Q & A

Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!

Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Miclat Lecitona Dental Clinic
Gomez Commercial Bldg
Sangguniang Bayan St
Pozorrubio, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/

    • mae
    • Jul 23rd. 2016 10:25am

    Hi Doc
    Ask ko lng po pede ba magpa adjust sa iba? Ang hirap po kc kontakin ng dentist nmin magsasabi kc xa ng date ng next adjustment tas close nmn ndi din nagrereply sa mga tx.. Ok nmn po ung gawa nya nadedelay lang lagi pag adjust gusto po sana nmin ung active sa mga kliyente nya.. Ang tanong uulitin po ba ulit nun o itutuloy lang ung pag adjust pag nagpalit kami dentist?

    • Hindi. Iisa lang ang ortho mo sa braces. Oo, uulitin yan kapag magaling ang napuntahan mo. Kung bobo ang mapuntahan mo, papalitan nya lang yan ng goma hanggang magsawa ka.

    • Nicholas
    • Jul 30th. 2016 9:13pm

    Hello po doc.

    Tanong ko lang magkano magpaRCT un 4 na ngipin sa harap sa taas kaso matagal na etong wlang ngipin. pewde bang bridge un o tigi-tigisang RCT. Salamat po.

    • Jasmine
    • Aug 1st. 2016 1:11pm

    Good Day Dok! Sir, may sira po kasi yung harapan na ngipin ko, yung bandang likod sir, nabasag yung likod niya, tanong ko lang po kung pwede po siyang ipapasta/
    Thanks po!

    • Karla
    • Aug 1st. 2016 4:58pm

    Pwede po bang mag pa brace after mag pa bunot ng ngipin on the same day ?

    • vic josep
    • Aug 13th. 2016 5:29pm

    Doc nag pa brace po kasi ako pero bago ako magpabrace, may umuuga akong ngipin. Sabi nung dentist pwede naman daw akong malagyan ng brace. Kaso nung nalagyan na ng brace at medyo pawala na yung sakit ng ngipin ko dulot ng brace, di naman nawawala yung sakit dun sa part na umuuga kong ngipin. Sobrang kirot niya pag umiinom ako ng tubig or nagmumumog ako. Tsaka pag kumakain ako masakit din. Bali almost 1 week pa lang brace ko

    • kar
    • Aug 14th. 2016 5:43am

    hello gud evening.. ask ko pp if possible labyan ng braces ung may jacket na ngipin.. at magkano po ang magagastos pra d ganon..

    • Bryan
    • Aug 15th. 2016 11:31pm

    thanks!

    • Jeng
    • Aug 17th. 2016 8:29pm

    Hi! madali po bang bunutin ung pudpud na bulok ipin? ung tipong nasa gums na? Kailangan pa ba ng surgery? THanks

    • Laira tanghal
    • Aug 19th. 2016 7:46pm

    Ask ko lang po kung ano ba uunahin magpapasta or magpa rct tapos jacket?

    • Yankee
    • Aug 20th. 2016 12:19pm

    Hi doc. Tanong ko lang po, nag pa veneer po ako using un composite lang (12 and 22) sa front. Then sabi ko dapat makuha ung original color nung ngipin ko, sabi nya sigurado daw makukuha. Nung tapos na, pagka kita ko, napaka layo ng kulay nung ngipin ko dun s veneer. I asked the dentist bakit ganun, sabi ny aminado din daw sya na hindi kakulay. Hindi daw mahabol un kulay ng kaputian ng ngipin ko and un ginamit nya daw un a1 which is the whitest in the market na daw. Can i ask for a refund po pag ganun?

    • Kriza
    • Aug 23rd. 2016 1:20am

    Hi doc, ask ko lang po, naputol kasi yung molar bond sa upper right ng ipin ko, nasa province po kasi yung dentist ko, so okay lang po ba kung sa ibang dentist nlng ako magpakabit ng bagong molar band? Thanks.

    • Mench
    • Aug 26th. 2016 10:43pm

    ,hi doc..ask ko lng po if normal b n sumakit ang ngipin after mag palagay ng braces?thank you

    • Maimai
    • Sep 10th. 2016 6:48am

    Hello po good morning..

    • Jude
    • Sep 12th. 2016 6:56am

    May solution po ba ang permanent dental paresthesia dahil sa wisdom tooth extraction? Salamat po.

    • jane
    • Sep 16th. 2016 3:45pm

    Hi Good Afternoon po Doc. Ask ko lang po if pwede pa ko mag pa bridge kung wala na po akong apat na teeth sa harap at dalwang bagang sa taas. Bale, 7 po yung wala kong ngipin sa may itaas. Ano pong magandang gawin dun? And ask ko na rin po kung magkano yung bridge? Salamat po ng madami.

    • Ten ten Ibarra
    • Sep 22nd. 2016 8:29am

    Ask ko lang po kung okay lang mag mouthguard kahit may sungki?

    • Renz
    • Sep 27th. 2016 8:33pm

    Doc. Pwede po ba lagyan ng brace kapag may broken tooth

    • Sherchris Soriano
    • Sep 28th. 2016 3:04am

    Hi Doc. I want to seek a second opinion. My daughter will be 10y/o in Dec 2016 pero di pa lumalabas yung mga ngipin. Sabi nung dentist hindi makalabas yung ngipin kasi maliit ang space. Then sabi nya isusurgery to help na lumabas yung ngipin. Ano po opinion nyo? I can send po xray ng ngipin nya.

    • Louise
    • Sep 29th. 2016 12:02pm

    Ano po ba ang mga treatments sa demineralized teeth at magkano po ang aabutin? Yung ibang ngipin ko po kasi napudpod yung iba naman po naglubak-lubak at numipis din po yung enamel ko.

    • Arlyn
    • Sep 30th. 2016 2:42am

    Doc nag pabunot po ako ng ngipin bagang kinabukasan po namaga anu oondapat gwin o di kaya inumin na gamot ang skit po kc

    • DanielaMae Plata Delos Santos
    • Oct 7th. 2016 9:04pm

    Doc pano po kaya yun may nakabaon pong tinik sa ngipin ko i mean sa gilagid po pero ung sa gitna po baga ng ipin. Wisdom tooth po na mejo tumutubo pa lang po ata? Yun tagiliran po nun natusok po ng tinik pano po kaya yun? Di ko po kasi matanggal 🙁

    • Killua1992
    • Oct 11th. 2016 3:19pm

    doc may boil po na maliit sa upper front teeth ko. maliit lng po. pumuputok minsan, minsan bumabalik. mga 5 years na siguro po to. ano po dapat gawin?

    Thanks.

    • Nikki
    • Oct 13th. 2016 5:50pm

    Doc, nagpabunot po ako ng bagang 6 days ago. Ngayon po parang may ngipin na tumutubo sa pinagbunutan. Posible po ba na tumubo pa ulit ang ngipin ko? 24 years old na po ako. Salamat po.

    • Aika
    • Oct 14th. 2016 2:36pm

    Hello doc! As of now I have my braces on and yung teeth ko wala na sa midline sabi ng dentist ko kailangan daw ng fixed bridge. Pag po ba nagpalagay ng fixed bridge babalik na sa midline yung teeth ko? Thanks

    • icy
    • Oct 15th. 2016 1:44am

    Doc . pakiramdam ko kasi bumabaon ung bagang ko . parang bumababa po sya . possible po ba un . salamat po

  1. No trackbacks yet.

%d bloggers like this: