Wag Magbraces kung magaabroad

Wilson : Hi Doc, pwede bang magpa brace khit may medical examination I have plans to go abroad..

Ask the Dentist : Kung mag-a-abroad ka, wag ka magpabraces.

    • Kaikai
    • Jul 2nd. 2014 10:12pm

    Hi. I have a que doc. I was recently diagnosed with TMJ, one cause is may isa akong vacant (1st molar left lower) extracted when I was 12 yrs old. So yung molars ko nagbend, then yung lower central and lateral incisor, may slight movement. nag Panoramic X-ray and TMJ Tomography (4views) X-ray na din ako. My dentist suggested brace application. if mag work, then good, if not saka i-back up ng splint (TMJ Appliance)
    Unfortunately, it looks like I don’t have a choice but to agree with the brace application to correct my joint condition.
    My concern is I wanna go abroad. not now, may be by 2015 or 2016. I wanna know if I can change my ortho or another brace plan. Is there any other option?

    • Lahat ng tao may TMJ. Ang TMJ ay part na katawan ng tao. Parang ulo. May ulo ang lahat ng tao.

      TMD ang tinutukoy mo.

      Hindi ko masasagot ang tungkol sa treatment dahil hindi ko makita ang xray at bibig mo. Ang treatment ay depende sa kung ano ang makita ko sa x ray, ikaw at bibig mo mismo.

        • Kaikai
        • Jul 14th. 2014 10:24pm

        doc i have another que. i just had my braces application today. im just wondering why my dentist didn’t used molar bands and rubber ties. Mine is just the traditional braces. i asked my dentist bout that coz its buggin me. with regard to molar bands, accdg to her, she wants to avoid build up of … (i honestly can’t remember, but the rationale is not to damage the molars since using molar band needs to cover majority of the surface of the molar, so hindi nalilinisan. sabi nya, pag nag end ang braces session sira na daw ang ngipin na may molar band)

        Im also confused why she didn’t used rubber ties but she used a very thin wire to lock the brackets. i ask her if I can used bracket wires. sabi nya latter part na daw kami mag rubber tie. masyado daw forceful ang rubber tie. we will use it pag minimal nalang ang adjustment.

        reasonable ba doc?

        • May dahilan siya kung bakit ganyan ang ginawa niya. Depende yan sa kaso. Parang sa pustiso, kaya ka sinusukatan dahil hindi parepareho ang bibig ng tao na yung pustiso ng lolo mo, pustiso mo na din at kasya sayo. Sa ortho treatment, ganun din. Hindi pare-pareho ang ginagawa sa lahat ng pasyente. Depende sa problema, inaayon ang steps na ginagawa.

          Ano ang inilagay niya kapalit ng molar bands?

          Patingin ng xrays mo. Send mo sa fb ko.

  1. No trackbacks yet.

%d bloggers like this: