Archive for the ‘ Surgery ’ Category

May bukol sa labi pero walang pera

Chrisjohn : Sir Pwede po magtanong .. Meron pong tumutubong Bukol sa Labi ko… Pinuputok ko siya habang maliit pa ito kasi kapag lumalaki siya .. Then kapag pinutok naman siya may tubig na lumalamabas malapot siya then parang may laman na nakapaloob dito .. Pag pinutok ko siya after 3 days bumabalik ulit siya … Matagal na po ito, hindi ko naman po mapatingin dahil kulang sa pera .. Ano po kaya ito Doc ..
Thanks ?

Ask the Dentist : Punta ka sa health center. Pwede din sa PGH.

Pwede bang magpabunot ng ngipin ang umiinom ng maintenance

Shad : Good pm po ulit doc ask ko Lang po pwede po b mgpbunot ng ngipin ang umiinom ng maintenance para sa high blood? Thanks po

Dr. Jesus Lecitona : Kuha ng written clearance mula sa physician mo.

Parang singaw

Joshua : Pwede po magtanong?
Kakapabunot ko palang po ng ngipin , mga 1 week palang , tapos medjo sumasakit pa yung bunot , para syang singgaw , pero ganto po itsura nya

Ano po kaya iyan Doc? , 17 years old na po ako , milk teeth po kaya iyan? Or natira lang sa pagbunot?
Ano po dapat gawin jan?

Ask the Dentist : Ipacheck mo sa nagbunot. Kung gusto mo ng mas sigurado, ipaxray mo.

Joshua : Sge po , salamat

Worst na ba ang Ngipin

John Rowell : Hi good day! I just went to a dentist a few hours ago, nagconsult ako regarding these 2 impacted wisdom teeth. I told here na needed bang i-extract yung 2? What she answered me was, hindi naman daw po kung hindi naman nasakit. There are times na masakit pero dineded.a ko nalang. I had my wisdom tooth extraction(lower right) a year ago so medyo maluwag sa loob ko na di needed alisin. Ano po thoughts niyo about this? Here’s the phpto

Ask the Dentist : Kung masakit ipatanggal mo. Kung ayaw mo ipatanggal at kaya mong tiisin ang sakit,congrats! Isa kang tunay na Spartan.

John Rowell : Worst po ba tong case ko? What will happen if hindi ma extract?

Ask the Dentist : Worst yan pag patay ka. Since nababasa mo pa ito, hindi pa ibig sabihin. Kung hindi maextract, magtitiis ka pa. Sasakit pang lalo. Pwedeng magkaroon ng impeksyon. Kapag lumala impeksyon, magkakabukol. Kapag lumala ang bukol, kanser. Kapag lumala ang kanser, yan patay ka na, worst na ibig sabihin.

Pwede ba bunutin ang ngipin

Nikki : Hello po, pwede po bang bunutin ang sungki ko tapos magbebrace ako para maclose yung space ng ngipin ko ? Pag nagpabrace po kasi ako na may sungki ako parang masyado na syang crowded at di maganda tingnan. Please reply. Thanks

Ask the Dentist : Kung may bubunutin diyan, hindi yang pangil. Kung magpapabraces ka, maghanap ka ng dentist na magaling. Dapat hingan ka niya ng panoramic x ray at cephalometric x ray.

Nikki : Thank you po

Pwede ba Magpabunot ang Uminom ng Alak

Chong : Pwede ba magpabunot ng ngipi ang lango sa alak?

Ask the Dentist : Hindi. Kapag hindi ka na lasing saka ka magpabunot.

Pwede ba Magpabunot ng Ngipin sa Harap

Divine : Pwede po ba magpabunot ng ngipin sa harap?

Ask the Dentist : Pwede. Pero madaming mawawala sayo pagkatapos. Una diyan ang self confidence. 🙂

Pwede bang magpabunot ang Nanganak

Jean : Pwede po bang magpabunot ang kakapanganak? Anim na buwan na po ang nakakalipas.

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Dapat Bunutin ang Natirang Ngipin

Bakit Nga : masama po ba pag may natirang ngipin oh kailangan kong bumalik sa dentist

Ask the Dentist : Kailangan matanggal yung natira. Depende sa kaso, pwede tanggalin agad. Pwedeng patigilin muna ang dugo at bumalik ka ilang linggo after ng unang punta mo. Depende sa sinabi ng dentist mo kung kelan ka babalik. Ngipin nga ba ang natira? Madalas din kasing napagkakamalang ngipin ang butong pinagkakapitan ng ngipin matapos mabunot.

Bakit Nga : yun nga sabi nya eh buto na daw yung natira kaya hinayaan ko na lang pero after i week nakakapa ng dila ko parang ngipin pa eh tapos masakit pag nasasagi ng dila ko kaya parang feling ko ngipin pa din kailangan ko bang bumalik sa dentist ko oh ok lang na hayaan ko muna mag hilom yung sugat.

Ask the Dentist : Ipaxray mo para sigurado.

Bakit Nga : ah ok salamat sa info babalik na lang ako sa dentist ko

Pwede ba Magpabunot

Beverly : hello doc!

pwede po ba ipatanggal 2 teeth sa baba, then 2 taas after 2 days?? hndi po magkatabi ung teeth.

thanks

Ask the Dentist : Possible.

Beverly : thanks much doc

%d bloggers like this: