Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!
Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/
1,723 replies on “Q & A”
Thank you so much po
Oks.
Magkano commonly ang RCT? mga magkano range? masakit po ba yun?
5k per canal pataas. Depende sa bilang ng canal ng ngipin.
doc ask ko lang kung may brace na pwedeng ibuka yung pagitan ng ngipin kasi nung nawala yung isa sa harap ko napabayaan kumipot
Pwede.
tutubuan pa po ba ng ngipin kahit 13 years old na po t kahit po nabunutan na ito nung bata pa ako
salamat po
Anong ngipin? Para sigurado, magpa-panoramic x ray ka.
ano po. mabisang pandikit sa braces? kc po. natatangal po ung akin laku na sa dulo ng lower
Ipadikit mo sa orthodontist mo.
available na po ba sa philippines ang resin infiltration. and if available po mga how much po?
Meron. Yung dentist na gagawa ang madidecide kung magkano.
Lahat pa ba ng dentist alam un? Kasi po nagtanung po ako sa dentist ko la daw po treatment for whitespots na ndecalcify na.
Send photo ng ngipin mo sa fb ko.
hello po, doc panu po if nagpabrace po ako, tapos nagkaron ng white spots ipin ko, ano po magandang treatment para po mawala ung white spots bukod po sa veneers po thanks
Send photo.
Hi po! Magandang Gabi! 🙂 Ano po bang magandang gawin kapag kung yung 2 malaking ipin sa taas e medyo hiwalay mo? panget po kasi tignan e. Kung magpapabraces naman po di kaya ng budget.
Yun lang po, Salamat!
Pwede yang pastahan, pero mas lalo lalaki itsura.
Good evening po doc balak ko pong magpa brace ng ipin kaya lang ang upper teeth ko 5 or 6 na lang ang natitirang ipin the rest wala na po dahil pinabunot ko na po tpos my bubunutin ulit lima sa upper teeth ko possible po bang makabitan pa rin ako ng brace doc. Thank you in advance po. Gusto ko po sanang magsend ng pic ng ipin ko para mas makita nyo po yng sinasabi ko doc.
Targetin mo na lang ang implant. http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/ Pero anyways, send a photo sa FB ko.
Anu FB nyo po doc?
Yan nakalink sa gilid.
Hi doc, palano ko po magpa jacket ng isang ngipin kaso ayoko po sana nung ng kaka stain anong klaseng jacket po ung pwede and sana po makapag suggest po kau ng clinic or doctor na magaling kasi i had bad experince with dentist po. thanks po in advance and Godbless : )
All ceramics/all porcelain: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/ PM mo ako sa FB.
Hello, Meron po akong Butas sa Ipin about 1/4 po ng Whole teeth yung butas hanggang Gums po. Pwede pa po bang ipa-Pasta yun ? Mag papa-Braces po kasi ako and Dun po Ilalagay yung Bands e.
Ipaxary mo kung pwede pa pastahan. Kung hindi na, ipaRCT mo tapos crown: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Doc, Nadedepressed na ako 🙁 apat na kasi ang nabubunot sa permanent teeth ko e ayoko na sana mabunutan pa to. ngayon, marami pa daw ako papasthan.. im willing to pastahan lahat pero takot na ako mkaramdam ng matinding sakit ng ipin (if ever magkocause ng severe pain any time ang pasta). Kpag pinastahan n ba to, maayos pa ang sitwasyon ng mga ipin ko? or braces ba ang solusyon? Paano ko na po maiingatan ng sobra yung rest ng ipin ko? Guidance please. Medyo problematic na ako. Thanks
Hanap ka ng magaling na dentist. HUwag ka maghanap ng cheapest at tiyak ako, masesave pa yang mga may sira.
Dok? Ask ko lng po kung pwede ipabunot yung Hindi pa sirang ngipin? Kc po my sira yung ngipin ko sa left side I think po kc bka pag pinabunot ko po
Hindi mag pantay kya nag deside ako na yung kapantay na teeth sa right side pa tanggal ko na din po??
Ipabraces mo para magpantay.
masakit po ba pag nag papa brace a t pwede po ba mag pa brace ng may bunging dalawa lang po sa taas at sa baba magkano po 30,000 po ba
Hindi masakit. Para ka lang kinagat ng higanteng langgam. Kung magkano ay depende sa lala ng aayusin, at sa galing ng dentist mo.
pwede po ba ako magpa braces kaso may bungi ako 2 sa taas at baba tig iisa. mqagkano po pa braces masakit ba po
Pwede.
Pwde po ba mag pabraces yung may sira ang ipin?
Papasatahan muna ang mga may sira bago ibraces. Dahil kung may sira at nagpabraces ka, lalo lang lalaki ang sira at balang araw, malalagas ang ngipin mo.
Sobrang sakit po nung wisdom tooth ko pati po lahat ng malapit n ngipin. Nagtanong po ko s dalawang dentist un una po sabi surgery daw po un isa nmn dentist may ilalagay daw xa parang gums ng likod ng ngipin tas may parang bakal s gilid para daw po maka labas ng maayos ung ngipin.. ano po b tlga dapat?
Salamat po.
Ipax-ray mo para malaman natin ang dapat gawin depende sa condition ng ngipin mo. Usually ang 3rd molar ay dapat bunutin.
hi doc my problem is may sungki aq sa front teeth 3 po then nabulok na ubg 2 ayoko po sana magpapasta ksi basag na yung teeth ko sa likod,kung pa2 denture po aq pero fix ok lng po ba?
Send photo. Mukhang kumplikado yang condition ng ngipin mo.
Doc, nagpabunot po ako ng ngipin kahapon, uminom na po ako ng mefenamic kahapon kaso after ilang hours nun, nagdiarrhea po ako. Ngayon di naman na po kaso sumakit ulit gums ko tapos feeling ko namamaga pati pisngi ko. medyo nilalagnat dn po ako, normal lang ba to? natatakot naman po ako uminom ulit ng gamot baka sumakit ulit tyan ko. haha thanks po!
Inumin mo ang inireseta. Magpagaling. Tatawagin mong normal yan kung yan ay normal. Halimbawa, “ninonormal po ako”.
Doc pwede po ba ko magpabunot kahit po masakit ang ngipin?
Pwede. Pero tatagan mo ang loob mo.
Salamat doc. Buti andyn po kayo samin na walang sawang nagaadvice
Sawa na nga ako eh. Ayoko na. Bigyan mo nga ako ng pera. 😀
Doc ok lang po ba naka brace yung upper teeth ko then sa baba naka removable appliance siya?
Ilang taon ka na? Bakit appliance sa ibaba? Anong appliance yan? Send ka ng panoramic at cephalometric x ray sa fb ko.
doc ask ko lang, sobrang sakit kasi ng ipin ko kasi nasira na yung pasta niya. kahit anong mefenamic acid inumin ko hindi nawawala yung sakit. normal po ba yun?
Kung “normal” ang sobrang sakit, tatawagin mo yang “normal” at hindi mo yan tatawaging “sobrang sakit”. Ang pwede mong ipagawa ay magpa-RCT or bunot. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
doc pde po b ibraces.kz naglolock jaw po ako at di pantay ang bite ko thnks,,
Possible.
Tanong ko lan
Oks.
Doc. kailangan po bang mag retainer muna bago magpa brace?
No, hindi retainer ang tawag doon. Ilang taon ka na?