom. Ang balik ko matanggal nya laya yun eh medyo naghilom na yuung sugat sa gums ko di ko naman matanaw yung naputol pero sabi nya nga ibalik ko daw tom tue 1 week na sya advice me please thankyou more power
Ask the Dentist : Hindi ko naintindihan. Pakiulit. Magtagalog ka.
Arnold : doc kanina nagpabunot ako ng bagang medyo d sya tinablan ng anesthesia kasi may nana daw ilang beses din sya nagturok ng anesthesia sabi bglain nya daw medyo tiisin ko daw sakit nabunot nya naman kaso yung kabilang dulo ng ngipin naputol try nya kunin kaso d ko na kaya yung sakit sabi nya mag antibiotic muna ko after 1 week ibalik ko daw para makuha yung naputol na part para tablan na daw ng anesthesia ok lang po ba yun kasi im worried thanks
Mae Ann : Good day po. May itatanong lang po ako. Delikado po ba yung ganitong posisyon ng ngipin. Tapos kita nyo po mejo lumalaki po yung gums dun sa place na dapat na tinayuan nung ngipin sa likod ng gums. Sana po makasagot kayo agad. Kinakabahan po kase yung kaibigan ko.
Pasensya na po kau sa ngipin ng frend ko. Di po sya makapagpabrace e.
Mae Ann : Tas
Tas kita nyo po doc mejo nagdudugo dugo yung teeth nya
Ask the Dentist : Sabi ng kaibigan ko magpalinis ang kaibigan mo ng ngipin. Andumi dumi kasi. Sabi din ng kaibigan ko, since ganyan ang posisyon ng mga ngipin niya, walang choice ang kaibigan mo kundi magpalinis ng ngipin sa dentist every 6 month o mas madalas pa, dahil habang ganyan ang posisyon niyan, magiging kapitin ng dumi ang ngipin niya. Kapag hindi magpapalinis ng ngipin ang kaibigan mo eh mamamaga ang gilagid niya, magreresorb ang buto at unti unting malalagas ang mga ngipin niya.
Ask the Dentist : Kailangan niyang magpabraces upang maging masaya ang buhay niya at wag magdusa sa function at sa itsura.
Mae Ann : Pero delikado rin sya doc?
Maraming salamat po sa sagot. Godbless
Bestmer : hello po. Ask ko lng po how much po ang prize ng fixed bridge porcelain? Missing na po ang upper front teeth ko tapos po ntitira nlng po 2 canine at ung sunod po dun. Tapos po missing na din po 2 molar ko also in upper part. Kung i fixed nga po bu0ng part ko bka po 10 lahat xa kung pdeng pgkapitan po ung canine ko at ung katabi nito. Slamat po.
Bestmer : mag send po ako ng photo.thanks po.
Ask the Dentist : Ang una mong gawin ay magpa-xray ng panoramic. Hindi natin malaman kung ano ang kakapitan ng bridge kung wala kang panoramic x ray.
Bestmer : ah ok po doc. Salamat po. Eh ung prize range po ng bridge magkano po?
Ask the Dentist :
1st prize isang kaban ng bigas.
2nd prize isang kilo ng bulak.
3rd prize isang supot ng Boy Bawang.
Bestmer : price po pala nd fixed bridge.thanks.
Ask the Dentist : Depende sa kung ilang bungi at klase ng bridge. Ito ang top of the line:
All Ceramic Bridge with CAD CAM Milled Zirconia Framework
In milled-porcelain core bridge, computer controlled technology is used to mill the framework instead of using the casting or the lost wax technique. Block of porcelain (zirconia) is cut by compute…
Bestmer : ung nsa picture nga po ung bungi. 4 front upper teeth tapos po 4 upper molar po.
Ask the Dentist : Saan ang panoramic mo? Kung pagbabasehan yang picture mo lang, madami pang mabubungi diyan.
Bestmer : ah. Ganun po b. Wla pa pong xray.bka sa sat and sun pa po. Magkano kaya magagastos ko if picture ko pgbasehan? Nasa 50k po b?
Ask the Dentist : Possible.
Magpalinis ka ng ngipin. Yang premolar mo mukhang malala ang sira. Mukhang hindi pwede ibridge yang upper right mo. Pero tignan natin sa xary kung pwede.
Bestmer : ok po doc. Marami pong salamat. Tom po consult aq s dentist namin at irely ko po ung mga sinabi nya. Salamat po Godbless.
Abby : hello po, yung RCT ko po na isa teeth sa front mejo may discoloration na po, mejo maitim n sya. Ano po dapat ko gawin? kaya pa po ba ito ng jacket? thanks po
Ask the Dentist : Ipa-x-ray mo tapos kapag okay pa ang seal, ipajacket mo. Isend mo sa akin kung gusto mo.
Restygen : Hi Doc, Good Afternoon po..
Pagkatapos po ba ng RCT, pwede na kaagad ilagay ang Dental Crown? o Kelangan pa po mag antay ng ilang araw pa? Thanks
Ask the Dentist : Depende kung kailangan pa ng poste, o dahil sa dati nitong condition ay kailangan pa ng observation. Pero ang tiyak, kailangan malagyan agad ng crown na hindi lilipas ang isang buwan.