Temporary Pasta

Arra : Hi po, gusto ko lang malaman if ideally gaano katagal kailang magpalit ng temporary filling/pasta … ayoko po kasi nung parang bakal ba yun dahil pag inopen yung mouth parang may sira yung ngipin. and also, I had my temp filling 6 months ago. noong bagong pasta pa lang po yung ngipin ko, kapag ikakagat ko na ay medyo makirot so naisip ko baka hindi nasara mabuti? tumagal sya after 4 months. and eto lang pong nakaraan okay na sya, hindi na sumasakit. pero di ko parin po sya ipinangkakain dahil nga sa iniisip ko baka may sobrang liit na butas eh baka masira ngipin ko if may debris na papasok.

Ask the Dentist : Kailangan mapalitan agad agad. Temporary lang yan. Kaya tinawag na temporary. Kasi temporary. Kaya ang gamit, temporary. Alam mo ang sagot sa tanong mo. Nasa denial stage ka pa nga lang. Hehehe!
Pero since isa kang maganda at hot na chick. Ikaw ay aking idinideklarang exempted sa Spartan Justice. Humayo ka at lalong maging maganda.

Arra : Hahaha. As in hindi man lang siya tatagal ng taon? pero papasta ako bukas feeling ko may leak na. Thanks!

Ask the Dentist : Dapat magpapasta ka na bukas. Dahil pag yang ngipin mo ay namatay, mas malaking kumplikasyon pa ang pwedeng mangyari. Mga taga-sparta lang ang hindi tinatablan ng sakit ng ngpin.

  1. No comments yet.

  1. No trackbacks yet.

%d bloggers like this: