Denture with Braces Design

Arence Arthur : gud day po dr.. tanong ko palag kung pde bang lagyan ng braket ang pustiso na ipen god bless

Ask the Dentist : Pwede ang design. Malaki ang idadagdag mo sa bayad dahil matrabaho yan gawin.

May hole ang ngipin

Jenny : ask lang po, may hole po yung front teeth ko tapos nagcrack na siya, pwede po bang ipapasta to? mga magkano po un pag crack na ipin ipasta? thank you po

Ask the Dentist : Kapag sumakit na, RCT na yan tapos crown : http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Pwede ka magsend ng photo para makita ko or bisita ka sa clinic : http://dentistquezoncity.com/

Implant o Bridge

Chito : Hello. Ask ko po kung anong magandang ipagawa (implant or fixed bridge) kung sira na talaga ang ipin. actually, halos wala nang natira sa taas (naka false teeth), then sa baba nagkagap na yung teeth then sira na din yung iba.. how much po kaya aabutin?

Ask the Dentist : Pwedeng implant retained bridge. Pwede ding implant retained denture. Pwede ding denture lang. 70 K kada implant. Kaya kung implant retained denture, usually dalawang implant ang hahawak sa denture. ang presyo usually ng implant retained denture ay 160K pataas. Kung implant retained bridge naman usually 6-8 implants ang hahawak sa bridge, ang presyo ay 560K. http://costofdentalimplant.com/dental-implant/

Ask the Dentist : Ito ang clinic kung gusto mong ipakita yang ngipin mo: http://dentistquezoncity.com/

Pwede ba MagpaBraces ang 36

Loida : Doc pwede pa po bang magpabrace kahit 36 years old na po? Thank you.

Ask the Dentist : Yes.

Loida : Thank you doc..

Nabali ang pangil na Nakapasta

Celay : hi doc good day!

ask ko lang po nabali kasi yung pangil ko nakapasta na kasi yun , hindi na daw kayang ma reapir nang dentist ko, ok lang po ba ipabunot ko nalang yung pangil ko tapos denture ko nalang.
na woworied kasi ako..safe po ba yun doc?

please reply

Thanks

Ask the Dentist : IpaRCT mo na lang tapos crown:
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/
Kung QC ka, dito ang clinic namin:
http://dentistquezoncity.com/dental-services/root-canal-treatment/

Worst na ba ang Ngipin

John Rowell : Hi good day! I just went to a dentist a few hours ago, nagconsult ako regarding these 2 impacted wisdom teeth. I told here na needed bang i-extract yung 2? What she answered me was, hindi naman daw po kung hindi naman nasakit. There are times na masakit pero dineded.a ko nalang. I had my wisdom tooth extraction(lower right) a year ago so medyo maluwag sa loob ko na di needed alisin. Ano po thoughts niyo about this? Here’s the phpto

Ask the Dentist : Kung masakit ipatanggal mo. Kung ayaw mo ipatanggal at kaya mong tiisin ang sakit,congrats! Isa kang tunay na Spartan.

John Rowell : Worst po ba tong case ko? What will happen if hindi ma extract?

Ask the Dentist : Worst yan pag patay ka. Since nababasa mo pa ito, hindi pa ibig sabihin. Kung hindi maextract, magtitiis ka pa. Sasakit pang lalo. Pwedeng magkaroon ng impeksyon. Kapag lumala impeksyon, magkakabukol. Kapag lumala ang bukol, kanser. Kapag lumala ang kanser, yan patay ka na, worst na ibig sabihin.

Gaano katagal magpa fixed bridge

Stephen : tanong ko lang po kung magkano po magpa-fixed bridge? wala na po yung two front teeth ko sa taas, may mga pasta din yung remaining incisors ko, 2 premolar sa left side tsaka premolar and molar sa right side sa taas din po. gumagamit din po ako ng dentures for almost 10 years na rin. ang advice po kasi sa akin ng dentist kung may budget naman magpa-fixed bridge na lang daw ako.

Ask the Dentist : Depende sa klase ng bridge.
Kung 2 ang bungi, 2 din ang kakapitan. Kaya conisdered as 4 units yan.
porcelain fused to metal 20K pataas : http://costdentures.com/fixed/pfmb/
all porcelain bridge 80K pataas: http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/
Porcelain fused to gold 100K pataas
Porcelain Fused to Metal Bridges
costdentures.com
The porcelain in porcelain fused to metal bridges should be nearly of equal thickness to avoid the possibility of weakening through uneven stress concentration. To meet this requirement, there shou…

Stephen : Salamat po sa info.

Ask the Dentist : Oks.For more info read: http://www.denturescostguide.com/
Cinic namin ay ito: http://dentistquezoncity.com/

Stephen : mga ilang araw po tinatagal from first visit hanggang sa matapos whole procedure?

Ask the Dentist : Depende sa hirap ng case.

Braces Philippines

Frequenly Asked Questions about Braces in the Philippines

Mauubos ang ngipin mo sa DIY Braces

Mauubos ang ngipin mo sa DIY Braces

Question: Pwede po bang upper lang ang braces?
Answer: Hindi. Upper at lower lagi ang braces.

Question : Pwede po bang lower lang ang braces?
Answer : Hindi. Upper at lower lagi ang braces.

Question : Bakit upper at lower lagi?
Answer : Magkapares yan. Kapag inayos mo ang taas, aayusin mo din ang baba. Kapag taas lang ang braces, maiiwan ang baba. Kapag baba lang ang braces, maiiwan ang taas.

Question : Gusto kong magtipid. Pwede po bang retainer ang isuot ko para maayos ang ngipin ko?
Answer : Walang inaaayos ang retainer. Ang RETAINer ay nagriretain ng inayos na ngipin sa braces. Ang retainer ay isinusuot lamang pagkatapos ng orthodontic treatment. Pwedeng isuot, pagkatapos ng ortho treatment.

Question : Magkano ang braces?
Answer : Iba-iba ang presyo, depende sa lala ng aayusin, klase ng brackets at galing ng dentist mo.

Question : Namamaga ang gilagid ko. Pwede po ba ako magpabraces?
Answer : Kailangang magamot muna ang pamamaga ng gilagid mo bago lagyan ng braces. Hindi ka dapat magpabraces na namamaga. Gagamutin muna dapat yan. Dahil tiyak na lalala ang pamaga niyan kapag may braces at maaaring bumigay ang mga ngipin mo at maubos.

Question : Sira sira ang ngipin ko. May maliliiit at malalaking butas. Pwede po ba ako magpabraces?
Answer : Hindi. Kailangan mapastahan muna ang mga may sira. Kailangan maayos muna lahat ng dapat ayusin bago i-braces. Kung may dapat i-RCT. Dapat maRCT na yan.

Question : Pinapa-x-ray po ba bago ibraces?
Answer : Oo. Bago ibraces dapat nakapagpanoramic x-ray ka at cephalometric x-ray. Makikita sa x ray ang mga problema sa ngipin mo. Ibabase din sa xray ang treatment sayo.

Question : Pinipicture-an po ng dentist ko ang mga ngipin ko. Kailangan po ba yun?
Answer : Oo. Ginagamit ang litrato sa orthdontic treatment.

Question : Saan ba ang cheapest braces na high quality? Anong clinic?
Answer : Binabayaran ang quality. Parang sa kotse yan, ang quailty ng ferrari ay iba sa quality ng Toyota. Kapag naghanap ka ng cheapest car, wag mong asahan na Ferrari ang kalidad. At kapag cheapest ang braces, aasahan mo bang gagamitin sayo ng dentist mo ang mga materials at gamit na high quality? Tiyak akong hindi magpapakalugi ang dentist mo. Ang maipapayo ko sayo ay huwag ka maghanap ng cheapest. Kung gusto mong makatipid, average price ang kunin mo. Magtanong tanong ka sa mga dentist, ipakita ang ngipin mo, saka kunin ang price ng treatment. Ilista ang Price na nakuha mo, saka mo icompute ang average. Pagkatapos mo makuha ang average, mamili ka na (average or above average ang piliin mo), except sa lowest price. Icompare mo ang mga dentist na napuntahan mo base sa:
1. Dentist ba sila? Alamin mo ang buong pangalan ng dentist mo at isearch dito: http://www.prc.gov.ph/services/?id=16 . Kailangan kumpleto at tama ang spelling ng pangalan ng dentist mo kapag nagsearch ka.

http://www.prc.gov.ph/services/?id=16
Example : Lalabas ang "Jesus Orlando Lecitona" sa search. Pero hindi lilitaw sa search ang "Jesus Lecitona".

2. Saan sila graduate?
3. May certificate ba sila sa orthodontics? May kaibahan ang “actual training” at “seminars”. May kaibahan din ang “Masteral sa Dental School” kumpara sa “Preceptorship”. Madaming dentist ngayon, naglalagay ng braces kahit walang formal training.
4. Kaya bang sagutin ng dentist mo ang mga tanong mo?
5. Maayos ba ang kagamitan nila?
6. May bayad ba kapag nagpadikit ng natanggal na brackets?
7. Basahin ang fine print, may mga nakatago bang fee?

Question : Napakamura ng DIY braces, gusto kong bumili, okay lang ba ang DIY Braces?
Answer : Ang dentist ay 6 years nagaral para maging dentist. May board exam bago magkaroon ng lisensya bilang dentist. Pagkatapos maging dentist kailangan ng ilang taong pagaaral pa bago maglagay ng braces. Sa tingin mo, kaya mong gamutin ang sarili mo kapag nagDIY braces ka? Ang tiyak ko, mauubos ang ngipin mo sa DIY braces.

Question : May estudyante po ng Dentistry, hindi pa po siya dentist pero pagraduate na. Okay lang po ba magpabraces sa kanya?
Answer : Hindi. Bago maging specialist ang dentist sa braces, kailangan niya munang maging dentist. Kapag dentist na siya, saka pa lang siya hahayaang makapagaral ng specialization ng orthdontics. May subject na orthodontics sa Dentistry pero papadaan lang ng propesor. Tiyak akong hindi pa itinuturo sa dental student ang paglalagay ng braces.

Question : Saan po ang clinic niyo?
Answer : Bisitahin mo ang website namin at nandoon ang address at contact number sa clinic
Braces Philippines
Dental Braces in Quezon City

Jacket o Pasta

AKai : Doc gud am po…ano po b mgnda gwin s ipin s taas?

AKai :Pde po b ipa bridge,jacket,or pasta?

Bungi ang lateral incisors

Bungi ang lateral incisors

Ask the Dentist : Pwedeng bridge, http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/ Pwedeng implant: http://costofdentalimplant.com/dental-implant/

Ask the Dentist : Pwede ka bumisita sa clinic: http://dentistquezoncity.com/

AKai : How much po pg bridge doc?kc cant afford po pg implant

Ask the Dentist : Depende sa klase

sa kaso mo ang usual na magagastos diyan ay:
all porcelain bridge : 120K. http://www.denturesaffordable.com/zirconia-fixed-dental-bridge/
POrcelain fused to metal : 30K pataas. http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Pero meron pwede gawing bridge diyan na hindi alam ng ibang dentist.

AKai : Tnx po doc..

Ask the Dentist : No prob.

Nagpabraces, mas bagsak sa right side

Exchan : Hi doc

Nacucurious po ako ano po cause bakit mukhang di pantay yung upper teeth ko parang mas bagsak yung sa right side part ko? Thanks!

Ask the Dentist : Punta ka sa tunay na dentist. Wag ka maghanap ng cheapest.

Exchan : Doc yung isang message ko matagal na po yun at di ako nagavail nun. Sa legit dentist ako pumunta I checked her rin sa prc. Yung di pantay doc concern ko ano cause po nun?

Ask the Dentist : Alright. Simple lang yan. Sa dentist mo ka magtanong. Kasi kapag ako tinanong mo tapos baka may plano siya diyan kaya ganyan, magbago ang paniniwala at tiwala mo sa dentist mo.

Exchan : You’re right doc I have faith in my dentist naman I love my dentist nakakatuwa po kse mga sagot niyo. Witty . According to her TMJ problem. Thanks doc!

%d bloggers like this: