Archive for ‘ October, 2012

Paano matanggal ang dilaw na ngipin

Brenna: Paano po matanggal ang dilaw na ngipin/

Ask the Dentist : Hi Brenna. Depende sa dahilan ng pagkadilaw. Ang mga maaaring gawin ay:

  • oral prophylaxis
  • teeth whitening
  • laminates
  • veneers
  • crowns

Metal Ceramic Crown or All Ceramic Crown?

Pierre : To fix the tooth is it good one going for metal-ceramic or all-ceramic one?

Ask the Dentist : Hi Pierre. Mas maganda ang all ceramic kaysa metal ceramic. Superior ang esthetics nito kumpara sa porcelain fused to metal crowns. Stable ang shade. Maganda ang adaptation sa ngipin. At hindi kapitin ng dumi. Kung magaling ang dentist na gagawa ng all ceramic crowns mo, wala kang magiging problema.

Root Canal Treatment – number of visit

Muymuy : Ilang balik ba kapag nagparoot canal?

Ask the Dentist : Hi Muymuy. Depende sa lala ng ngipin mo. Kapag hindi naman malala, isang balikan lang. Kung malala ang sitwasyon ng ngipin mo, 4 na balikan pataas. 🙂

Bakit madali matangal ang dental pasta ko

Pete : bakit madali matangal ang dental pasta ko? natatanggal ba ang permanent pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Isa sa dahilan kung bakit madaling matanggal ang pasta ay tuwing naghanap ang pasyente ng sobrang mura na pasta. Sa P350 na pasta, asahan mong ang kalidad ng materyales ay mababa na. Ang mga materyales na may magandang quality ay may katumbas na halaga. At sa halagang P350 sigurado akong magpapakalugi ang dentist kung gagamitan ka ng mga mamahaling materyales. Idagdag mo pa diyan ang gastos niya sa kuryente, tubig, disposable materials, dental materials, idagdag mo pa ang pagod niya, at siyempre ang kanyang pinagaralan na ina-apply sa pagpapasta ng iyong ngipin.

Sa iyong pangalawang tanong. Oo, natatanggal ang permanent na pasta. Walang permanent na bagay sa mundo.

Saan nagmula ang dental brace

Fiel : Saan po ba nagmula ang dental brace?

Ask the Dentist : Dito sa puso ko. 🙂

Masakit ba ang magpabraces

Mara: Hi doc, masakit ba ang magpabraces?

Ask the Dentist : Hi Mara. May mararamdaman kang discomfort sa dental braces, na depende sa tolerance mo sa pain, kung ito ba’y masakit. Ito ay dahil sa force na ina-apply sa mga ngipin mo. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta ka sa iyong paboritong orthodontist at itanong mo ito sa kanya.

Hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin

Claudine Krueger : Doc, hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin?

Ask the Dentist : Hi Claudine. Kung ang pananakit ay dahil sa may infection na sa pulp, o exposed na ang pulp, hindi na pwedeng pasta lang ang gawin sa ngipin. Dapat i root canal treatment muna bago pastahan.

Pwede bang magpa brace ang naka jacket ang ngipin

Arturo Buendia : Hi doc. Pwede bang magpa brace ang naka jacket ang ngipin?

Ask the Dentist : Hello Arturo Buendia. Oo pwede kang lagyan ng dental braces kahit may jacket ang ngipin mo. Makikita yan ng dentist na titingin sayo. Depende sa status ng jacket at ngipin mo, kung hindi na okay, baka palitan ang jacket mo.

Upper Braces Cost

Paulino Bucholz : Hi doc. Magkano po ba kapag upper braces lang ang ipapakabit?

Ask the Dentist : Hi Paulino Bucholz. Sa orthodontic treatment, upper at lower braces ang inilalagay. Hindi dapat ang paglalagay ng upper lang. O lower braces lang. Magkatugma ang maxilla at mandible mo. Kapag ang dentist ay nagaral ng orthodontics, isa ito sa matututunan niya kung bakit upper at lower braces dapat.

Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Jojo Ferrule : Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Ask the Dentist : Hi Jojo Ferrule. Oo pwede i-dental brace kahit may fixed bridge ka. Depende sa kalagayan ng mga ngipin mo, fixed bridge at iba pa.

%d bloggers like this: