Pwede bang ipabunot yung ngipin tapos magpafixed bridge agad?

Saudi Boy Adrian Ubando : Mabuti naman ang mga camel ko dito sa Saudi doc. Puro sila hot lalo na’t ako’y nagungulila. 🙂 Ang tanong ko ay ganito, pwede bang ipabunot yung ngipin tapos magpafixed bridge agad?

Ask the Dentist : Pwede. Pero ang inilalagay muna dapat ay Provisional Fixed Bridge. Ito ay temporary munang inilalagay para magheal ang tissue sa part na pinagbunutan. Kapag gumaling na saka lang ilalalagay ang Definitive na Fixed Bridge.

Pero kaysa ipabunot mo yang ngipin tapos fixed bridge, mas mura kung ipa-RCT mo at crown. 🙂

Kailangan pa ba mag brace ng teeth para sa adult?

Saudi Boy Ray Ubando : Doc, ganda talaga dito sa Saudi, andaming Camel, type na type ko! Ang tanong ko ay, kailangan pa ba mag brace teeth para sa adult?

Ask the Dentist : Hi Saudi Boy Ray Ubando. Kumusta naman ang mga camel mo?

Oo, pwede pa ring magpabrace ng ngipin ang adult. May kanya kanya tayo ng misyon sa buhay. Kung ang misyon mo ay magpa-dental brace, sige lang. 🙂

Paano mawala ang cavity

Ruth : Hello Doctor. Paano ba mawala ang cavity?

Ask the Dentist : Hi Ruth. Para mawala ang cavity, ang ngipin ay papastahan. 🙂

May generic bang metal braces sa ngipin

Belen : Doc, may generic bang metal braces sa ngipin?

Ask the Dentist : Hindi ko alam kung nagbibiro ka Belen. Pero oo, may generic na metal braces, at ito’y mabibili sa Generika. 🙂

pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito

Saudi Boy Ray Ubando : Doc! Tulungan niyo ako, manliligaw po ako ng Camel dito, kailangan ko maayos ang ngiti ko para makapanligaw ako ng Dentistang may boyfriend na. At para magkaroon na ng ina ang dalawa kong anak. Doc, pwede pa bang pastahan ang ngipin kahit kalahati nalang ito?

Ask the Dentist : Kung hindi pa naman umabot sa pulp, pwede pa. Pero dapat mong maintindihan na hindi na ganun kalakas ang kapit ng pasta sa ngipin, dahil kumbaga yung kakapitan equal o kaya mas maliit pa kaysa sa hinahawakan nitong pasta. Madalas matanggal ang pastang tulad ng iyong sinasabi. Kadalasan sa ganitong kaso, mas mainam na gawan ng Jacket Crown kaysa pastahan.

Ano mangyayari kapag nagpabunot ng ngipin pag may regla?

Janina : Doc, ano mangyayari kapag nagpabunot ng ngipin pag may regla?

Ask the Dentist : Hi Janina. Ang mangyayari ay, magriregla ka pa din next month.

Masama bang ipabunot ang two front teeth

Marco : Masama po bang ipabunot ang two front teeth?

Ask the Dentist : Masama. Dahil sa pinakaimportanteng rason, papangit ka kapag nabawasan ka ng ngipin sa harap.

Pero kung may lakas ka ng loob na humarap sa mundo na bungi, hindi masama. At kung ikaw ay taga-Sparta, hindi din masama. 🙂

Pwede ka ba magpalit ng ortho?

Eddie Angle : Doc, pwede ka ba magpalit ng orthodontist?

Ask the Dentist : Hi Eddie Angle. Ako, hindi pwedeng magpalit kasi hindi naman ako ino-ortho. Pero ikaw pwede. Ito ay kung nabayaran mo na lahat ng balance mo sa orthodontic treatment mo sa kanya. 🙂

Magkano magpa crown ng ngipin

Saudi Boy Adrian Ubando : Nasa Saudi po ako ngayon, nanliligaw ng mga Camel. Haha! Gusto ko magmukhang tao at makapanligaw ng dentistang may BF na. Ang tanong ko ay, magkano magpa crown ng ngipin?

Ask the Dentist : Madaming uuri ng dental crowns, at iba iba din ang presyo nito depende sa specialization ng dentist, lokasyon ng clinic niya (city ba o Probinsya), etc. Para sa kargdagang impormasyon, basahin mo ang mga post na ito:

Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata

Nora : Ilan taon pwede ipabunot ang ngipin ng bata?

Ask the Dentist : Kapag nakita mo nang may tumutubong kapalit. O kaya’y pagpatak ng 6-7 years, depende sa kung anong ngipin. Pero hindi ito nangagahulugang doon mo pa lang ipupunta ang baby mo sa dentist. Pagpatak ng 1 year old ng bata, dapat naipunta mo na sa dentist ang bata upang makita ng maaga kung may problema sa dental health ng baby mo. 🙂

%d bloggers like this: