Archive for the ‘ Pediatric Dentistry ’ Category

Gaano katagl bago tumubo ang ngipin

Mhau : Hi po. Ask ko lng po gaano katagal bago tumubo ang ngipin ng bata after mabungian ng milk teeth. 2 front teeth po magkasabay na nabungi, nung umuuga na po hinila na po namin para matanggal na, natakot po kasi ako na baka malunok nya ngipin kung hahayaan lang n umuuga. More than 1 month na po di p rin po tumutubo permanent teeth nya, nauna pa po tumubo yung ngipin nya sa baba na weeks ago lang nabungi.

Thanks po

Dr. Jesus Lecitona : Ilang taon?

Mhau : 6y/o pp
6y/o po

Dr. Jesus Lecitona : Hintayin mo lang.

White Stain sa Ngipin ng Bata

Cyrra : doc sabi nung dentist ng anak ko, sa 3 years old pa daw pwede, may home remedy po ba para matanggal yung mga white stain sa ngipin nya?? Tsaka may recommended po ba kayong dentist na accredited ng medicard sa valenzuela or caloocan… thanks po!

Ask the Dentist : Wala. Hayaan mo lang ang stain. Pwede mo linisan ngipin niya ng gauze. Punasan mo lang.

Cyrra : Hindi pa po ba advisable ang toothbrush???

Ask the Dentist : Kung kaya niyang dumura, pwede na magbrush. Ikaw ang mababrush sa kanya.

Cyrra : Ok po dok.. thank you…

Pwede ba Mag-retainer ang sungki

Shane Abygail : pwede po ba magparetainer kahit my sungki?thank u po

Ask the Dentist : Pwede. Pero walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay nakakasira lang ng ngipin sa taong hindi naman nagbraces. Masama ang epekto sa taong hindi naman nagbraces.

Shane Abygail : Ah ok po thank you .

Sealant sa Ngipin

Graeys : recommended ba na ipa-pasta ang mga molars kahit walang sira, once na lumabas na sila para maiwasan daw na masira sila, like ages 7 year old kid. Thanks in advance

Ask the Dentist : HIndi pasta ang tawag doon. Sealant.
Recommended ang sealant pagkatubo ng ngipin. Protection.

Ngipin ng Bata

John : Dapat bang bunutin ang ngipin ng bata?

Ask the Dentist : Kung ang ngiping kapalit ay tumutubo na o kaya’y base sa age ay papatubo na o kaya’y nakita sa xray na nakaharang ito sa ngiping kapalit, ang ngipin na deciduous ay dapat ng bunutin.

Bunot ng Ngipin ng Bata

Nena : Pwede na ba bunutin ang ngipin nang bata?

Ask the Dentist : Depende sa age. Gaano kabata ang bata?

Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata

Nora : Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata?

Ask the Dentist : Kapag nakita mo nang may tumutubong kapalit. O kaya’y pagpatak ng 6-7 years, depende sa kung anong ngipin. Pero hindi ito nangagahulugang doon mo pa lang ipupunta ang baby mo sa dentist. Pagpatak ng 1 year old ng bata, dapat naipunta mo na sa dentist ang bata upang makita ng maaga kung may problema sa dental health ng baby mo. 🙂

%d bloggers like this: