Q & A

Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!

Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/

1,723 replies on “Q & A”

Good day DOC! ask lang pa ako yung ngipin ko po sa front sa likod po niya ay merong pong nabiyak na maliliit parts po sa ngipin. ngayon po meron na siyang space yung nabiyak na part ng ngipin kinuha ko po tapos pagkakuha ko itim ang kulay nito. ano po ang mainam na gagawin dito?

Doc nagpabunot ako ng ngipin sa upper right side. Ang problema 9 days na hindi pa din nag hihilom yung gums ko. Ano kayang problema?

Hi good morning po doc.ask ko lang po kase last sat.nagpabunot ako ng ipin din sinurgery sya then binawasan “daw” po ng buto para matahi.Kso po mag one week na parang may lumobo sa binunutan then may time po na sumasakit.Pag pinapalobo ko yung mouth ko may hangin na lumalabas don sa binunot then parang bumubula at the same masakit po sya.Normal lang po ba yun? Thank you so much

Hi Doc, ask ko lang po pwede pa po kaya papastahan yung sa bagang ko? May butas po kasi siya nadurog po last year. Ngayon po super sakit at plan ko na magpunta sa dentist, ano po kaya magandang gawin?

Hi! I’m 21 y/o and may sungki ako, sabi nila hindi na daw kaya ng braces kasi 21 na daw ako. totoo po ba or kaya pa ng braces?

Doc pde npo bang kumain 2hours npo nakakalipas nung binutan ako. pde ko npo bang tangalin yun bulak.? ok lang po bang magdugo?

Umuuga po ngipin ko kahit wala naman dahilan nakakangilo.
Pero Nagpabraces na ako dati pero nung ndi ko na sinuot retainer ko naghiwalay ung dalawa sa harap.

Kakapalinis ko lang po ng ngipin last month sabi po sa akin kailangan ko daw po ipabunot yung dalawang ngipin ko po sa taas. Pwede po ba na ipabunot ng sabay? Molar tooth po yung dalawang ngipin.

doc, may iba pa po bang solusyon dahil medyo lumaki na po kasi yung butas ng ngipin ko po sa harapan ayoko po kasing pabunot, sabi po kasi ng ibang dentista kailangan na daw po bunutan kasi po namatay na daw po ata yung ugat ng isa ko pong ngipin sa unahan. Ayoko po kasing magpustiso eh isang ngipin lang po yung lumaki yung butas tapos yung iba ko pong ngipin nakukuha naman po sa pasta.

Doc, ako po ay 21 years old na at meron po akong cleft lip at palate, na-address naman na po siya nung bata po ako, pero gusto ko po sanang mag braces po ngayon para po pumantay po yung mga ngipin ko po, pwede po ba akong magpabrace kahit na nagka cleft palate ako at 21 years old na po?

Hello doc. Ask ko lng po 11 months na po braces ko. Pero last month bigla sumakit ung bagang na may molarband,pinag arcoxia po ako ng dentist. Dipo tumalab kaya pinag antibiotic ako for seven days. Nawala naman po pero eto na naman. Hanggang roots po ung kirot,then now ko lng po napansin na umuuga ung bagang na may molar band. Di naman po ako pwede magpabunot if ever kasi may goiter po ako. Di naman po sira ung ngipin. Pero may bungi po ako in between. Di po kaya napasama ung hatak? Thanks po

Doc, pwede pa po bang ipabraces kase po yung right upper and lower side po ng ngipin ko wala na po yung up and down na bagang so may space po then yung left upper naman po 1st, 2nd and 3rd molar ko po wala na then yung left lower po okay pa po then okay na po the rest na ngipin? Salamat po.

Hello po Doc, ask ko lang po anong procedure ang gagawin sa ngipin ko?
Ngipin po sya sa pagitan ng front tooth at canine. Naputol po kasi dahil sa accident, 1 year na po syang putol hindi pa po ako nakakapagpaconsult. Yung itsura po nya halos 10% nalang ng ngipin yung natira sa gums and I think medyo bulok na sya kasi open po yung ngipin (butas po sya papunta sa gums), masasalba pa po kaya yun?
ano po pwedeng gawin para mapalitan yung ngipin aside from implants?
Pwede po kaya bunot tapos braces? Hoping for your kind response. 🙂

Hi doc. Natanggal yung pasta ko sa bagang tas sumakit po sya. Next day papabunot na po sana ko, kaso sabi nung dentist maayos pa daw kaya pinastahan nya ulit.. hanggat kaya pa daw ayusin ang ngipin wag daw pabunot ng pabunot. Sa right side sa baba po kase 2 bagang na wala ako. Sa left 1 na po nabunutan. Pag yung isang bagang na ngipin ko pa nabunutan huhumpak na daw pisngi ko. Ngayon po, ung natanggalan ng pasta, pinastahan nya ulit. Kaso po sa ilalim nung nasakit na ngipin, pag kinakagat ko po nasakit sa parteng ilalim ung pinastahan ko. Ano po gagawin ko para mawala sakit? Pinagtake din ako ng cefalaxin for 7 days. Though, tolerablr naman po ang sakit pag kinakagat kaso hirap po kumaiN

Hi Doc ask ko lang po kasi magti 3 years na po yung braces ko then wala pa rin pong nagbabago sa overbite teeth ko.

nakatagilid po kasi yung isa kong ngipin sa taas. pag naka front view okay naman po tignan pero pag nag right side view na po ako, makikita po na nakatagilid yung isa kong ngipin. pwede po ba ko magpalagay ng braces?

Leave a Reply to Ask the Dentist Philippines Cancel reply

%d bloggers like this: