Archive for the ‘ Surgery ’ Category

Pwede bang magpabunot ang Nanganak

Jean : Pwede po bang magpabunot ang kakapanganak? Anim na buwan na po ang nakakalipas.

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Dapat Bunutin ang Natirang Ngipin

Bakit Nga : masama po ba pag may natirang ngipin oh kailangan kong bumalik sa dentist

Ask the Dentist : Kailangan matanggal yung natira. Depende sa kaso, pwede tanggalin agad. Pwedeng patigilin muna ang dugo at bumalik ka ilang linggo after ng unang punta mo. Depende sa sinabi ng dentist mo kung kelan ka babalik. Ngipin nga ba ang natira? Madalas din kasing napagkakamalang ngipin ang butong pinagkakapitan ng ngipin matapos mabunot.

Bakit Nga : yun nga sabi nya eh buto na daw yung natira kaya hinayaan ko na lang pero after i week nakakapa ng dila ko parang ngipin pa eh tapos masakit pag nasasagi ng dila ko kaya parang feling ko ngipin pa din kailangan ko bang bumalik sa dentist ko oh ok lang na hayaan ko muna mag hilom yung sugat.

Ask the Dentist : Ipaxray mo para sigurado.

Bakit Nga : ah ok salamat sa info babalik na lang ako sa dentist ko

Pwede ba Magpabunot

Beverly : hello doc!

pwede po ba ipatanggal 2 teeth sa baba, then 2 taas after 2 days?? hndi po magkatabi ung teeth.

thanks

Ask the Dentist : Possible.

Beverly : thanks much doc

Tutubo pa ba ang Ngipin

Franz : Kung may milk teeth pa po ako at the age of 18 years old may chance pa po ba na tumubo yung adult teeth ko pag nabunot yung milk teeth? Reply asap. Thanks

Ask the Dentist : Ipa-panoramic x ray mo para makita kung nandiyan pa yang ngipin mo.

Franz : Pero parang namamaga sya sa may upper part nya. Parang bilog.

Ask the Dentist : Oks.

Franz : Ano po kaya yon?

Ask the Dentist : Ipa-panoramic x ray mo para makita kung ano yan.

Nauna ang Bunot sa X-Ray

Miranda : Doc nangaling ako sa dentist ko ngayon ang sabi nya wla dw po natira ipin sa binunut nya nilagyan ko ng mark ung binunutan nya .

Ask the Dentist : Alright. Sabi mo bubunutan ka kaya inassume kong hindi pa. Just after binunutan yang x ray?

Miranda : Yes po nabunutan na po ako last week tApos feeling ko my natira my nkakapa ako kya sbe nya po mag pa xray, knina dinala ko yan sa kanyavsabi nya wla dw pong natira.

Ask the Dentist : Para sigurado ipa-periapical xray mo.

Miranda : How much po un at need pa po ba ng Permission ng dentist un ty.

Ask the Dentist : Mura lang.

Miranda : Need pa po ng permission or referal?

Ask the Dentist : Sana bago ka nagpabunot, nagpapanoramic x ray ka muna.
Kapag ang gusto mo ay magpabraces. Ang unang gagawin ang Panoramic x ray, bago bunot. Kailangan ang x ray para mapagplanuhan ang gagawin sa braces. Hindi yung muuna ang gagawin kaysa x ray. Plano muna bago gawa. Hindi gawa muna bago plano.

Miranda : Ah ganun po ba un ung dentist ko po kasi ang my sabi bulok po kasi un kaya binunot dame ko nnaman natutunan.

Ask the Dentist : Mas mabuting ang ortho mo na lang ang tanungin mo. Magkakamali mali lang ang treatment mo kung dalawa ang pinagtatanungan mo dahil may mga bagay na kulang sa kwento mo sa akin. Tulad niyan, bakit nauna ang bunot bago x ray? Wala sa kwento mo kung bakit.

Miranda : Di ko din po alm sinusunod ko lng po siya ung plan ko po mag pa brace is plano ko lng.ty

Gustong Magpabunot 1 year na mula nang manganak

Jill : gudam sir/madam tanung ko lang po kung pwede na po b mgpabunot ng ngipin pg 1 yr na nkpanganak?

Ask the Dentist : Oo

Affordable Odontectomy

Sarah : Hi Doc… Nagpa panoramic po ako dahil mgpapa braces po ako.. Doc as u can see sa picture yung wisdom tooth ko n walang ka-partner s baba.. Kailngan daw po bunutin yun sabi ng dentist ko.. Although hndi nman po ako nasasaktan dhil hndi nman po tumatama s gums ko sa ngayon.. Doc kailngan po b tlga bunutin yun? At ang singil nya po sa pg bunot s wisdom tooth n yan ay 2K.. Dahil daw po iba yung roots nya.. Tama po b yun doc? At anung klaseng pgbunot po b yun at 2k ang presyo? Salamat po in advance doc.

Ask the Dentist : Yes kailangan. 5 K pataas ang pagtanggal diyan. Kaya nakamura ka kung 2 K. Dami mo nang bungi. Alagaan mo ang ngipin mo.

Sarah : Thanks doc.. Pero iba po ba prodedure nya ng pgbunot ng wisdom tooth parang surgery-type po ba? Natatakot po kasi ako

Ask the Dentist : Hihiwain yan. Gagamitan ng luxator at elevator.

Kailangan ba ng Surgery

Rachell : Hi, gud pm. Ask ko lng po, un isang bgang ko nabulok na. Nabunot un ibang part pro un may part pa sa loob. Need po ba surgery? Bleeder po kse ako e, as much as possible ayaw ko ng surgery.
Ask ko rin po hm ang light cure and dentures. Thank u.

Ask the Dentist : Yes. Surgery.

Rachell : Tnx for d info

Ask the Dentist : No problem.

Naputol na Ngipin

Arnold : Doc ako po yung ask re naputol na kapiraso ng bagang tom. Ang balik ko matanggal nya laya yun eh medyo naghilom na yuung sugat sa gums ko di ko naman matanaw yung naputol pero sabi nya nga ibalik ko daw tom tue 1 week na sya advice me please thankyou more power

Ask the Dentist : Hindi ko naintindihan. Pakiulit. Magtagalog ka.

Arnold : doc kanina nagpabunot ako ng bagang medyo d sya tinablan ng anesthesia kasi may nana daw ilang beses din sya nagturok ng anesthesia sabi bglain nya daw medyo tiisin ko daw sakit nabunot nya naman kaso yung kabilang dulo ng ngipin naputol try nya kunin kaso d ko na kaya yung sakit sabi nya mag antibiotic muna ko after 1 week ibalik ko daw para makuha yung naputol na part para tablan na daw ng anesthesia ok lang po ba yun kasi im worried thanks

Ask the Dentist : Ok. Bumalik ka next week.

Nagdudugo ang Binunutan ng Ngipin ni Lenny

Lenny : Good day po ask lang ako 2 hrs ago nagpabunot po ako ng ipin #17 normal lang po na til now grabe pa din ang dugo and meron po syang parang mga laman na lumabas sa pinagbunutan nakalaylay po kc and don po lumalabas yong dugo..thanks po

Ask the Dentist : Bumili ka ng bulak. Kagatin mo ang bulak. Hayaan mo ang bulak na kagat kagat mo hanggang tumigil sa pagdugo. Inumin mo ang iniresetang gamot.

Lenny : maraming salamat po…uminom na po ako ng gamot kaya lang po ngayon ay namaga na po yong parang laman na nahila mula sa pagbunot sing laki po ng candy kaya now para akong may candy sa bibig..kelangan ko po kaya ipacheck up to sa dentist na nagbunot ng ipin ko?

Ask the Dentist : Normal lang.

%d bloggers like this: