Q & A

Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!

Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/

1,723 replies on “Q & A”

Doc ask ko lang po, Ayos napo lahat ng ngipin ko. Napastahan at nabunutan po napo yung sirang ngipin. Magpapabrace po kase ako e. Kaso po nung nagpa xray ako, Yung sa bunot ko po na 5yrs ago, May naiwan daw pong ngipin. As in sobrang liit niya lang kaso po nakaconnect daw sa ugat. E kaso po yung Dentist ko nasa out of town. Possible padin po ba na malagyan ako ng brace kahit na diko na ipasurgery yung naiwang ngipin? Please pasagot po.

Good day! Ask ko lang poh kung ok lang poh ba kahit hindi nakakabit ang isang wire sa isang bracket? Kasi tinanggal muna ng dentist ko kasi natanggal nung pagkakabit hanggang ngaun ndi padin kinakabit .1 month napoh mahigit braces ko. Thanks. Self ligating here. .

Hi po, ask ko lang kung maaayos ba ng braces ang underbite? Kasi may nabasa akong articles na mas sinusuggest nila ay yung jaw surgery?? But I don’t have enough money para doon… I’m still a high school student and maraming nakakapansin ng ngipin ko pagnangiti ako or tumatawa….nakakahiya po sobra, I want it to be fix… I hope you can answer this Thank You

Hello Doc,

Asks ko lang po kasi 2 years na yung brace ko and hindi pa din sya ayos and then nagpunta ako abroad.. gusto ko kasi syang icontinue dito sa abrod. Is it possible po kung i continue ko dito? Ilang months po ba anf maximum na hindi pagpapadjust nang brace? Thank you in advance and godbless.

Good pm po doc. May worry lang po ako kasi po yong in between my front tooth po turned black tapos yong first and second molar ko po may cavities na rin at hindi na rin buo talaga. May plano po kasi akong magpa braces. Ano po ba dapat unahin na ipa ayos muna ?

Hello dok . Ask ko Lang Po if pwedi pa rin Po bang magpa braces kahit Wala na Po akong dalawang ngipin sa itaas . Sa ngayon Po gumagamit ako Ng pustiso . Kung pwedi Po , magkano ?

doc, ask ko lng po 24months po ako nkbrace sv ng dentist ko pwde n raw tangalin kya khpon po tinangal n nya kso lng po ngyn npansin ko na ng space yung front teeth ko normal po ba yun s bagong tanggal ng brace at maayos p po ba yun ng retainer??

Good day po, I am a student po and ngayon lang po ako naconscious sa ngipin ko… sa baba po kasi may kulang po akong dalawang ngipin na magkatabi.. gusto ko po sanang magpabridge for that since magkatabi naman sila so possible po ba? Tapos sa taas naman po yung 4 front teeth ko nakacrownjacket po dye to accident.. sa right side po 3 na ngipin na po ang wala na magkakatabi, ang pangil ang bagang nalang po ang natitira.. sa left naman po 2 na ngipin naman po ang wala… gusto ko po sana magkaroon ng complete teeth pero ayaw ko naman po magdentures and implant because its pricey po.. Pwede po bang ibridge lahat ng kulang na ngipin or may ibang way pa po para macomplete yung teeth ko? Please help me po. Thankyou.

Gudpm doc,8months napo aqng my braces,mejo naging ok na nga po ung ngipin q sa harap sa taas,kasu nacra po ung ngipin q habang my braces aq,tas tinignan q po na my flashlight,nabigla po aq doc kc napancn q na my crack o lamat ung 2 ngipin q sa harap sa taas,sobrang natatakot aq doc sa pwedeng mangyari baka malagas ngipinq kc my crack o lamat..hnd q papo nsv sa dentist q doc kc wala papong tym..sobrang natatakot po aq doc.pahelp nman po.tnx.

Doc. Nagpapasta ko kasi may itim na sa gitna ng ngipin ko hindi na raw kaya ng cleaning kaya pinasta na pero hindi pa tlga sya butas. Pwede kopa po ba to papalitan kapag gumamit ako ng whitening toothpaste kapag hindi na pumantay ung kulay?

Dok. Tanong ko lang po? Kapag ba nagpalinis ng ngipin maghihiwal-hiwalay? May nakapagsabi po kasi saken. Natatakot tuloy akong magpalinis baka maghiwa-hiwalay yung ngipin ko. And sumasakit po yung ngipin ko kahit walang sira then nadadamay yung ibang ngipin sa sakit. Ano pong dapat gawin ko?

Dok. Tanong ko lang po? Kapag ba nagpalinis ng ngipin maghihiwa-hiwalay? May nakapagsabi po kasi saken. Natatakot tuloy akong magpalinis baka maghiwa-hiwalay yung ngipin ko. And sumasakit po yung ngipin ko kahit walang sira then nadadamay yung ibang ngipin sa sakit. Ano pong dapat gawin ko?

Hello po doc. Ask lang po. Namamaga po ang gums ko sa left side. May sirang ipin na kasama. And balak ko din pong la brace pra maayos naman po teeth ko. Anu po maganda gwn doc?thanks po

Hi dok. Ask ko lang poh kung normal ba ung nangyare sa ngipin ko. Nagpabrace poh ako self ligating 2 poh ung sungki ko. Bale yung 4 na nasa unahan tumaas pumantay sa sungki tapos ngaun openbite ngipin ko ngaun dok. Ganun ba talaga dok? Thanks.

Good day po doc. Tanong ko lang po kung ano dapat gawin, may sira po yung ngipin ko sa unahan may butas po sya. Sumasakit po sya pag aksidente ko masipsip, tapos neto lang paggising ko masakit yung gums sa ibabaw nya pag pinipisil ko medyo lobo din sya. Ano po kaya pwedeng gawin balak ko din po kasi sanang ipa pasta e. Salamat!

good morning po. nagpabago po ako ngcrown and ang ni-refer po sa akin zirconia. nung i-install na nakita ko naman ako tinanong if im comfortable with the size, shape, etc. at hindi ko rin naman kung ano dapat tanungin. nung kinabit na napansin ng husband ko na maitim at parang may yellow stain, like i drank coffee for ten years at hindi nag- toothbrush. bumalik kami dun at sabi ng technician normal lang daw ang parang may stain kasi mukhang fake daw kung puting- puti. nagtanong kami ibang dentists in the area and sabi samin papalitan daw namin. im fully paid na sa kanila.

Ask ko lng po anung dapat gawin kpag ang teeth sa upper front ay parang mauubos at hndi ko maikagat ng magdidikit ang upper at lower teeth,di p po normally when we bite our front upper and lower teeth makadikit,but ung akin hindi po,

Hi doc ask ko lang po kung pwede po ba magpabraces kahit may postiso? May isang postiso po ako sa itaas eh tsaka yung katabi nya pong ngipin medyo may itim na butas na ng konte. Mga magkano po ba magagastos ko neto? Salamat po

Hi.. itatanong ko lang po kung magkano po aabutin kapag nagpalinis, nagpabunot, at nagparestoration ako ng ngipin? isa ngipin po sa harap ang umuuga na at sobrang kapal ng tartar ng ngipin ko sa likod ng ngipin ko.. never pa po ako nakapagpacheck ng ngipin sa dentista.. please reply po.. salamat..

Doc, kaka-pasta lang po ng ngipin ko sa likod ng dalawang upper teeth ko at sa pagitan nito sa harap. Pinasta din po yung sa sungki ko. Ang sabi ng dentist sakin, 1 year pa daw bago malagyan ulit ng braces. Tama po bang sundin ko yung sinabi nila? Parang ang tagal naman po kasi. Ano pong maipapayo nyo doc?

Leave a Reply