Gaano itinatagal ang Pasta

Jade : gaano po tinatagal ng pasta?

Dr. Jesus Lecitona : 3 years pataas. ?

Jade : magkano po ang pasta pag sa front?

Dr. Jesus Lecitona : 1 k pataas. Read : http://www.denturesaffordable.com/dental-filling/

Fifty fifty ang ngipin

Joy : Good morning po.. Ask ko lang po kapag po ba naka jacket ang ipin normal po ba na nangingilo?

Ask the Dentist : Baka for rct na yan. Read : http://www.denturesguide.com/rct/
Root Canal Treatment – Dentures Guide
Synonyms : Root Canal Therapy, Endodontic Treatment, Endodontic Therapy, RCT FAQ about Root Canal Therapy: Question : Why Would a Tooth Needs Endodontic Treatment? Answer : Endodontic treatment is necessary when the pulp is already on it irrerversible state, meaning even restoring the tooth with a c…

Joy : Gnito po kasi ngyari nun.. Bago po ako pumunta sa dentist nun hindi naman po ako ngiluhin talaga..as in po ndi talaga.. Pero yung ngipin ko kasi sa harap hiwalay sya at yung katabing ipin sa kanan is may sira po. Nagpunta po ako sa dentiat para itanong po kung pwede pang isalba ng “pasta”? So i- Xray nya po ipin ko na may sira pinakata nya sakin na malapit malapit na sa ugat..tinanong nya ko sumsakit na ba yan? Sabi ko HINDI PA PO (kasi totoo naman po na hindi pa talaga) kahit po ngilo ndi rin..so ayun na nga po pinasta nya pero sbi nya 50-50 daw po.. So sa pangalawang punta ko sa dentist gusto ko naman po ipaayos yung pinaka problema ko po talaga yung hiwalay ko pong ngipin actually po 2nd opinion ko po sya sa unang dentist na pinuntahan ko gusto nya braces ang gagawin 40-60k ang gagastusin ko daw po sympre di naman po ko gnun kapera kaya nag pa 2nd opinion po ako baka meron pang mas mababa para mapabrace ipin ko.. So nag pa 2nd opinion na nga po ulit ako sa nag pasta ng ipin ko sabi nya “naku ndi naman kailngan ibrace ang mga gnyan masyadong expensive ang brace. Jacket lang yan’ so sabi 5k isang jacket eh dalwa daw po to so 10k.. Mas mapapadali pa daw pagdikit.. Sounds good kaya pumayag naman po ako. Nun nilitan nya po ipin ko ilang araw po ako nagdusa talaga dhil khit pag mumog sa pagtoothbrush sobrang ngilo ng ipin ko na niliitan nya ? 4days po bago nagawa ung jacket nun kinabit nya kala ko po ndi na ko mangingilo ksi sbi nya po normal daw mangilo ako nun niliitan nya ipin ko kasi mga nakaopen pa daw ‘pag kinabit na daw un ndi na daw although pamin-minsan daw meron pero dpat minsan-minsan lang’. Ilang linggo na po jacket ko pero hnggang ngayon po nagdudusa ako sa kada inom ko ng malamig napapapikit ako sa ngilo kaya panay di malamig na po iniinom ko ? nag kadikit nga po ngipin ko pero ang kapalit po ung laging nangingilo sa malamig na kakainin ko. Sensya na po ang haba pero sana po matulungan nyo po ako. Ndi ko malaman kung normal ba yun sumasakit kapag nakajacket sya.

Ungay arrow po ung ngipin ko na pinasta nya naman po
Ung may arrow po ung ngipin ko na pinasta nya naman po

Ask the Dentist : Magusap kayo ng dentist mo ha. Para maipaliwanag nya kung ano ano ginawa nya para hindi magulo..personally hindi ko alam.mga ginawa nya at kung anong nasa x ray.

Nerve ng Ngipin

CJ : Doc
Papasta kopo sana ang ipin ko kaso sabi ng doc hindi niya daw mapapastahan kase nakikita niya na daw niya yang nerve ng ipin, bunot daw po kalangan. Tama po ba yun? Sa tingin niyo doc.

Ask the Dentist : IpaRCT mo. Read : http://www.denturesguide.com/rct/

Mai-close pa ba ang gap

Pj Jay : Doc good evening po ask ko lang po ma close pa po ba yung gap ng bungi ng ngipin kapag nag pa brace po ako?

Dr. Jesus Lecitona : Depende sa height ng buto at kung kelan nabungi.

Pj Jay : Yung bungi po ng ipin ko doc matagal na me root pa po sya

Dr. Jesus Lecitona : Kung may root pa, ipabunot mo sa magbibrace sayo.

How much magpaveneer

Thez : hi doc.good day! ask ko lang po how much po magpaveener?i have a gap in between po ng upper front teeth (1cm). Thank You.

Ask the Dentist : Patingin.

Thez : Yan po doc.sa front lang po.

Ask the Dentist : Aabot din ng 40K pataas. Read : http://costdentures.com/fixed/esthetic-veneers/

Pwede bang ipapasta

Danica : Good morning po may itatanong lang po ako pwede pa po bang ipapasta ang ngipin na ganito?Tsaka magkano po.Pwede pong pakeep as confidential po kasi baka mapahiya ako thank you and godbless

Ask the Dentist : Possible pa. Pero kung sumakit, iparct mo, Read : http://www.denturesguide.com/rct/

May pagasa pa ba tumubo ang ngipin

Daren : dok,,,may pagasa pa po ba tumubo ang ngipin ko

Dr. Jesus Lecitona : Ipaxray mo para makita.

Daren : sige po doc…salamat po

Ano dapat gawin sa sumasakit na ngipin

Jhaypee : Hai,doc.magtatanung lang poh ano poh bha dapat gawin kung sumasakit ang ipin na may kasamang pamamaga na,ano poh bha ang gamot dito.

Ask the Dentist : Rct..read : http://www.denturesaffordable.com/rct/

May bukol sa labi pero walang pera

Chrisjohn : Sir Pwede po magtanong .. Meron pong tumutubong Bukol sa Labi ko… Pinuputok ko siya habang maliit pa ito kasi kapag lumalaki siya .. Then kapag pinutok naman siya may tubig na lumalamabas malapot siya then parang may laman na nakapaloob dito .. Pag pinutok ko siya after 3 days bumabalik ulit siya … Matagal na po ito, hindi ko naman po mapatingin dahil kulang sa pera .. Ano po kaya ito Doc ..
Thanks ?

Ask the Dentist : Punta ka sa health center. Pwede din sa PGH.

Kaya ba pastahan ang may Malaking Sira na Ngipin

Mychie : Good morning po doc. Ask ko lang po if pwede po magpalagay ng anesthesia kapag magpapapasta? Thank you po. GOD BLESS

Ask the Dentist : Oo. Sabihin mo sa dentist

Mychie : Thanks po

Mychie : Good day po! Kapag po ba hindi pa sumasakit ang ngipin kahit po malaki na ang sira kaya pa po ng pasta?
Seen by Mychie Corales Bunquin at 3:36pm
Thanks po

Ask the Dentist : Kung hindi pa umabot sa pulp ang sira. Kung umabot na sa pulp, dapat RCT na. Read : http://www.denturesguide.com/rct/

%d bloggers like this: