Archive for ‘ November, 2012

Sumasakit ang ngipin sa harap

Moymoy : Sumasakit ang ngipin sa harap ano ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist at ipatingin ang sumasakit na ngipin. Kung ano ang dapat gawin ay nakadepende sa kung anong sanhi ng pananakit.

Nana sa Molar

Dingdong : paano po pag may nana ang molar ko?

Ask the Dentist : Ba eh, tatanggalin ang nana sa molar sa pamamagitan ng RCT o bunot.

Pwede bang ipa cleaning din ang pustiso?

Saudi Boy Adrian Ubando : Doc, naapakan ng camel itong ngipin ko. Pwede bang ipa cleaning din ang pustiso?

Ask the Dentist : Oo. Pwedeng ipa-cleaning ang pustiso. Sabihin mo lang sa paborito mong dentista. Wag sa Camel. Hehehe!

Pustiso Philippines

Meann : Halata ang pustiso ko. Ano po ang dapat kung gawin?

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay maghanap ng magaling na dentist na gagawa ng pustisong hindi halata. 🙂

Pwede ba ibalik ulit ang brace pag tinanggal

Nora : Pwede ba ibalik ulit ang brace pag tinanggal?

Ask the Dentist : Pwede. Kung ang brackets mo ay okay pa at pwede pang isementong muli, pwede. 🙂

Pwede bang ipabunot ang sungki

Minnie : Pwede bang ipabunot ang sungki?

Ask the Dentist : Oo pwede. Kung indicated na for extraction, pwede.

Paano ayusin ang sirang denture

McGyver : Hey doc, paano ayusin ang sirang denture?

Ask the Dentist : Hi McGyver. Huwag mong ayusin. Pumunta ka sa dentist at ipaayos mo sa kanya. 🙂 Para yan dental health mo. 🙂

May fixed dentures ba sa pilipinas?

Irwin : Doc! Kumusta? May tanong ako. May fixed dentures ba sa pilipinas?

Ask the Dentist : Irwin! Kumusta? May sagot ako. Oo, meron fixed dentures sa Pilipinas. Halos lahat ng dental procedure sa US, meron din dito. Hindi huli ang technology natin sa Dentistry. 🙂

Pwede ba mag pa retainer ng hindi nagpa braces

Susan : Pwede ba mag pa retainer ng hindi nagpa braces?

Ask the Dentist : Pwede. Pero tandaan mo na ang retainer ay ginagamit lang kapag nag-paortho ka. Kung nagpagawa ka ng retainer para lang magkunyaring nagdental braces ka dati, pwedeng ikasira lang ng dental health mo yan.

Pwede bang ipabunot yung ngipin tapos magpafixed bridge agad?

Saudi Boy Adrian Ubando : Mabuti naman ang mga camel ko dito sa Saudi doc. Puro sila hot lalo na’t ako’y nagungulila. 🙂 Ang tanong ko ay ganito, pwede bang ipabunot yung ngipin tapos magpafixed bridge agad?

Ask the Dentist : Pwede. Pero ang inilalagay muna dapat ay Provisional Fixed Bridge. Ito ay temporary munang inilalagay para magheal ang tissue sa part na pinagbunutan. Kapag gumaling na saka lang ilalalagay ang Definitive na Fixed Bridge.

Pero kaysa ipabunot mo yang ngipin tapos fixed bridge, mas mura kung ipa-RCT mo at crown. 🙂

%d bloggers like this: