Sungki pwede ba sa braces

Lynda : Doc, pwede ba ibraces ang sungki?

Ask the Dentist : Oo. Pwedeng pwedeng ibraces ang sungki. 🙂

Braces sa Sirang Ngipin

Belinda : Okay lang ba kung magpabraces na sira ang ngipin?

Ask the Dentist : Hindi okay. Papastahan muna lahat ang mga may sira bago lagyan ng braces. 🙂

Butas na ang ngipin

Saudi Boy Ray Ubando : Ang hot dito sa Saudi, lalo na ang mga paborito kong mga camel. Doc, paano kapag butas na ang ngipin

Ask the Dentist : Kapag butas na ang ngipin, pwede itong pastahan kung hindi pa abot sa pulp ang butas. Pwede din itong i-RCT muna tapos pastahan kung abot na sa pulp ang butas.

Tanggal agad ang pasta sa ngipin

Kathlyn : Doc ano ang dahilan para matanggal agad ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Madaming dahilan para matanggal agad ang pasta ng ngipin. Ang pinakacommon na dahilan ay ang pagkakakagat ng bato sa kanin. Ang pagkain ng mga pagkain sobrang tigas tulad ng sugar cane. Pagbukas ng tansan sa pamamagitan ng ngipin. Pagbukas ng supot ng tsitsirya sa pamamagitan ng ngipin. Madami pang iba. Ang remedyo: Ipapasta mo lang ulit.

Para hindi nahulog ang pustiso ano ang gagamitin

Saudi Boy Adrian Ubando : Nag-i-enjoy po talaga ako sa mga camel dito sa Saudi. Hehehe! Para hindi nahulog ang pustiso ano ang gagamitin?

Ask the Dentist : Ang iyong dapat gawin ay bumalik sa Dentist at ipakita ang iyong pustiso. May gagawin ang iyong dentist diyan para hindi mahulog at tuturuan ka niya para hindi mo mahulog. 🙂

Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin

Johnoy : Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Masama. Source of infection yan.

paano mag pa brace

Tisha : paano mag pa brace?

Ask the Dentist : Hi Tisha. Punta ka sa Dentist mo tapos sabihin mo sa kanya magpapabrace ka. 🙂

Pwede ba magpa brace kahit umuuga ngipin

Chichay : Pwede ba magpa brace kahit umuuga ngipin?

Ask the Dentist : Hindi. Dapat malunasan muna ang periodontal problem bago ang dental braces. 🙂

Sumasakit ang ngipin sa harap

Moymoy : Sumasakit ang ngipin sa harap ano ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist at ipatingin ang sumasakit na ngipin. Kung ano ang dapat gawin ay nakadepende sa kung anong sanhi ng pananakit.

Nana sa Molar

Dingdong : paano po pag may nana ang molar ko?

Ask the Dentist : Ba eh, tatanggalin ang nana sa molar sa pamamagitan ng RCT o bunot.

%d bloggers like this: