Categories
Restorative Dentistry

Magkano ang pasta sa ngipin?

David Bartlett: Magkano ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist Philippines: Hi David Bartlett. Thanks for asking the dentist! Direct restoration in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in the Philippines are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.

Kadalasan, sinisingil sa pagpapasta sa halagang base sa ilang cavity, anong material na ginamit, specialization ng dentist, lokasyon ng dental clinic at madami pang iba.

Base sa info galing sa mga dentist, P500 pataas, kada butas ang sinisingil. Kung may 2 butas ang isang ngipin, 2 x P500 pataas ang singil. Mas mahal na tiyak kung nasa harap ang ngipin dahil nangangailangan ng galing at ingat ang dentist sa anterior teeth dahil sa esthetics.

Walang fixed price sa pagpapasta. Hindi siya tulad ng pagpapagupit sa barbershop. ba-ibang tao, iba ibang kalagayan ng ngipin.

Ito ang ilan sa tips ko para makahanap ng low cost but high quality direct restorations. Magtanong ka sa iyong mga kaibigan tungkol sa kanilang dentist. Feedback tungkol sa dentist. Search mo kung ano-ano ang training na kinuha niya. Magpagawa ka sa probinsya. Itanong mo kung member siya ng local dental society at Philippine Dental Association para malaman mo kung updated siya sa mga bagong pamamaraaan.

206 replies on “Magkano ang pasta sa ngipin?”

hello po.. ganito po ba talaga ang pakiramdam ng mag pa pasta sa harapan ng ipin sa ibabaw…nakakailang po kc magaspang ganun po ba talaga ang pakiramdam..tnx po…

hello po nputol po kc ang ngipin q s harapan sira n pla cia d nmn aq pde mgpbunot kc buntis po aq kya po b un ng pasta? slmt po…

naiilang po kc aq putol ung ngipin q s harapn anu po b dpt gawin patsa oh jacket isang ngipin lng nmn po at mgkno po un?

ask ku lang po kung pwede mag pa pasta sa gilid ng front tooth maliit pa ksi ung cavity .

Matanong ko lang . Kung magpapasta ba sa ngipin . mawawala na ang mga cavity nito? at hindi na ito babalik ? At kung magpapasta ba yung permanently. Magkano ?

Doc. may posibilidad pa ba na mtanggal ang bulok kung magpapasta at hindi na ito babalik ? lahat kasi ng ngipin ko may cabity .paano po ?

Doc masira po yung tatlo kung ngipin sa harap ung pinaka front sobrang sakit pwede ku po bang ipapasta?

kung may hole po yung front teeth mo sa likod tapos nagcrack siya, ano po bang maaaring maging solusyon? thanks.

dok ok lng ho kya ipabunot ung ipin q katabi nh bgang.. nputol po kc un. maliit nlang tra..

hi po .. tanong q lang po kung magpapasta po ba sa harap para na po ba talaga siyang ngipin? or its better na magpajacket? magkano rin po price nun? ..

doc. mgkano po mgpalagay na gintong ngipin? sa front upper teeth bawat isa? actually hndi nman isang buong ngipin,bale mliit lng nman po

Depende yan sa presyo ng ginto sa araw na pinagawa mo. Ganito ang mangyayari, pupunta ka sa dentist. Titignan kung gaano kalaki ang gintong ilalagay. Imimeasure niya ng caliper. Tapos pababalikin kja, dahil magtatanong ang dentist kung magkano ang ginto na kagaya ng size na nameasure. Pero yung kukuning timbang mas mabigat dapat sa actual na final restoration. Kasi pag ginawa na yang gintong ngipin, may mawawala sa fabrication process. Idadag mo yung actual na bayad sa dentist na gagawa. Maliban sa Captek crown, hindi na uso ang ginto ngayon sa front teeth, mga matatanda na lang ang nagtatanong sa akin tungkol sa ganyan.

Dok , may maliit kasing black hole sa front teeth ko , ano po ba gagawin dito ? papapastahan ko ba , magkano po kaya ?

Yung front tooth ko po kasi, three times ko na pinapasta, kasi yung pasta po after 1year, natatanggal na po. Ano po kaya ang pwedeng gawin since wala pong permanent na pasta?

doc. tanung ko lang po kung pwede pa pong ipapasta yung ngipin po sa front , nbasag na po cya.dahil may butas po.bali dlawa po ito ,magkatabi.

doc, nagpapasta kc ako 3 days ago, pinacheck ko lahat ng papastahan. 3 daw po after 3days na nga po, my sumasakit pag umiinom ako malamig na tubig or coffee, bumalik ako sa dentist, ang sabi yung sa ta na pinastahan nyang ngipin ko ang sumasakit. nung nilagyan na ng pasta, pinagmumug ako, meron pa rin, chineck ulet, sa kabila naman daw. yung wosdom tooth ko, pinasta ulet then pinagmumug ako meron pa rin. sabi nya, obserbahan ko daw 3weeks kung nde pa daw ok. i xxray na daw. magpapasecond opinion na po ba ako? nangingilo na kc ng sobra.

nagpapasta po ako ng ngipin kahapon. . . normal po ba na mejo magaspang ung pagkakapasta sa ngipin ko kase mejo nakakairiita po sa dila.

Comments are closed.

%d bloggers like this: