Mae Ann : Good day po. May itatanong lang po ako. Delikado po ba yung ganitong posisyon ng ngipin. Tapos kita nyo po mejo lumalaki po yung gums dun sa place na dapat na tinayuan nung ngipin sa likod ng gums. Sana po makasagot kayo agad. Kinakabahan po kase yung kaibigan ko.
Pasensya na po kau sa ngipin ng frend ko. Di po sya makapagpabrace e.
Mae Ann : Tas
Tas kita nyo po doc mejo nagdudugo dugo yung teeth nya
Ask the Dentist : Sabi ng kaibigan ko magpalinis ang kaibigan mo ng ngipin. Andumi dumi kasi. Sabi din ng kaibigan ko, since ganyan ang posisyon ng mga ngipin niya, walang choice ang kaibigan mo kundi magpalinis ng ngipin sa dentist every 6 month o mas madalas pa, dahil habang ganyan ang posisyon niyan, magiging kapitin ng dumi ang ngipin niya. Kapag hindi magpapalinis ng ngipin ang kaibigan mo eh mamamaga ang gilagid niya, magreresorb ang buto at unti unting malalagas ang mga ngipin niya.
Ask the Dentist : Kailangan niyang magpabraces upang maging masaya ang buhay niya at wag magdusa sa function at sa itsura.
Mae Ann : Pero delikado rin sya doc?
Maraming salamat po sa sagot. Godbless
Ask the Dentist : Oo.