Putol na mga Ngipin

Joy : hi,
good day!
ano po pwedeng procedure gawin dito sa ngipin ko.
how much po estimate cost?
salamat.

Basag na Ngipin

Basag na Ngipin

Ask the Dentist : Malamang na dapat I-RCT na yang ngipin mong bali. Tapos jacket crown. Saka mo ipabraces. http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joy : Best po talaga i-RCT? ano pong difference kung hinde i-RCT, jacket crow, then brace lang.

Ask the Dentist : Kung hindi ina-RCT, nandiyan pa din ang impeksyon. AT sasakit yan.

Ask the Dentist : Pwede mo din ipabunot tapos dental implants : http://costofdentalimplant.com/dental-implants-cost/

Joy : oh. ganun po. salamat po sa advice.

Amnesia

Kriztine : doc yung mother ko po nagpabunot ng ngipin n 4 khapon tpos pagkagising ng umaga wala n po cia maalala nd nya alam kung nagpabunot cia bkit cia umiinom ng gmot o kumain nb cia nd nya po matandaan bkit po kya gnun anu po magandang gawin? maraming slamat po

Ask the Dentist : Ah. Hindi ko kayang sagutin yan. Malamang na may ibang sakit ang mother mo.

Kriztine : cge slamat po

Ina-RCT dati, Nangitim: Ano ang gagawin?

Anne : Doc, nag pa RCT na po ako dati 2 years na po sya, napansin ko po medyo dark na yung ngipin compared sa mga katabi nya.. papaulit ko po ba yung RCT sa dentist ko? may charge kaya yun? and balak ko na po ipajacket yung tooth na na-RCT… magkano po kaya yun? thanks po

Ask the Dentist : Ipaxray mo. Send mo x ray dito. Pag wala pa infection, pwede ijacket. Usually, kapag hindi natakpan mabuti, maiinfect ulit ang ngipin na inaRCT. Pag uulitin ang RCT, may bayad ulit. Wag na wag kang magpapagawa ng libre dahil tiyak ako, gagawan ka ng papapaano na lang. Human nature, kung walang bayad, ang gawa walang kwenta. Kung mura ang bayad, mababa din ang quality.

Anne : Ok i’ll send po ung xray soon thanks po

Braces na Matagal Napabayaan

Michelle : hi doc good day po ako po yung cnv nyo ipm ko po kau

na kung pwde aq mag pah adjust ng brace dto sa pinas galing po aq Taiwan kaso po nag ka problema at bigla nag sarado ang aming company kaya po hanggang now d pah aq nakakapag pah adjust mag 8 mothns n po kc aq wala adjust sana po matulungan nyo po ako doc. maraming salamat po

Ask the Dentist : Matagal na pala. Mukhang magstart ka ulit mula simula.

Ask the Dentist : Send ka nga ng photo ng ngipin mo. Tignan ko lang.

Michelle : yan po doc

Reaction of Gingiva

Reaction of Gingiva

Michelle : kaya lng nmn po ako nag pa brace kasi po hiwalay po ang nasa itaas ng ngipin ko po

Ask the Dentist : Medyo malala yan ah. Yung huli mong adjustment sa dentist pa? Mukhang hindi dentist yang naglagay ng green.

Michelle : sabi skin ng doc ko sa Taiwan masyado daw po malaman ang gilagid ko po

Michelle : opo ayan po yung huli q adjustment sa Taiwan pinalock ko po sa kanya po yan doc

Ask the Dentist : Pansin mo yung gilagid sa pagitan ng mga ngipin mo, yan ang resulta niyan. Ano chinese na dentist?

Michelle : opo Chinese po

Michelle : ano po ba ang dapat ko po gawin doc

Ask the Dentist : Saan ka sa Pinas?

Michelle : sa laguna po

Ask the Dentist : Wala ako kilala sa laguna. Kailangan mo makahanap ng mgaling na dentist para maipagpatuloy yan.

Michelle : nag ask po ako dto isang dentist po malapit samin po kc nag pabunot ng ngipin ang tatay ko po .tapos una nya napansin sakin tapos tinignan nya yung brace q kc gawa daw po ng chinese

Michelle : tapos nag ask po aq ayaw nya po galawain skn kc wala dw po aq proof n pinapayagan aq ng doc q q sa Taiwan n mag adjust po aq dto kaya yun

Ask the Dentist : Oks.

Michelle : sa cavite po may kakilala po b kayo doc

Michelle : kaya di parin ako nawawalan ng pag asa kasi yung mga kasabayan ko sa Taiwan nakapag pah adjust po cla

Michelle : ang problema ko doc nasa doc ko po ang mga record ko po

Ask the Dentist : Hindi yun problem. Gagawan ka ng bagong record. Considered as new case.

Ask the Dentist : 8 months, medyo delikado. Gum disease ang problem diyan. http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/

Michelle : so doc pwde po ako pumunta sa ibang dentist

Michelle : meron po ba kau kakilala doc

Michelle : nakakatakot nmn po yan pinakita nyo dyos ko

Michelle : Doc wat if naputol po ang rubber ng brace q ok lng po b habang wala pa po ako nakikita dentist n mag tingin po s brace q

Ask the Dentist : HIndi ko maintindihan yung tanong mo. Pakiulit.

Ask the Dentist : Malamang na balik sa simula ang treatment mo. Sa bagong dentist mo, considered as panibagong case yan.

Michelle : Pano pag napigtas na po ang rubber n nkalagay sa ngipin q po ok lng po ba na tanggalin ko ng tuluyan green n nkalagay

Ask the Dentist : Oo, pwede kung kaya mo. Pero kung ayaw mo na ipagpatuloy ang braces mo, mas mabuti ipatanggal mo na.

Ask the Dentist : Habang ganyan yan, palala lang ng palala. Kapag tinanngal mo yang rubber, malamang na tanggal na din ang wire. Kapag tanggal na ang wire at wala kang retainer gagalaw na yang ngipin mo.

Ask the Dentist : Kaya mas mabuti ipatanggal mo at magretainer ka na. Pero kung gusto mo pa ipagpatuloy, punta ka sa dentist at itanong sa kanya kung pwede niyang ituloy.

Michelle : Ganun po ba doc pero pina lock ko po sxa

Michelle : So pwde ko sxa ipatanggal at mag kano naman po pag pinatanggal ko po

Michelle : Ok lng po ba na mag retainer po ako

Ask the Dentist : Umiikot na tayo Michelle.

Michelle : Cge po mag hanap na po ako agad ng dentist salamat po doc

Quezon City Dentist

Korphil : Gud pm doc san po ung clinic nyo visit po ako kasi magpapa fixed po ako doc. Thnx

Ask the Dentist : Sa Pangasinan
http://www.affordabledenturesph.com/

Korphil : Makati lng po ako doc

Ask the Dentist : Punta ka sa QC Dentist.
http://dentistquezoncity.com/

Replacement for Missing Tooth + Dental Implants Cost

Julia : hello pede po mgtanong anong pnaka advisable replacement po for extracted tooth ung di na kelangn tanggalin or fixed n?

hope for your reply thanks

Ask the Dentist : Pinaka ok ang
Dental implant: http://costofdentalimplant.com/dental-implant/
Bridge ang next : http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/
Tapos pustiso : http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/
ANg huli ay walang gagawin. Hahayaang bungi.

Julia : mgkno po kaya estimate ng dental implant kung mgppgawa po

Ask the Dentist : 70K pataas.

Julia : ee pg fixed bridge po?? cramic po mgknu po kaya isa lng po kase ung bungi ee

Ask the Dentist : Kapag all porcelain 60 K pataas. Kapag porcelain fused to metal bridge, 15K pataas. http://www.denturesaffordable.com/fixed-bridge/

DIY Braces / Fashionable Braces

Ghine : Ask ko lang po if normal lang po ba na umaga or gumalaw yung teeth, nka braces po kc ako 1month ago..natatakot po aku kasi baka matanggal yung mga ngipin ko..salamat po

Ghine : at need din po ba na mgpalagay pa aku ng molar band kasi both sides sa lower teeth ko e wala na pong bagang ..tnx

Ask the Dentist : Dentist ba ang gumawa? Nauuso ang DIY braces.

Ghine : dentist po siya kaso hindi po siya license, pero madami n din po siya nagawan..

Ask the Dentist : Punta ka sa tunay na dentist. Mukhang alam ko na yan. 6 years inaaral ang dentistry. 3 years ang orthodontics. 9 years ang pagaaral bago matuto tungkol sa braces. Malalagas ang ngipin mo sa ginawa mo. Yun pa lang position ng brackets, may calculation yan. Kung anog klaseng brackets, at kung anu ano pa. Hindi yan simpleng dikitan na naaral mula youtube.

Ghine : may balak p nga po siyang lagyan ng molar lock kuno yung teeth ko sa next visit..kaya po kumonsulta ako dahil alam kong di biro maglagay nun..at wala po siyang gamit

Ghine : na dissapoint nga din po yung ksma ko dahil nagpapasta po siya pero ang ginwa hindi nilinis yung ngipin niya gaya ng gngwa ng mga dentist bsta niya lang po sinalpakan ng pasta pagktapos kutkutin

Nabunutan ng 2nd molars, pwede ba magpabraces

Tngio : Hello doc tanong ko lang po. Nagpabunot na po kasi ako ng second molars ko sa baba pwede pa po ba ipabrace ngipin ko o kailangan pa muna kabitan ng pamalit sa second molars salamat po!

Ask the Dentist : Pwede.

Tngio : Maraming salamat po doc!!

Halaga ng Root Canal Treatment

Riyee : Doc ito po yung pic ng upper teeth ko masydong mahal ang inplant di ko pa p kaya yun hangga brace lng po kaya ko pwede po pa bang ibrace ito pa help nman po dami po kcng bubunitin dyan . thanks in advance

Malalang Sira ng Ngipin

Malalang Sira ng Ngipin

Ask the Dentist : May mas malala ka pang dapat unahin. Dapat mo na yata ipaRCT yang talong sirang sira mong ngipin. After nun, magpabridge ka na lang or dentures: http://costdentures.com/removable/equipoise-removable-partial-denture/
http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/

Riyee : Magkano po mag pa RCT doc ayoko po ng pustiso ang magpabridge po magkano

Ask the Dentist : Usually, per canal ang price ng RCT. Sa ngipin mo 9 K pataas sa isa, yung isa 6K pataas, at Yung isa pa 6K pataas. Madami ding klase ng bridge, all porcelain, porcelain fused to metal, porcelain fused to gold.
All porcelain: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/
Porcelain fused to metal bridge: http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Nakadepende din sa kung ilang bungi kung magkano.

Riyee : Ah ok po doc thanks

Basag at Pudpod na Ngipin

Joyce : Hellosir. ask ko lang po. balak ko sana magpabrace. up and down kaso yung sa baba kong ngipin, papabunot ko yung bagang. sira na kasi. how much ba magpabrace sayo?

Ask the Dentist : Up ang down lagi ang braces. Hindi porke sira ay bunot agad. Ang presyo ng braces ay depende sa lala ng aayusing ngipin.

Joyce : I mean, basag na kasi sya eh. Pudpod na

Ask the Dentist : Oks.
Picture-an mo para makita ko.

%d bloggers like this: