David Bartlett: Magkano ang pasta sa ngipin?
Ask the Dentist Philippines: Hi David Bartlett. Thanks for asking the dentist! Direct restoration in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.
Generally, the prices of dental treatment in the Philippines are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.
Kadalasan, sinisingil sa pagpapasta sa halagang base sa ilang cavity, anong material na ginamit, specialization ng dentist, lokasyon ng dental clinic at madami pang iba.
Base sa info galing sa mga dentist, P500 pataas, kada butas ang sinisingil. Kung may 2 butas ang isang ngipin, 2 x P500 pataas ang singil. Mas mahal na tiyak kung nasa harap ang ngipin dahil nangangailangan ng galing at ingat ang dentist sa anterior teeth dahil sa esthetics.
Walang fixed price sa pagpapasta. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. ba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng ngipin.
Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality direct restorations. Magtanong ka sa iyong mga kaibigan tungkol sa kanilang dentist. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na kinuha niya. Magpagawa ka sa probinsya. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan.
206 replies on “Magkano ang pasta sa ngipin?”
Doc nagpapasta po ako. Pero natanggal lang po agad.. Nung kumain na ako..ano po ba dahilan nito? Salamat
Papasta ka ulit.
Pwede po ba magpapasta kahit sumasakit na yung ngipin?
Kapag sumakit na, ipaRCT mo. Read : http://www.denturesaffordable.com/rct/
doc…tanong ko lang po
paano po pag lahat ng ngipin ko ipapapasta ko tapos walang mga butas ang mga ngipin ko…pero nasa gilid lang yung mga sira…mga magkano kaya magagastos ko doc please reply this message thank you po>>>merry christmas and happy new year?
YUng dentist na pupuntahan mo ang nakapagsasabi ng pwedeng gawin at magkano.
Doc, magkano po ang pasta sa dalawang ngipin sa harap po?
2k pataas.
Doc ask ko lang po kung pwede ipa-pasta yung gap between my front teeth. And how much will it cost?
2 k pataas.
Doc how much po lahat kung mag papa clean, pasta at brace po ako?
Itanong mo sa dentist na pupuntahan mo.
doc ask q lng po kung pasta g kelngan naputol po kc nun ngipin q sa una ngaun maitim n xa..pasta po b kelngn q at mgknu?
Send photo sa fb ko. Baka pwede pa i-RCT. Read : http://www.denturesguide.com/rct/
Doc, pwede bang pastahin yung ngipin kong may butas?
Yung ngipin ko po ay yung pang-nguya ko po.
Sumakit na?
doc , permanent na po ba yung napastahan na ? hindi na po ba matatanggal iyon ? for example sa harapan po . tnx
Hindi. Walang permanent na bagay.
Doc, may butas na po ung ipin ko at sumasakit na sya. If mag pa rct po ako hndi po ba tumatalab ang anesthesia? and magkano po ito?
Yung dentist na pupuntahan mo ang makapagsasabi kung magkano.
Doc may bayad po ba pag mag paconsulta sa dentist?
Oo.
Doc magkano po ung isang ngipin lng po na may maliit na butas dun po sa dulo kung saan po kumakain. Ksi masakit po pag pumapasok ang kanin sobrang skit po eh so magkano po kaya yun?
Kapag sumakit na, rct ang remedyo. Read : http://www.denturesguide.com/rct/
Doc mgkano po ang pusteso bawat Isa SA harap
Read for info: http://www.denturescostguide.com/
Magkano po pasta sa harap ung dalawang malaki po nagkaroon ng space
Ibaiba kada lugar. YUng dentist sa lugar mo ang makakapagsabi kung magkano.
Doc tingn mo magkano pasta sa harap ng ngipin
Iba iba kada lugar. Itanong mo sa dentist sa lugar mo. Read :
Doc, pwede po bang papastahan yung ngipin na pangnguya kahit po sumasakit na? Salamat po.
Ipa RCT mo. Pwede din bunot.