Carlito Salonga : Pwede ba pabrace ang ngipin khit nka pasta sa harap?
Ask the Dentist : Hi Carlito Salonga. Oo. Puwedeng puwedeng i-dental braces kahit nakapasta sa harap. Kahit nakapasta sa likod, puwede din.
Carlito Salonga : Pwede ba pabrace ang ngipin khit nka pasta sa harap?
Ask the Dentist : Hi Carlito Salonga. Oo. Puwedeng puwedeng i-dental braces kahit nakapasta sa harap. Kahit nakapasta sa likod, puwede din.
Joseph Lim : Dear doctor, ano ang standard price of braces philippines?
Ask the Dentist : Hi Joseph Lim. Walang standard price ang braces. Ang binabayaran mo sa orthodontic treatment ay ang galing ng dentist mo. Nag-aaral din kami, nagbabayad para matuto. Factor din kung gaano kalala ng kundisyon ng ngipin mo. Factor din kung saan ang clinic ng dentist. May iba’t ibang klase din ng materyales, brackets at appliances na nakakaapekto sa price. Hindi kasi pare-pareho ang ngipin, bibig at kundisyon oral health ng tao para magkaroon ng standard price. 🙂
Glen P McGivney : Hi Doc. Magkano ang dental crown sa pilipinas?
Ask the Dentist : Madaming uri ang dental crown. Madami ding factors kung bakit nagiiba iba ang dental crown cost.
Ito yung mga uring ng dental crowns:
Carla Misch : Bakit maganda ang dental implants?
Ask the Dentist : Thanks for your question Carla Misch. Mdaming dahilan kung bakita maganda ang denture retained by dental implants. Una, hindi ka matatakot na malalaglagan ka ng pustiso. Pangalawa, mas ok ang pagnguya mo.
Ed Angle : Hi doc. Pwede ba magpa brace kahit kulang ung ngipin?
Ask the Dentist : Hi Ed Angle. Oo naman. Pwedeng magpa – brace kahit kulang ang ngipin. Pumunta ka lang sa pinagkakatiwalaan mong orthodontist para maexamine ng tama ang iyong kalagayang pang-dental.
Mike Krueger : Ano tawag sa xray sa ngipin?
Ask the Dentist : Hi Mike. Ang tawag sa xray sa ngipin ay Dental X-ray.
Edward Angel : Paano mapapantay ang ngipin?
Ask the Dentist : Punta ka sa pinagkakatiwalaan mo orthodontist at ipa-dental braces mo. 🙂
Bea : Magkano magpalinis ng ngipin?
Ask the Dentist : Hi Bea. Musta si John Lloyd? 🙂 Sa mga napagtanungan kong kapwa dentists, nagsisimula P1,000 (Sanlibo) pataas. Expect na mas mataas talaga sa price na yan, depende sa dumi ng ngipin, kundisyon ng pasyente, galing ng dentista, lokasyon ng dental clinic, at iba pa.
Lowell: Pwede bang mag pa braces kahit may pustiso?
Ask the Dentist: Hi Lowell. Oo. Pwedeng magbrace kahit may denture.
Janice : Masakit ba ang root canal?
Ask the Dentist : Thanks Janice sa tanong mo. Para sa ibang tao, masakit ang root canal treatment. Para sa iba, hindi masakit ang RCT. Ito ay nakadepende kung gaano kataas ang pain tolerance mo, at kung gaano kagaling ng dentist mo. 🙂