Dapat bang mag braces

Brenna : Doc, dapat bang mag braces

Ask the Dentist : Kung gusto mong ipaayos ang sungki sungki mong ngipin ay oo, dapat kang magbraces.

Ok lang ba magpabunot ng ipin kung naka brace ka?

Calvin Case : Ok lang ba magpabunot ng ipin kung naka brace ka?

Ask the Dentist : Hi Calvin Case. Pwede kang magpabunot kung sinabi ng orthodontist mo at kung ito’y naaayon sa treatment plan niya sayo.

Pwede bang mag brace kahit kulang ang molar?

Edna Angle : Doc, pwede bang mag brace kahit kulang ang molar?

Ask the Dentist : Hi Edna Angle. Oo, pwede magbrace.

Mahal ba ang dental implant

Carlita Misch : Mahal ba ang dental implant?

Ask the Dentist : Hi Carlita Misch. Kung long term ang iisipin mo, mura ang dental implant kumpara sa removable partial denture o fixed bridge. Kaya kung balak mo pang mabuhay ng matagal, mas ok ang dental implants.

Masakit ba mag pa pasta?

Kat : Doki! Masakit ba mag pa pasta?

Ask the Dentist : Hi Kat. Para sa ibang pasyente oo, para sa iba hindi. Nakadepende iyan sa kung gaano na kalapit sa pulp ng caries, galing ng iyong dentist at kung gaano kataas ng iyong pain tolerance.

Magkano magpabunot ng wisdom tooth

Ivee : Magkano po ba magpabunot ng wisdom tooth?

Ask the Dentist : Hi Ivee. Ang normal na halaga ng extraction ng 3rd molar ay 5,000 to 10,000 pesos depende sa kung gaano kakumplkado ng operasyon.

Paano matanggal ang dilaw na ngipin

Brenna: Paano po matanggal ang dilaw na ngipin/

Ask the Dentist : Hi Brenna. Depende sa dahilan ng pagkadilaw. Ang mga maaaring gawin ay:

  • oral prophylaxis
  • teeth whitening
  • laminates
  • veneers
  • crowns

Metal Ceramic Crown or All Ceramic Crown?

Pierre : To fix the tooth is it good one going for metal-ceramic or all-ceramic one?

Ask the Dentist : Hi Pierre. Mas maganda ang all ceramic kaysa metal ceramic. Superior ang esthetics nito kumpara sa porcelain fused to metal crowns. Stable ang shade. Maganda ang adaptation sa ngipin. At hindi kapitin ng dumi. Kung magaling ang dentist na gagawa ng all ceramic crowns mo, wala kang magiging problema.

Root Canal Treatment – number of visit

Muymuy : Ilang balik ba kapag nagparoot canal?

Ask the Dentist : Hi Muymuy. Depende sa lala ng ngipin mo. Kapag hindi naman malala, isang balikan lang. Kung malala ang sitwasyon ng ngipin mo, 4 na balikan pataas. 🙂

Bakit madali matangal ang dental pasta ko

Pete : bakit madali matangal ang dental pasta ko? natatanggal ba ang permanent pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Isa sa dahilan kung bakit madaling matanggal ang pasta ay tuwing naghanap ang pasyente ng sobrang mura na pasta. Sa P350 na pasta, asahan mong ang kalidad ng materyales ay mababa na. Ang mga materyales na may magandang quality ay may katumbas na halaga. At sa halagang P350 sigurado akong magpapakalugi ang dentist kung gagamitan ka ng mga mamahaling materyales. Idagdag mo pa diyan ang gastos niya sa kuryente, tubig, disposable materials, dental materials, idagdag mo pa ang pagod niya, at siyempre ang kanyang pinagaralan na ina-apply sa pagpapasta ng iyong ngipin.

Sa iyong pangalawang tanong. Oo, natatanggal ang permanent na pasta. Walang permanent na bagay sa mundo.

%d bloggers like this: