Categories
Endodontics

Nabali ang pangil na Nakapasta

Celay : hi doc good day!

ask ko lang po nabali kasi yung pangil ko nakapasta na kasi yun , hindi na daw kayang ma reapir nang dentist ko, ok lang po ba ipabunot ko nalang yung pangil ko tapos denture ko nalang.
na woworied kasi ako..safe po ba yun doc?

please reply

Thanks

Ask the Dentist : IpaRCT mo na lang tapos crown:

Fixed Partial Denture – Endodontically Treated Tooth


Kung QC ka, dito ang clinic namin:
http://dentistquezoncity.com/dental-services/root-canal-treatment/

Categories
Endodontics

Putol na mga Ngipin

Joy : hi,
good day!
ano po pwedeng procedure gawin dito sa ngipin ko.
how much po estimate cost?
salamat.

Basag na Ngipin
Basag na Ngipin

Ask the Dentist : Malamang na dapat I-RCT na yang ngipin mong bali. Tapos jacket crown. Saka mo ipabraces. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joy : Best po talaga i-RCT? ano pong difference kung hinde i-RCT, jacket crow, then brace lang.

Ask the Dentist : Kung hindi ina-RCT, nandiyan pa din ang impeksyon. AT sasakit yan.

Ask the Dentist : Pwede mo din ipabunot tapos dental implants : http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/

Joy : oh. ganun po. salamat po sa advice.

Categories
Endodontics

Ina-RCT dati, Nangitim: Ano ang gagawin?

Anne : Doc, nag pa RCT na po ako dati 2 years na po sya, napansin ko po medyo dark na yung ngipin compared sa mga katabi nya.. papaulit ko po ba yung RCT sa dentist ko? may charge kaya yun? and balak ko na po ipajacket yung tooth na na-RCT… magkano po kaya yun? thanks po

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Send mo x ray dito. Pag wala pa infection, pwede ijacket. Usually, kapag hindi natakpan mabuti, maiinfect ulit ang ngipin na inaRCT. Pag uulitin ang RCT, may bayad ulit. Wag na wag kang magpapagawa ng libre dahil tiyak ako, gagawan ka ng papapaano na lang. Human nature, kung walang bayad, ang gawa walang kwenta. Kung mura ang bayad, mababa din ang quality.

Anne : Ok i’ll send po ung xray soon thanks po

Categories
Endodontics

Halaga ng Root Canal Treatment

Riyee : Doc ito po yung pic ng upper teeth ko masydong mahal ang inplant di ko pa p kaya yun hangga brace lng po kaya ko pwede po pa bang ibrace ito pa help nman po dami po kcng bubunitin dyan . thanks in advance

Malalang Sira ng Ngipin
Malalang Sira ng Ngipin

Ask the Dentist : May mas malala ka pang dapat unahin. Dapat mo na yata ipaRCT yang talong sirang sira mong ngipin. After nun, magpabridge ka na lang or dentures: http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/

Zirconia Fixed Dental Bridge

Riyee : Magkano po mag pa RCT doc ayoko po ng pustiso ang magpabridge po magkano

Ask the Dentist : Usually, per canal ang price ng RCT. Sa ngipin mo 9 K pataas sa isa, yung isa 6K pataas, at Yung isa pa 6K pataas. Madami ding klase ng bridge, all porcelain, porcelain fused to metal, porcelain fused to gold.
All porcelain: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Porcelain fused to metal bridge: http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Nakadepende din sa kung ilang bungi kung magkano.

Riyee : Ah ok po doc thanks

Categories
Endodontics

Pwede ba i-RCT ang may menstruation

Keara : doc,nagsimula po yung rct ko kaninang umaga tapos sabi ng dentist ko bale 3 meeting daw po yun. nagkamenstruation po ako ngayong hapon. okay lang po ba na magRCT kahit may period?

Ask the Dentist : Yes. Pero option niya na wag ka i-RCT habang may period ka. Possible kasi na magkaroon ka ng pamamantal at pamumula.

Keara : salamat po doc.

Categories
Endodontics

Pwede ba i-RCT ang walang ngipin

Remegios : Wala na akong ngipin. Pwede ba ako magpa-RCT?

Ask the Dentist : Ngipin lang po ang ina-RCT. Kung wala nang ngipin. Wala nang ia-RCT. 🙂

Categories
Endodontics

RCT and Crown Cost

Joenell : gud am sir, ask ko lang po kung anong magandang gawin sa ngipin ko bale natanggal na po yung dating jacket tapos ngayon ay kumikirot.. pede pa po bang i jacket uli ito? ano po ang marerekomenda nyo sir para maayos ulit ito?

Ask the Dentist : IpaRCT mo tapos jacket, http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joenell : ok sir mga magkano po aabutin nyan?

Ask the Dentist : Anong ngipin yan?

Joenell : sa harap po sa taas.

Ask the Dentist : 10K din sguro pataas.

Categories
Endodontics

Safe ba ang RCT

Rei : good afternoon po . pwede po magtanung ? and RTC po ba ay safe talga ? kc may nabasa po akong article and it talks about the RTC is not safe kc daw po it causes some disease like heat problems . mga ganun . natanung ko lng po .

Ask the Dentist : Yes, safe.

Rei : yan po yung article sa internet talks about the root canal (Some link)

Shocking Connection: 97% of all Terminal Cancer Patients Previously Had This Dental Procedure……

Ask the Dentist : Katangahan ang maniwala sa lahat ng nakasulat sa internet. Kapag ang nabasa mo ay nasa website ng ADA, doon ka maniwala. Pero kung punong puno ng ads, magduda ka. Alam mo bang mas madaming tanga ang namamatay kaysa sa taong walang RCT? At mas madaming taong walang RCT ang namamatay kaysa sa taong may RCT. In fact, kapag binilang mo ang namatay sa Africa, tiyak akong madaming walang RCT ang namatay kaysa may RCT.

Categories
Endodontics

Dapat may X-Ray Kapag Nag-a-RCT

Lylab : hello doc online po ba kayo ngayon? pwedeng magstory ng case ko at magpakonsulta nadin ? thank you po.

Ask the Dentist : Ikwento mo lang. Hindi ako laging online, pero mababasa ko yang kwento mo pag nagonline ako.

Lylab : haha alam ko naman yun doc. nabasa ko po kasi sa site nyo na askthedentist na kelangan pala dpat may xray before magRCT. e nung pinaRC ko po kasi yung upper front tooth ko last 2008 wlang ginawang xray. tapos bumalik ako last january sa same dentist na gumawa ng RCt kasi nga bumalik nanamn yung sakit.nagsuggest ulit xa na iRCT tapos wlang xray ulit. pabalik balik ako sa clinic for a month or 2 ata kasi may amoy padin so hindi nya matapos tapos. hanggang knailangan kong umuwi sa province namin at hanggang ngayon d parin tapos yung supposedly RCT. bale temp pasta lang po nilagay nya at may crack na ngayon. baka this december na po ulit ako bumalik at hopelfully maayos na. so tanong ko po, pano po kung meron paring amoy at matagalan nanaman ang pagclose? ano po mangyayari? magkano po ba ang xray? sa ngayon po d pa naman sumasakit. pero yun kasi yung inaalala ko baka bigla na naman sumakit meron pa naman akong gingivitis at sabi po ng dentist ko yung general gum bleeding daw.. akala ko kasi pag nag RCT, okay na, d na babalik. please give me some advice doc. salamat po.

Lylab : at ilan po ba canal ng front tooth? hehe thanks

Ask the Dentist : Hehehe! Ang rct, ini-x-ray bawat step. Kaya may 4 or more x rays yan kada RCT. Magpalit ka ng dentist.

Lylab : thanks doc!

Categories
Endodontics

For RCT : Necrotic na ngipin

Christian : hi doc ung bagang ko po sa ibaba sa kanan may butas po sbi ng dentista necrotic n dw po ang pwede dw gwin e bunutin o kya nman ipa root canal. magkano po ba mgpa root canal? kung bubunutin po gagalaw po b ung mga ktabing ngipin?

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Send mo sa akin.

Christian : anong klaseng xray doc?

Ask the Dentist : Periapical x ray.

%d bloggers like this: