Ask me. I will answer all your dental questions. Please be aware that all answers posted in Ask the Dentist Philippines website is provided for informative purposes only. Consult your own dentist regarding the applicability of any opinions with respect to your dental condition. Thanks!
Pwede din kayong bumisita sa clinic para makita namin nang personal ang inyong dental problem.
Anoticel Dental Clinic
166 Carmen East,
Rosales, Pangasinan
http://www.affordablebraces.org/
1,723 replies on “Q & A”
i mean pde po ba icut nlng yung retainer ng pustiso ko pra makapgparetainer ng bago salamt po π
Oks.
Good day doc, ask ko lng po pwede po pagsabayin ang bunot (sa bagang) at cleaning ng ngipin. Tnx
One more question, my madilaw po sa ngipin ko upper teeth sa dulo and magaspang din sya, matatanggal kya un sa cleaning. Tnx.
Hindi pwedeng magsabay. Pwedeng magkasunod.
doc, tanong kopo sana kung anng maganang gawin sa dalawa k pong ngipin sa harap. nagpalagay po kc ako ng silver then after a year sumasakit po ung isa kong ngipin sa harap. ano pong magandang gawin? papatanggal ko nb ung ngipin ko sa harap?
Ipa-RCT mo:
http://dental.tips/rct
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Hi doc, ano po bang mangyayari kapag nag pa brace ka kahit maayos naman ang ngipin mo?
Naku Curious po kase ako eh. Salamat po π
Sorry, hindi ako magpapabraces.
Dok, kasi po yung 2nd Molar ko nabulok na and medyo malalim na ang butas so ginawa po ng dentist pinastahan niya po kasi daw po baka pwede pa masalba. So nung naka pasta na, okay naman yung pasta nung 1st week to 2nd week.. Nung tumagal na may pananakit na sa ngipin ko nung may pasok pa may mga araw na sobrang sakit nung ngipin ko. Tapos hinayaan ko lang uminom ako ng pain reliever para mawala ang sakin. Nung nawala na ang sakit nag woworry ako kasi yung gums ko parang may bukol tabi yung nung sira kong ngipin yung gums ko sa baba.. Pag kinakapa ng dila ko parang may bukol. Tapos nung Saturday, May 23 nag punta kami sa Dentist so ayun niresetahan niya ko ng antibiotic 3 times a day for 1 week balik daw ako next saturday tapus bunutin na niya.. Ask ko lang po kasi di po ako mapalagay.. Normal lang po ba yung bukol sa tabi ng sirang ngipin and makukuha ba un ng antibiotic for 1 week.. Ty po in advance π
Kung normal yan, hindi mo yan tatawaging bukol, bagkus tatawagin mo yang “normal”. Ipatingin mo sa dentist. Siya ang magsasabi ng gamot na pwede mong inumin. Bisita ka sa clinic kung gusto mo:
http://dentistquezoncity.com/
http://www.affordablebraces.org/
hi, tanong ko lang po magkano po average na para sa root canal theraphy? tska masakit po ba ito?
Depende yan sa dami ng canal, specialization ng dentist at lugar ng clinic. Bisita ka sa clinic kung gusto mo :
http://dentistquezoncity.com/
hi doc.. im 14 yrs.old na po kasi tapos hnde pa tumutubo ung isa sa mga ngipin ko. pinatingin na rin po namin sa dentista tapos ang sabi ay may lalabas pang ngipin kaso ang problema po ay nakaharang ung isa kong ngipin kaya hinde ito makalabas⦠ano po ba ung pwede kong gawin???? Okay lang po ba na ipa-pasta ko ito???
salamat doc π
Magpapanoramic x ray ka. Send mo yung x ray sa FB ko.
Hi po doc ano pong kailangan gawin pag mejo maluwang na ngipin sa harap?? May siwang na kc konte saken dati rin pong napasta kasi?salamat po
Braces. http://www.costbraces.org/cost-of-braces/
Hi Doc pwede po bang mgpapa brace kahit nah pantay nman lahat yung ngipin ko π gusto ko lang tlgah mgppa brace π
Walang pantay na ngipin.
Doc, binunutan po ako ng 4 na ngipin. 2 sa upper at 2 sa lower. Hindi naman po siya sira or bulok. Sabi lang po ng dentist ko, kelangan ako bunutan para daw po macorrect yung position ng ngipin ko. Ok lang po ba iyon? Natatakot po ako kasi baka forever na po akong bungi. Baka hindi po maoccupy nung ibang ngipin yung pinagbunutan sa akin.
Ginagawa yan para magkaroon ng space para mapagatrasan ng ngipin lalo na’t nakanguso ka.
Hi doc? Pwede poba mag pabrace ang nairuth canal with cosmetic na? π thankyou po. And ask ko din po if ano cause ng parang singaw ata sa gilid ng labi hndi po kasi ako makanganga ng maigi kasi masakit tas napupunit. Thankyou and Godbless po:)
Pwede.
Hello po, ang problema ko po sa ipin ko sa harapan Malaki at medjo labas n nakatikwas, medjo conscious ako kapag tumatawa. ask ko lang po? Pwede po bang ipabunot at I pa bridge and get ipin ko sa harapan ng Hindi n sia ganong nakalabas o tikwas, yung magiging pasok, ayoko po kasi ng braces
Mahirap magbridge. Magsisisi ka. Ipabraces mo na lang : http://www.affordablebraces.org/
doc, dapat po magpapabunot na ko ng ngipin ko, nalagyan na ng anesthesia and all kaso nung bubunutin na di ko kaya kasi feel ko pa din ung sakit, sbi ng dentist di daw nya bubunutin ksi may nana raw siguro kaya pinainom muna ako ng antibiotic. tama po ba ginawa nya? ano pong effect nun sken? thanks po
Yes.
Doc gusto ko magpabrace kaso I lost my pangil sa bndang taas Hindi pa ko nag pa panoramic xray .. Mga magkano po mag panoramic xray and magpabrace at pag nabrace na po mga gaano katagal bago tumubo ung pangil kung sakali .. Salamat po ?
Pm mo ako sa FB or bisita ka sa clinic :
http://dentistquezoncity.com/
http://www.affordablebraces.org/
Hi po ask ko lang po nakabrace na po kase ako at mag ma-migrate po kame sa canada. Pwede po bang doon ko nalang ipa adjust sa canada? Plss answer me po and paki explain po kung ano po ang dapat gawin. Salamat po! π
Usually, walang dentist sa Canada ang magpapatuloy ng braces mula sa Pinas.
So anong dapat ko pong gawin? Ipatanggal? E kaka brace ko lang po. ????
Ikaw ang magdecide.
Ano pong dapat gawin? Ipatanggal? E kaka brace ko lang po. ????
Kumpetuhin mo ang tanong mo.
Hello po doc. Nakabraces po ako ngan kaya lang po yung teeth ko sa front bumaba po dahil daw po sa kakacontinous na rubber. Napwersa daw po. Mild lang namam po pagiging sungki ko ano po kaya magandang gawin? Thankyou in advance po.????
Ang magandang gawin ay pumunta sa dentist mo. Kung ang dentist mo ay ortho talaga, maaayos niya yan.
Ask ko lang po kung pwedeng lagyan ng brace ang nakapasta?
Pwede.
Tanong ko lang po, nagswimming po kc kame tapos tumama po ung ulo ng friend ko front teeth ko. tapos po my umuuga ng konti. may posibilidad po bang matagal ung ngipin ko? ano po ang dapat kong gawin para maagapan to π
Ang dapat mong gawin para maagapan yan ay pumunta sa dentist ngayon. Ito ang clinic namin : http://dentistquezoncity.com/
http://www.affordablebraces.org/
Doc nagpapasta ako ng ngipin ko.natural lng ba na halatang may itim parin sa gitna ng ngipin ko?pag uminom pa ng mlamig na tubig sumasakit bgla may ngilo.
Kung natural yan, tatawagin mo yang natural at hindi mo tatawaging may itim at sumasakit
Hi doc. Nung nagpabrace po ako, binunutan po ako ng 4 na ngipin. Nagtataka po ako kung bakit ganun karami. Kapag po ba pinabrace, may chance pa po bang mahila at mapatungan yung pinagbunutan para hindi na po halata? Salamat po
Hindi yan by chance. Talagang hihilahin yan papunta sa space ng binunutan.
So magdidikit po talaga yun? Yung sa friend ko po kasi hindi daw nagdikit kaya natatakot po ako baka hindi din magdikit yung akin. Mga ilang months po bago makakita ng development? 1 month palang po akong nakabrace. Thank you, doc.
Itanong mo sa dentist mo.
Ask ko lang po ano gamot para mawala ung maga sa gilagid dahil sa butas po ng ipin. Di po ko makapagpapasta dahil namamaga at nakirot. Thanks
Dalasan mo ang magpalinis ng ngipin sa dentist.
Hi Doc. Itatanong ko lang po kung pwede bang gawing pustiso na lang ang naka fix bridge dati. Kasi po matagal na po itong naka fix bridge ang ngipin ko pero ngayon may nabutas na. Mahal kasi po kung ipapagawa ulit ng panibagong fix bridge kaya kung pwede na lang sana kung i-pustiso ko na lang para makamura. Maraming salamat po sa agarang pagsagot nyo.
Pwede.
Goodday Doc , ask ko lng po kung ano po yung pamamaga sa ngalangala?masakit po pagnppress . parang puro dugo po ang laman . Saka ano po kaya ang gamot para dito? Medyo matagal na dn po kase .salamat po
Punta ka na sa dentist at ipakita. Baka kanser na yan.
Hi Doc! May braces po ako ngayon tapos tumutubo po yung wisdom tooth ko. Super sakit niya at namamaga na yung kaliwang part ng face ko. May gums po na nakalobo sa gilid ng bagang ko tas kapag pinipisil ko po may lumalabas na parang nana at may konting dugo. 3 days na po pero wala pa ding lumalabas na ipin. Ano po ang dapat gawin?
Ang dapat gawin ay pumunta na sa dentist ngayon.
Doc ask kulang po kung pwdi po ba bunutin malaking ngipin KO sa itaas sa harap.tpos wala pong sira.ipapostiso KO Sana.tnx
Ipabraces mo : http://dental.tips/dental-braces/