pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito

Saudi Boy Ray Ubando : Doc! Tulungan niyo ako, manliligaw po ako ng Camel dito, kailangan ko maayos ang ngiti ko para makapanligaw ako ng Dentistang may boyfriend na. At para magkaroon na ng ina ang dalawa kong anak. Doc, pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito?

Ask the Dentist : Kung hindi pa naman umabot sa pulp, pwede pa. Pero dapat mong maintindihan na hindi na ganun kalakas ang kapit ng pasta sa ngipin, dahil kumbaga yung kakapitan equal o kaya mas maliit pa kaysa sa hinahawakan nitong pasta. Madalas matanggal ang pastang tulad ng iyong sinasabi. Kadalasan sa ganitong kaso, mas mainam na gawan ng Jacket Crown kaysa pastahan.

Ano mangyayari kapag nagpabunot ng ngipin pag may regla?

Janina : Doc, ano mangyayari kapag nagpabunot ng ngipin pag may regla?

Ask the Dentist : Hi Janina. Ang mangyayari ay, magriregla ka pa din next month.

Masama bang ipabunot ang two front teeth

Marco : Masama po bang ipabunot ang two front teeth?

Ask the Dentist : Masama. Dahil sa pinakaimportanteng rason, papangit ka kapag nabawasan ka ng ngipin sa harap.

Pero kung may lakas ka ng loob na humarap sa mundo na bungi, hindi masama. At kung ikaw ay taga-Sparta, hindi din masama. 🙂

Pwede ka ba magpalit ng ortho?

Eddie Angle : Doc, pwede ka ba magpalit ng orthodontist?

Ask the Dentist : Hi Eddie Angle. Ako, hindi pwedeng magpalit kasi hindi naman ako ino-ortho. Pero ikaw pwede. Ito ay kung nabayaran mo na lahat ng balance mo sa orthodontic treatment mo sa kanya. 🙂

Magkano magpa crown ng ngipin

Saudi Boy Adrian Ubando : Nasa Saudi po ako ngayon, nanliligaw ng mga Camel. Haha! Gusto ko magmukhang tao at makapanligaw ng dentistang may BF na. Ang tanong ko ay, magkano magpa crown ng ngipin?

Ask the Dentist : Madaming uuri ng dental crowns, at iba iba din ang presyo nito depende sa specialization ng dentist, lokasyon ng clinic niya (city ba o Probinsya), etc. Para sa kargdagang impormasyon, basahin mo ang mga post na ito:

Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata

Nora : Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata?

Ask the Dentist : Kapag nakita mo nang may tumutubong kapalit. O kaya’y pagpatak ng 6-7 years, depende sa kung anong ngipin. Pero hindi ito nangagahulugang doon mo pa lang ipupunta ang baby mo sa dentist. Pagpatak ng 1 year old ng bata, dapat naipunta mo na sa dentist ang bata upang makita ng maaga kung may problema sa dental health ng baby mo. 🙂

Pwede pa bang pastahan

Saudi Boy Adrian Ubando : Dr, pwede pa bang pastahan ung likod ng ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Pwede din pastahan kahit ang harap at gilid ng ngipin. Ganun din ang ibabaw ng ngipin.

Masamang epekto ng pasta sa ngipin

Saudi Boy Adrian Ubando : Doc, ano ang masamang epekto ng pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Wala.

Nasira ang pasta ng ngipin

Amy : Nasira ang pasta ng ngipin ko pwede kaya ibalik sa dentist to?

Ask the Dentist : Pwede. Pwede ka rin niyang singilin muli at pwede ring hindi na.

Dapat bang mag braces

Brenna : Doc, dapat bang mag braces

Ask the Dentist : Kung gusto mong ipaayos ang sungki sungki mong ngipin ay oo, dapat kang magbraces.

%d bloggers like this: