Archive for the ‘ Esthetic Dentistry ’ Category

Magpaputi ng Ngipin

Nessie : Pano magpaputi ng ngipin?

Ask the Dentist : Ang pinakaepektibong pwedeg gawin paramapaputi ang ngipin ay teeth whitening o kaya’y teeth bleaching. Pumunta ka sa iyong dentist at magtanong tungkol dito. 🙂

Teeth Whitening

Dina : Paano po magpaputi ng ngipin?

Ask the Dentist : Bisitahin mo ang paborito mong dentist at maginquire tungkol sa teeth whitening procedure.

pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito

Saudi Boy Ray Ubando : Doc! Tulungan niyo ako, manliligaw po ako ng Camel dito, kailangan ko maayos ang ngiti ko para makapanligaw ako ng Dentistang may boyfriend na. At para magkaroon na ng ina ang dalawa kong anak. Doc, pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito?

Ask the Dentist : Kung hindi pa naman umabot sa pulp, pwede pa. Pero dapat mong maintindihan na hindi na ganun kalakas ang kapit ng pasta sa ngipin, dahil kumbaga yung kakapitan equal o kaya mas maliit pa kaysa sa hinahawakan nitong pasta. Madalas matanggal ang pastang tulad ng iyong sinasabi. Kadalasan sa ganitong kaso, mas mainam na gawan ng Jacket Crown kaysa pastahan.

Masama bang ipabunot ang two front teeth

Marco : Masama po bang ipabunot ang two front teeth?

Ask the Dentist : Masama. Dahil sa pinakaimportanteng rason, papangit ka kapag nabawasan ka ng ngipin sa harap.

Pero kung may lakas ka ng loob na humarap sa mundo na bungi, hindi masama. At kung ikaw ay taga-Sparta, hindi din masama. 🙂

Paano matanggal ang dilaw na ngipin

Brenna: Paano po matanggal ang dilaw na ngipin/

Ask the Dentist : Hi Brenna. Depende sa dahilan ng pagkadilaw. Ang mga maaaring gawin ay:

  • oral prophylaxis
  • teeth whitening
  • laminates
  • veneers
  • crowns
%d bloggers like this: