Categories
Restorative Dentistry

Temporary Pasta

Arra : Hi po, gusto ko lang malaman if ideally gaano katagal kailang magpalit ng temporary filling/pasta … ayoko po kasi nung parang bakal ba yun dahil pag inopen yung mouth parang may sira yung ngipin. and also, I had my temp filling 6 months ago. noong bagong pasta pa lang po yung ngipin ko, kapag ikakagat ko na ay medyo makirot so naisip ko baka hindi nasara mabuti? tumagal sya after 4 months. and eto lang pong nakaraan okay na sya, hindi na sumasakit. pero di ko parin po sya ipinangkakain dahil nga sa iniisip ko baka may sobrang liit na butas eh baka masira ngipin ko if may debris na papasok.

Ask the Dentist : Kailangan mapalitan agad agad. Temporary lang yan. Kaya tinawag na temporary. Kasi temporary. Kaya ang gamit, temporary. Alam mo ang sagot sa tanong mo. Nasa denial stage ka pa nga lang. Hehehe!
Pero since isa kang maganda at hot na chick. Ikaw ay aking idinideklarang exempted sa Spartan Justice. Humayo ka at lalong maging maganda.

Arra : Hahaha. As in hindi man lang siya tatagal ng taon? pero papasta ako bukas feeling ko may leak na. Thanks!

Ask the Dentist : Dapat magpapasta ka na bukas. Dahil pag yang ngipin mo ay namatay, mas malaking kumplikasyon pa ang pwedeng mangyari. Mga taga-sparta lang ang hindi tinatablan ng sakit ng ngpin.

Categories
Orthodontics

Braces na 1 thousand pesos

Arshieda : May braces po ba na lower than 1thousand pesos ang cost ?tnx po,,

Ask the Dentist : Wala.

Arshieda : Magkano po ba ang pinakamababang brace ? and safe po ba itO ?

Ask the Dentist : 40 thousand pataas.

Categories
Surgery

Pwede ba ipabunot kapag sumasakit

Dhonna : Pwede po b ipbunot pg nskit p

Ask the Dentist : Hindi ko masyado maintindihan. Bale ano ang tanong mo?

Dhonna : kc po hndi nwwla skit ng ngipin po..
ang tnung po khit po b nskit p xa pwedeng bunutin tatalab po b anestisya

Ask the Dentist : Punta ka sa dentist. Kapag nakita niyang dapat ka munang uminom ng gamot, riresetahan ka niya muna. Kung nakita niyang pwede nang bunutin agad, bubunutin niya.

Dhonna : ntalab po b anestisia khit nskit?

Ask the Dentist : Teka, binasa mo ba ang reply ko?

Categories
Prosthodontics

Pustisong hindi halata

GEla : helo po pustiso po kc ung front teeth ko eh halta po kc d po ako mkangti nu po b gwn ko doc
naiilang dn po kc ak0ng 2mawa kc po halta..

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay humanap ng magaling na dentist.

GEla : i mean nu po b dpat gawn sa ngpin ko.. implant po b.

Ask the Dentist : Depende sa budget mo. May mga magaling na dentist na kayang gumawa ng pustisong hindi halata.

70 thousand bawat isang implant. http://www.dentalimplantscostguide.org/price/

Categories
Endodontics

RCT or Bunot

Jhyan : Hello po,gud day…ask ko lang po if anong best na gawin sa ngipin q…butas n po kasi at kumikirot minsan affected na din ung 2 teeth besides nya…pustiso din po ako..pangit po ng ngipin almost sa mother side ko po ganun

Ask the Dentist : IpaRCT mo or ipabunot mo. Kahit mahina ang ngipin na minana mo, hindi yan masisira kung aalagaan mo. Wag mo sisihin ang nanay mo at ng lahi niya. Nasa sayo yan.

Jhyan : Morning po…salamat po…hindi nman po..

May kilala po ba kaung dentist from san jose nueva ecija…mahal po kasi masyado dto

Ask the Dentist : Wala eh. Ito lang recommended dentists ko: http://askthedentistphilippines.com/dentists/

Jhyan : Salamat po….

Categories
Restorative Dentistry

Tooth Decay

Mara Claire : hi doc. anong treatment po pwede sa ngipin na puro tooth decay na. kulay yellow lng naman po hindi ung black?

Ask the Dentist : Ipapasta mo.

Mara Claire : thank you po doc.

Categories
Periodontology

Gingivitis

Marc Anthony : doc my gingibitis po kpatid q, mgkno po b ang treatment?

Ask the Dentist : Ipunta mo sa dentist para makita kung gaano kalala.

Categories
Implant Dentistry

Dental Implants Cost Bicol Philippines

Karren : hi doc.! naka denture po ang isang ngipin ko sa front almost 1 yr and half na kaso nag recede na po yong gums ko. i was thinking about the implant,magkano po kaya magagastos ko at kung san po location or name ng clinic….thank you and im looking forward…

Ask the Dentist : 70 thousand pataas ang implant.

Karren : any clinic that you can recommend. i am in bicol now….i was visited a dentist 2days ago and he said about bone will be put in my gums,that will be additional charge?

Ask the Dentist : Wala ako kilala sa bicol. Yes, kung minsan yun pa ang mas mahal.

Categories
Orthodontics

Retainer Philippines

Coleen : Hi po. Ask ko lang po kung pwede po bang mag pa retainer kahit may pustiso po? Please answer po confused po kasi ko eh gusto ko po talaga malaman yung sagot. Thanks

Ask the Dentist : Ang retainer ay para sa mga kakatapos ng orthodontic treatment.

Categories
Orthodontics

Ang Kahalagahan ng Tiwala sa Dentist

Manel Andrea : Hi doc! ask ko lang po, ano po yung pampabuka ng ngipin na sinasabi? ung dentist ko po kasi nghingi sakin ng 2k para daw po sa pampabuka ng ngipin sa braces ko, dahil may isang ipin na dikit masyado dun sa katabi niyang ngipin..bukod p dw po un sa 35k na binayaran ko..ano po ba un doc?

Ask the Dentist : Malamang stripper yun. Walang binunot sayo? Anong name ng dentist mo?

Manel Andrea : Magkano po un? Pra dw po mghiwalay ung dalawang ipin n mgkadikit.. An—– ma—– po name..
Wala pkng binunot skn..basta siningil lang po ako ng 2k pra dw po sa pamapabuka

Ask the Dentist : Ah. Oks. Malamang hindi ka bunutan kasi gagamit siya niyan. Mga ganyan ang presyo.

Manel Andrea : Pero may mga puwang po akong ngipin sa tabi ng mgkadikit n ipin n yun..
Ano po b itsura non?ano pong pangalan ng gamit n un?

Ask the Dentist : Itanong mo sa kanya para sigurado. Yang buka buka na iyan eh iba ang naiisip ko eh.

Manel Andrea : Ano po naiisip ninyo?

Manel Andrea : Doc nagggawa ka po ba ng jacket?tama po b ung presyon n 25,000 sa 3 ipin? Isang ipin ung wala sakin sa babang kaliwa at dalawa nmn po un nawalang ngipin sa babang kanan..

Ask the Dentist : Kapag bumuka, nabubuntis. Yun ang naiisip ko sa buka.
Kapag ako ang gumawa niyan, yung pinakabasic na bridge sa 3 missing eh 35 thousand.

Manel Andrea : Swartz appliance tgnan muna ntin effect kanya thanx- ayan po ung text nung dentist ko..ano po yang pampabuka n yan sa ipin n sinasabi nia?

Ask the Dentist : Ganito ang pinakabasic niyan: Porcelain Fused to Metal Bridges

Ask the Dentist : Ah, para sa expansion.
Mura singil niya for that.

Manel Andrea : Ahh un po talaga presyo non?hnd nia po kc ako pina xray dati at cinast nung bago nia po ako lagyan ng braces..tama po b un?or baka expert n kc sya kaya ganun?
Mgkano po b tlga un?

Ask the Dentist : Dapat may x ray at cast pag ortho. Expert man o medyo expert.
Pinastahan ka niya bago lagyan ng braces? Tinuruan ka magfloss?
Ganda na ng ngipin mo ah, bakit ka nagpabraces? Bagay sayo smile mo.

Manel Andrea : Painastahan nia po ako.. Pero hnd nia po ako tinuruan mgfloss sabi nia kc doc kelangan ko dw kc kelangan dw po ipasok ung ngipin tapos hnd dw naka-align ung center ng ngipin ko sa may ilong..ano po b un?dba ang minor lang po ng case ko?hnd nga po sya nahirapan sa ngipin ko sabi nia e..ung sa baba lang dw po need p dw ipa jacket yun kc dw po gagalaw ung ngipin..mghhiwa-hiwalay daw po..

Manel Andrea : Kelangan dw po ipasok paloob ung sa taas na ngipin at ung sa baba dw po..pero un nga sabi po nung iba maayos n dw po dati ung ngipin ko..nung nasama lang po kc ako dun ng friend ko isang beses tinignan nia ngipin ko at kelangan ko dw ipabrace at ipajacket after
Pero d mn lang nia ako pina xray at cast.. So hnd ko po macocompare ung before and after kung may improvement

Ask the Dentist : Upper at lower yang braces mo?

Manel Andrea : Opo..upper at lower po

Ask the Dentist : Magpaturo ka magfloss. Ilang buwan na iyan? Naku hehehe! Requirement ang flossing, lalo na kapag may braces.
Iba iba ang diskarte ng dentist sa isang case, depende sa nakita niya sa bibig ng pasyente.
Siyempre pag binuka, may ipapasok. Hehehe!
Huli ang bridge at crowns lagi. After ng braces na iyon. Unless, requirement sa iba pang dental procedure.

Manel Andrea : Naku mg-1 yr n po to sa june..dba po minor lang nmn ang case ng ngipin ko? Mura n po b ung 35k n siningil nia skn dito?:)

Ask the Dentist : 1 year tapos hindi ka nagflofloss? Hehehe! Buti pa, magpapanoramic x ray ka. Tapos send mo yung photo ng xray. Kita lahat doon ang problem. Tignan natin kung ano ano ang problem. Sa Lapid Dental Clinic, malinaw x ray nila.
Wala pang 1 thousand ang panoramic x ray.

Manel Andrea : San po banda ung lapid xray?sige po tapos send ko po sa inyo?hehe
Opo hnd po ako ngffloss..dko rn po alam pano un haha

Ask the Dentist : Yes yan ay mura. Pero SOP talaga ang preliminary cast at xray sa braces. Doon mo kasi pagplaplanuhan yung case eh, kung ano ng treatment.
May branch sila sa cubao. Wait search ko alam ko may website yun eh.

Manel Andrea : Tsk..so pwedeng nakita lang po ng dentist ko n mgbrace ako? Nawalan n po kc ako ng tiwala sa dentist ko e though prang mura nga po singil nia compare dw sa iba

Ask the Dentist : https://www.facebook.com/lapiddental

Ask the Dentist : Magpaturo ka sa kanya. Hindi dapat naglalagay ng braces kung hindi naman tinuro kung paano linisin.
Ang problem diyan, kailangan matapos mo ang treatment mo sa kanya. Kasi kung kanino mo sinimulan, sa kanya mo dapat tapusin.

Manel Andrea : Hanggang sa mgpa jacket po ako?

Manel Andrea : Kelangan po b tlga lagyan ng jacket after? Mggagalawan po b tlga ung sa lower since my mga nabunot ng ngipin?

Ask the Dentist : Ang isa pang problem, wala ka nang tiwala. Kasi kapag wala kang tiwala, lahat ng gagawin niya ang una mong instinct ay mali na lahat ng ginagawa niya.

Manel Andrea : Kaya nga po e..feeling ko kung ano ano nalang pinagagagawa nia..dko po actually maramdaman ung worth ng binayad ko..

Ask the Dentist : Binayaran mo ng cash?

Manel Andrea : Opo hehe
Tapos na po
Fully paid na

Ask the Dentist : After ng braces mo, magriretainer ka. After retainer, saka lalagyan ng bridge.
May klase ng retainer na dinidikit sa lingual ng ngipin, kaya pwede ding sabay ang bridge at retainer.

Manel Andrea : Ah mas makakamura po pg ganun?

Ask the Dentist : Bakit ka nagfully paid agad. Hahaha! Hay naku naman.

Manel Andrea : Sa braces po i mean ung fully paid

Ask the Dentist : Masaya ka pa niyan ha. Hehehe! Exempted ka kasi maganda ka. Kung hindi naku maiinis na ako.

Manel Andrea : Ung sa jacket bridge at retainer hnd p po nauumpisahan..pngddown n nia po ako para dw mapagawa n nia ung mga gagamitin pero sabi ko hnd p po muna

Ask the Dentist : Bale tapos na ang treatment? Ilang buwan pa daw?

Manel Andrea : Hnd nia po masabi kung kelan dw aalisin tong braces…dko n nga po alam ggwn ko e prang napasama p pgpapalagay ko sa braces n to hehe

Ask the Dentist : Magdown ka pag sinimulan na oks?

Manel Andrea : Sige po thank you po doc ah sensya n ang dami kong tanong hehe

Ask the Dentist : Kung wala pa. Wag ka magdown. Hindi yun mauunang gawin kaysa sa gagawin sa bibig mo. Sa bridge, una tooth prep sa bibig. Tapos susukatan. Saka ipapagawa.
Magpa-panoramic xray ka para makita natin kung may problem.

%d bloggers like this: