Braces Philippines

Frequenly Asked Questions about Braces in the Philippines

Mauubos ang ngipin mo sa DIY Braces

Mauubos ang ngipin mo sa DIY Braces

Question: Pwede po bang upper lang ang braces?
Answer: Hindi. Upper at lower lagi ang braces.

Question : Pwede po bang lower lang ang braces?
Answer : Hindi. Upper at lower lagi ang braces.

Question : Bakit upper at lower lagi?
Answer : Magkapares yan. Kapag inayos mo ang taas, aayusin mo din ang baba. Kapag taas lang ang braces, maiiwan ang baba. Kapag baba lang ang braces, maiiwan ang taas.

Question : Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
Answer : Walang inaaayos ang retainer. Ang RETAINer ay nagriretain ng inayos na ngipin sa braces. Ang retainer ay isinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.

Question : Magkano ang braces?
Answer : Iba-iba ang presyo, depende sa lala ng aayusin, klase ng brackets at galing ng dentist mo.

Question : Namamaga ang gilagid ko. Pwede po ba ako magpabraces?
Answer : Kailangang magamot muna ang pamamaga ng gilagid mo bago lagyan ng braces. Hindi ka dapat magpabraces na namamaga. Gagamutin muna dapat yan. Dahil tiyak na lalala ang pamaga niyan kapag may braces at maaaring bumigay ang mga ngipin mo at maubos.

Question : Sira sira ang ngipin ko. May maliliiit at malalaking butas. Pwede po ba ako magpabraces?
Answer : Hindi. Kailangan mapastahan muna ang mga may sira. Kailangan maayos muna lahat ng dapat ayusin bago i-braces. Kung may dapat i-RCT. Dapat maRCT na yan.

Question : Pinapa-x-ray po ba bago ibraces?
Answer : Oo. Bago ibraces dapat nakapagpanoramic x-ray ka at cephalometric x-ray. Makikita sa x ray ang mga problema sa ngipin mo. Ibabase din sa xray ang treatment sayo.

Question : Pinipicture-an po ng dentist ko ang mga ngipin ko. Kailangan po ba yun?
Answer : Oo. Ginagamit ang litrato sa orthdontic treatment.

Question : Saan ba ang cheapest braces na high quality? Anong clinic?
Answer : Binabayaran ang quality. Parang sa kotse yan, ang quailty ng ferrari ay iba sa quality ng Toyota. Kapag naghanap ka ng cheapest car, wag mong asahan na Ferrari ang kalidad. At kapag cheapest ang braces, aasahan mo bang gagamitin sayo ng dentist mo ang mga materials at gamit na high quality? Tiyak akong hindi magpapakalugi ang dentist mo. Ang maipapayo ko sayo ay huwag ka maghanap ng cheapest. Kung gusto mong makatipid, average price ang kunin mo. Magtanong tanong ka sa mga dentist, ipakita ang ngipin mo, saka kunin ang price ng treatment. Ilista ang Price na nakuha mo, saka mo icompute ang average. Pagkatapos mo makuha ang average, mamili ka na (average or above average ang piliin mo), except sa lowest price. Icompare mo ang mga dentist na napuntahan mo base sa:
1. Dentist ba sila? Alamin mo ang buong pangalan ng dentist mo at isearch dito: http://www.prc.gov.ph/services/?id=16 . Kailangan kumpleto at tama ang spelling ng pangalan ng dentist mo kapag nagsearch ka.

http://www.prc.gov.ph/services/?id=16
Example : Lalabas ang "Jesus Orlando Lecitona" sa search. Pero hindi lilitaw sa search ang "Jesus Lecitona".

2. Saan sila graduate?
3. May certificate ba sila sa orthodontics? May kaibahan ang “actual training” at “seminars”. May kaibahan din ang “Masteral sa Dental School” kumpara sa “Preceptorship”. Madaming dentist ngayon, naglalagay ng braces kahit walang formal training.
4. Kaya bang sagutin ng dentist mo ang mga tanong mo?
5. Maayos ba ang kagamitan nila?
6. May bayad ba kapag nagpadikit ng natanggal na brackets?
7. Basahin ang fine print, may mga nakatago bang fee?

Question : Napakamura ng DIY braces, gusto kong bumili, okay lang ba ang DIY Braces?
Answer : Ang dentist ay 6 years nagaral para maging dentist. May board exam bago magkaroon ng lisensya bilang dentist. Pagkatapos maging dentist kailangan ng ilang taong pagaaral pa bago maglagay ng braces. Sa tingin mo, kaya mong gamutin ang sarili mo kapag nagDIY braces ka? Ang tiyak ko, mauubos ang ngipin mo sa DIY braces.

Question : May estudyante po ng Dentistry, hindi pa po siya dentist pero pagraduate na. Okay lang po ba magpabraces sa kanya?
Answer : Hindi. Bago maging specialist ang dentist sa braces, kailangan niya munang maging dentist. Kapag dentist na siya, saka pa lang siya hahayaang makapagaral ng specialization ng orthdontics. May subject na orthodontics sa Dentistry pero papadaan lang ng propesor. Tiyak akong hindi pa itinuturo sa dental student ang paglalagay ng braces.

Question : Saan po ang clinic niyo?
Answer : Bisitahin mo ang website namin at nandoon ang address at contact number sa clinic
Braces Philippines
Dental Braces in Quezon City

    • brian
    • Feb 23rd. 2015 12:41am

    Para saan po ang retainer ? Pwede po ba yun sa mga nagmumukang babalo ?

  1. No trackbacks yet.

%d bloggers like this: