Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!
Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/
1,723 replies on “Q & A”
doc ask ko lang po, kasi posteso yung isang ngipin ko sa harap… tapos hindi maganda ang pagkagawa..halata pa din na posteso, pwede po bang ipajacket ito? wala narin akong bagang sa baba.. pwede po ba din ipajacket ? kasi ayaw ko ng posteso kasi may gums nabubulol ako lagi kapag nagsasalita 🙂
Bridge. Ang jacker ay para sa ngipin. Sa bungi, bridge ang ginagawa: http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/
Hi doc! ask ko lang po kung magkano ang service magpakabit ng braces kung may dental supplies na ako para sa braces. Thanks po! 😉
Hindi yan gagamitin ng dentist mo. Kung ang dentist mo ay nakapagaral ng orthodontics alam niyang ang nabibiling tulad niyan ay dahilan lang ng kapalpakan ng ortho treatment. Long process ang orthodontic treatment, hindi yan simpleng materyales na nabibili sa kanto at pagkadikit tapos na.
ano po ba ang magandang brand para sa denture cleaner?
PM mo ako sa fb.
dra. okay lang po ba mag pa-pasta kahit naka brace na?
Ipapasta mo sa nagbraces sayo.
doc nag pa-brace na po ako pero di pinasta ibang pastahin okay lang po ba yon?
Hindi. Dapat pastahan muna lahat ng dapat pastahan bago braces.
Ask ko lang po doc . Normal lang po ba matapos magpapasta nangingilo siya ? Tas now po di ako ako nagngingilo kukirot naman po yung pasta sakin . Tas namamaga na po yung upper part ng ngipin ko yung ilalim ng labi ko po yung maga po nasa ilong ko na po banda yung sakit . Salamat po if mabasa nyo to.
IpaRCT mo.
Hi doc. Ask ko po sana kung sasakit ba talaga yung ngipin pag nagpa retainer
Ang retainer ay sinusuot lang ng mga taong nagpabraces. Isa yan sa mga epekto sa hindi nagpabraces.
Doc, balak ko po kasing magpabridge ng teeth sa harap. bale 4 teeth po. magkano po kaya yung posibleng presyo nun? Salamat.
Depende sa klase ng bridge. Sa porcelain fused to metal bridge aabot din ng 32K pataas. sa all porcelain aabot din 160K pataas.
Hi doc. Ask ko lang po kung pwedeng ipabunot yung pinagkakabitan ng molar lock ko sa brace. Sumasakit yung ipin ko kahit nakapasta na sya.
Walang molar lock. Sinususian ba ang molar mo? Bakit may lock, may krimen bang ginawa?
Hi dock ano ba ang pwede Kong gawin para Hindi halata na postiso ako??…pwede na po bang mag pa plant teeth ang 12 years old????
Hanap ka ng magaling na dentist.
Good Afternoon Doc!Ano po bang pwedeng gawin sa ngipin ko?May binunot po kasi saking ngipin sa baba ilang taon na din po.Yung mga ngipin ko po sa front teeth sa baba tumagilid na,nasakop na po yung space nung binunot sa aking ngipin.Pls reply.Thanks
Send photo sa FB ko.
hi doc. sumadakit po ung gums sabay x ngippin at ulo…ano po ang gamot…salamat po…godbless!!!
Ang dapat gawin ay pumunta na sa dentist.
hello po, ask ko lang po kung ano advisable dental crown for 2nd premolar.. gagawin po kasi syang molar kasi may spaces po kasi nawala na po yung 1st molar ko, ano po kaya mainam. zirconia crown or tilite crown? 16,500 daw po per unit anfg zirconia and 8500 nman po s tilite, ano po kaya mas advisable?
CAPTEK : http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
Annyeong Doc, Magkano po minimum ng pasta sa front teeth kung yung isa e parang may tapyas pero yung isa naman onti lang ang sira parang itim itim lang. magkano yung pasta? may gagawin din ba sa isang ngipin? parang may gap po. pero sira lang yun di yung natural gap. para maoag ipunan ko na! 🙂 salamat po.
Hindi ko alam ang minimum. Wag ka maghanap ng cheapest. Ang cheapest, madalas pumalpak.
ano po ba ginagawa pag cleaning o yung OP pagka po may braces?kasi po pansin ko lang yung ligaties po pinapalitan nung dentist tapos po tapos na. as far as i know po, monthly po iyon sa iba. e naka 3months na po ako. eh di ko pa alam dahil yung ligaties lang po ginagawa sakin o baka ginagawa po nya di ko lang alam kaso almost gang ten minutes lang po procedure na ginagawa sa akin e thanks po.
Depende yan sa napagusapan niyo. Depende din yan sa napagaralan ng dentist mo.
pero ano po ba ang proseso ng OP? may iniisparay po ba o anupaman? haha tyia doc.
Ipapakita sayo ng dentist mo kung paano.
Good pm po doc. Ask ko lang po kasi ung pagitan nang gitnang ngipin ko parang nalulusaw na po. Para pong nabubutas pero pag po tinitignan ko ung likod, wala naman pong kulay black. Malaaks po feeling ko na sira po eh. Naka brace po ako, pano po kaya un uubra pa po ba ung pasta dun? Ayoko po mawalan nang ngipin sa harap pa naman. 🙁 hope youll answer. Thanks po.
Picture-an mo, send mo sa FB ko. Idagdag mo sa PM mo itong tanong mo.
Ano po ung fb nyo doc? Search ko po. Thanks po doc.
Nakalink sa right side nitong website. https://www.facebook.com/askdentistphilippines
Doc pano ba malaman kung magaling ang dentist?
Madami. Una sa pagtatanong mo. Sa mga pinagaralan niya. Kung saan siya graduate. Sa gawa niya.
doc.pwde po bang pastahan ang ngipin sa harap na npaggigitnaan ng posteso?
Yes.
Hi po, bagong lagay po ung braces ko 2 weeks ago.tpos napansin ko po ngaun na parang may sira ung isang ngipin ko sa may harap. Ano po magandang gawin don? At parang umuuga po ung 2 ngipin ko yung parang my sira at katabi nya..normal po ba yun? At pwede pa po ba un masave ng braces?thank you in advance 🙂
Since may braces ka, sigurado akong may xrays ka na. Litratuhan mo ang x rays mo. Send panoramic x ray at cephalometric x ray sa FB ko. Hindi nagsisave ang braces mula sa pagkasira. Hindi yan vicks na gamot para sa lahat.
doc. masakit ba ang pagpabrace,?gaano ito katagal at anong edad ang dapat para magpabrace?? ty in advance.
Hindi. Para ka lang kinagat ng higanteng langgam. Max of 2 years. Kapag buo na ang roots ng ngipin mo.
hi doc,
Ask ko lang po, recently po kasi sumasakit un right first premolar ko.
Siguro po dahil napressured na din kasi eto lage side pinapang-chew ko.
Restored Tooth ito, pinapasta ko 3years ago and until now ok pa naman un fillings hindi pa natatanggal. Pro napansin ko un color mejo dark un loob nya. And kapag tuktok ko un tooth makirot cia.
Dapat ko na po ba cia ipabunot?Ano po ba ang possible procedures na issugest ng dentist?
Thanks.
Kapag sumakita na at ayaw mo mabunot, ipaRCT mo.
Dok, gusto ko po sana magpalagay ng retainer, kaso hindi po ako sure if pwede kasi pustiso na po yung dalawang ipin ko sa harap
Ang retainer ay dapat sinusuot lang nga mga taong kakatanggal ng braces nila. Kung hindi ka nagbraces, wag ka na magpalagay dahil sisirain lang niyan ang mga ngipin mo. Ang madalas na epekto niyan ay gum disease: http://www.denturesaffordable.com/who-can-suffer-from-gum-disease/
Doc, pwede kayang ipapasta ulit ung nasa bagang ko na may pasta? sumakit na po siya dati at namaga..
Hindi. RCT yan or bunot.
Hi doc tanong lng po kse nagbunot po ako wisdom tooth sa lower left side po at one wik napo hndi nsya makirot sa skit.. ung itaas ng ipen kopo ung makirot ngaun. Ganon po ba doc makirot po itaas ng ipen ko kng san malapit binunutan ng wisdom tooth. Maga din gums nya. Kumikirot hnggang ngaun. Salamat po doc..
Ipatingin mo sa dentist mo para malaman kung bakit makirot.
doc, tanong ko lang ano pong gagawin ko pag nagpa brace ako tatanggalin ba yung sungki kong ngipin na dalawa sa harapan 🙂
Hindi. Punta ka sa magaling na dentist para hindi ka mapariwara.
Ask ko lng po kung magkano na magpa braces ngayon??
Ang presyo ay depende sa lala ng aayusin. Wag ka magalala, instalment ang pagbayad. Sa orthodontist ka pumunta para hindi ka mapariwara.