Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!
Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/
1,723 replies on “Q & A”
Ano po ba ang best way para magpaputi ng ngipin? Tnx po 🙂
Magpateeth whitening sa dentist.
Hi good pm po, doc mayroon po akong sungki sa taas ng ngipin ko, ask ko po if kaya po ba siya ayusin ng braces? And I also have small teeth sa ibaba ng ngipin ko when I was young,hindi na po napabunutan, anu po dapat gawin sa small teeth ko? Kung ipapabunot ko po ksi siya ang laki po ng mgiging uwang at baka may tumubo pong sungki. Thank you po
Pwede.
Hi doc,
May braces po ako,ngpantay pantay naman kaso ngkaroon ng butas sa middle ng front teeth ko. Sabi ng dentist ko normal lng daw po ito tpos ngayon mgreretainer na daw ako. Di po ksi ako mapakali naiirita ako sa butas. Dapat na po bang tanggalin ang brace ko?
Send photo sa fb ko.
Doc. Pwede po bang mag pa braces kapag nag click or pop ung jaw? Underbite din po ako doc. Salamat po
Yung makakakita ng ngipin at xray mo ang makakapagsabi kung pwede.
Hi Doc. May Inman Aligners ba dito sa Pilipinas? Nabasa ko na mas mabilis at mas affordable siya compared to the traditional braces. Mga magkano po kaya?
Ang makakakita ng ngipin mo ang makakapagsabi kung magkano.
Hello po doc tatanong ko lang po bakit naiyak ang kapatid ko…yung 1st bunot nya kasi same day hindi man sya nasakatan bakit po nung 2nd bunot na nya same day din po naiyak sya dahil naputol po yung ngipin nya 🙁
Naawa lang po ako sakanya first time nyang magpabunot…sabi ng dentist may nana po daw…hope you will answer
Sinagot mo na din ang tanong mo. Hehehe!
“bakit naiyak ang kapatid ko”
“naiyak sya dahil naputol po yung ngipin nya”
Hehehe! Good job Apple! 😀
Doc, yung 2nd molar ko po sira na sya basag sa loob pero malalim na po, di na daw kaya ng pasta. Ano pong pwedeng gawin dito before ako magpabtaces? Kailangan muna po bang ayusin lahat ng ipin?
RCT + Crown : http://www.denturesaffordable.com/restoration-of-broken-teeth/ . Oo.
Hi! po tanong ko lang plano ko po ipabunot na 4 teeth sa itaas oara complete denture na siya kasi po yung gamit kong pustiso luma na at maluwag na po. Meron po bang ibang temporary pustiso pwede ikabit habang iniintay ko matuyo lahat ng gums kasi po nakakahiya naman sa work na labas lahat ang gums ko habang nakikipag-usap sa kanila. Thanks po
Meron. Immediate denture ang tawag. Tinatawag din itong temporary denture: http://costdentures.com/removable/temporary-removable-partial-denture/
ask kulang po nag pa brace po ak0 kas0 nagkar0n po ng maliit na butas ung fr0nt teeth k0,ask ku lang po d0c if pd po b mapastahan un ng ibng dentist nsa out of t0wn p0 kc dentist k0 and bka nxtwik pa p0 x makblik gust0 k0 na p0 kc pa pas0a e , kahet me brace na p0.tnx p0h.
Sa dentist na nagbibraces sayo ka magpapasta.
Normal lang b umuga ang ipin ko xa harap
Hindi.
Hi doc. Ask ko lng nakakasira ba ng ngipin ang retainer? Kahit wla namng sungki ang ngipin? Prang designdesign lng?
Yes.
hi doc ask ko lang po .pwede na po ba kumain ng matitigas na pagkain kpag bahong brace pa lang ? kung hindi po, kelan po pwede mkakaen ng matitigas na pagkain?
Kapag hindi na mabaho ang braces mo, pwede ka na ulit kumain. 🙂
Hello po 🙂
I am currently an incoming 2nd year dentistry proper student, and I am just wondering of the significance of taking up post graduate programs. I mean what are the benefits of taking them up? why not just be a general dentist instead?
Thank you po.
Mahalagang kung ano ang hilig mo sa dentistry, yun ang kunin mo sa postgrad. Pinaka-ok ang school based na specialization.
Sa benefits:
Hindi ka mapapaikot ng pasyente sa kanilang mga tanong. Kaya mong sagutin nang tama kahit anong tanong nila.
Sa gagawin mong dental treatment, tiyak na tama ang gagawin mo sa iba’t ibang sitwasyon, tulad kunyari sa “nagtitipid ang pasyente at ano ang option niya sa pustiso”.
Marami kang babaeng makikilala sa school at syempre pagkatapos.
Iinvite ka ng dental chapters para maging speaker. Ganun din ng PDA.
Pwede kang magturo kung may MS ka.
Pwede kang sumingil ng mas mataas dahil mas pulido ang gawa mo.
Ipapasa sayo ang pasyenteng hindi kayang gawan ng general dentist.
Madami pang iba. 🙂 Mukhang UE ka nagaaral.
Hi po ask ko lang po if ok lang po ba mag pa cleaning kahit masakit po yung ngipin ko. Please po answer me po agad salamat.
Yes.
Hi Doc ask ko lang po kung anung gagawin sa pustiso ko, kase gusto ko po sana ipa.fixed bridge yung dalawang ngipin ko sa harapan sa taas eh yung pustiso ko po kase na gawa na eh meron din dun sa ipapa.fix bridge ko. Pwede po ba bawasan ng ngipin yung pustiso ko? yung pustiso ko po sa taas ay may 3 ngipin sa gilid (left), 2 sa harapan, at 1 sa right side
Picture-an mo ang pustiso mo. Send mo sa FB ko para makita ko.
dok, nagpapasta po ako,then naputol po ung pinapasta ko, pwede pa po ba ibalik ung pinapasta ko, i mean is there a way na pwedeng idikit na lng itong muli? thank you po
Ipapasta mo ulit. Kapag hindi na kaya sa pasta, ipaveneer mo or jacket:
http://www.denturesaffordable.com/affordable-ceramic-veneers/
http://www.denturesaffordable.com/dental-crown-photos/
pwedi ba daw pung kagyan ng braces ang pustiso ?
Hindi. Design lang ang pwede. Pero hindi advisable.
Ask ko lang po if kung magkano retainers sa baba?
Sa nagbraces sayo ka magtanong, para may discount. Kapag hindi ka nagpabraces, wag ka magretainer.
Good day!
I just want to ask if nag pa root canal mamamaga po ba?
Madalang. Pero nangyayari kung minsan.
thank you po!
Oks.
Hi doc, madami po lumalabs na murang braces ngayon. 4k up and down na, tas nag ask ako kung dentist gagawa, oo daw. Di na daw kailangn ng xray, kakapain nlng daw, is that true po? Pede ba maglgy ng braces ang wala naman sa practice.
Kailangan ang panoramic xray, cephalometric x ray, photos, records, plaster models, para mapagaralan bago ibraces. Isa pa, mahal ang magaral ng orthodontics. Kapag nakapagaral ang dentist, hindi maninigil ng ganyan kamura.
Sa materyales pa lang, kulang na ang 4K. Magduda ka sa ganyan kamura at klaseng pamamaraan. 🙂
Pero nasa sayo yan kung gusto mo subukan, hehehe! Walang mawawala sa akin. Sayo madami, tulad ng mga ngipin mo. 😉
Hi doc, ask ko lang po kung pwede bang magpapustiso kung isa lang po yung bungi sa front?
Thank you
Pwede. Pero mas mainam na ipabridge mo or implant:
http://www.dentures.com.ph/category/fixed-dentures/
http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/
http://www.affordabledenturesph.com/resin-bonded-bridge/
San po ba ang mas mainam at mas affordable? Alam niyo po ba ang price ng pagpapabridge & implant?.
Depende sa klase ng bridge at kung ilan ang bungi ang presyo ng bridge at presyo ng implant. Basahin mo ito para sa info:
http://www.denturescostguide.com/
http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/
Pwede kang bumisita sa clinic namin para makita ko yan ng personal:
http://dentistquezoncity.com/
doc ask q lang po.. hmpp ung front teeth q po eh medjo umusli lang po ng konti hindi po masyadong usli.. eh pwede po kaya akong mag pa retainer nlng/ imbis na brace? mahal po kasi ang brace.. thankyou po
Walang inaayos ang retainer. Ang RETAINer ay nagriretain. Kaya yan tinawag na RETAINer.
H! Doc ask ko lang po kc ung mga ngipin ko me itim na line kaylangan napo bang e papasta?
Anu po ung dpt qng gawin. .
Thanks 🙂
Patingin. Send a photo sa FB ko.
Doc, naka isang oras ako sa kakabasa ng mga q and a dito, natuwa ako sa mga positibong reply nyo at may halong joke pa. Ang tanong ko ngayon doc ay importante para sa akin, dahil smiley person po ako. Anim po ng taas/harap kong ngipin ay ceramic crown, ndi na po naging pantay ang set ng ipin ko dahil nagpeel ng konti sa dulo, kaya ba ito ng pasta o composite filling para pumantay cla ulet, o mag level ulet ang haba?
HIndi. Matatanggal din agad yan kapag dinaan sa pasta. Kung matigas ulo mo, try mo. Wala namang mangyayari sa akin. Hehehe!
Papalitan mo na lang yang crowns mo para maayos. http://costdentures.com/fixed/porcelain-crowns/
First Question, Pwede po bang ipasta yung sumakit na ipin? Ask ko din po, 21 yrs old na ako, Masasabi po bang sensitive ang ngipin ko kasi dalawa na ang nabunot sakin tapos ngayon po madalas ako mangilo. Last december sabi ng dentist ko 8 na ipin papastahan, pero nd ko napapastahan until now, June. Ano po ang pwede kong gawin kasi ayoko na sana mabunutan ng ipin since permanent na to ? 🙁 help po
Kapag sumakit na, RCT yan or bunot. Para hindi mabunot, ipaRCT mo na lang: http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/ . Sa tingin ko alam mo na ang dapat monmg gawin, kailangan mo lang ng moral support. Kaya mo yan. Ipapasta mo yung sinabing dapat ipapasta. You can do it. 🙂