Categories
Pediatric Dentistry

White Stain sa Ngipin ng Bata

Cyrra : doc sabi nung dentist ng anak ko, sa 3 years old pa daw pwede, may home remedy po ba para matanggal yung mga white stain sa ngipin nya?? Tsaka may recommended po ba kayong dentist na accredited ng medicard sa valenzuela or caloocan… thanks po!

Ask the Dentist : Wala. Hayaan mo lang ang stain. Pwede mo linisan ngipin niya ng gauze. Punasan mo lang.

Cyrra : Hindi pa po ba advisable ang toothbrush???

Ask the Dentist : Kung kaya niyang dumura, pwede na magbrush. Ikaw ang mababrush sa kanya.

Cyrra : Ok po dok.. thank you…

Categories
Surgery

Pwede bang magpabunot ang Nanganak

Jean : Pwede po bang magpabunot ang kakapanganak? Anim na buwan na po ang nakakalipas.

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Categories
Prosthodontics

Denture na may retainer design

Jet : Doc. Magandang araw, doc as shown in the picture bali pustiso npo yung dalwang ngipin ko sa harap eh gusto ko po sana ipa permanent na yung ngipin ko ask ko lang po aside from dental implant, ano po magandang dental procedure ang naaayon para sa ngipin ko yung hindi po halata at parang totoong ngipin na po, salamat po and godbless

Denture Retainer
Denture Retainer

Ask the Dentist : Ipafixed bridge mo kung hindi mo kaya ang implant:

Porcelain Fused to Metal Bridges

Jet : magkano po ang price ng fixed bridge at ilang taon po ang life span nito bago palitan? salamat po

Ask the Dentist : Usually umaabot ng 5 years. sa dalawang bungi, dalawa ang kakapitan, mga 20K din pataas ang mukhang ngipin na porcelain fused to metal bridge.

Categories
Endodontics

RCT and Crown Cost

Joenell : gud am sir, ask ko lang po kung anong magandang gawin sa ngipin ko bale natanggal na po yung dating jacket tapos ngayon ay kumikirot.. pede pa po bang i jacket uli ito? ano po ang marerekomenda nyo sir para maayos ulit ito?

Ask the Dentist : IpaRCT mo tapos jacket, http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

Joenell : ok sir mga magkano po aabutin nyan?

Ask the Dentist : Anong ngipin yan?

Joenell : sa harap po sa taas.

Ask the Dentist : 10K din sguro pataas.

Categories
Prosthodontics

Dentures Cost

Tylman : How much do pustiso cost in the Philippines?

Ask the Dentist : Masyadong malawak ang tanong mo. Madaming factors ang nakakaapekto sa halaga ng pustisto. Una sa lahat, madaming klase ng pustiso: http://www.dentures.com.ph/category/removable-dentures/ Kung anong klase ng pustiso ang nararapatsayo ay depende sa kaso.

Isa pang factor kung ilan ang bungi. Mas madaming bungi mas mahal ang pustiso.

Factor din ang klase ng denture base. Meron usual na acrylic na ginagamit. May high impact din na denture base.

Madami ding klase ng artificial na ngipin na pwede gamitin. May acrylic denture teeth. May composite din na denture teeth.

Depende din kung removable denture or fixed denture. Mas mahal ang fixed denture kumpara sa removable.

Isa pang factor ay ang lugar. Kadalasan mas mura sa probinsya kaysa sa syudad. Mas mura ang pustiso sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ang pinamabutin mong gawin ay magpunta sa iba’t ibang clinic at magtanong tanong. Masasabi ng dentist mo kung magkano, oras na makita niya ang ngipin mo at kung anong klase ang dapat sayo.

Bisitahin ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cost of Dentures.

Para sa mgatanong tungkol sa halaga ng pustiso, magleave lang ng comment sa baba o magsend ng message sa Ask the Dentist FB .

Categories
Orthodontics

Natatanggal ang Bracket

Dennis : gud pm. ask ko lng po sana bkt lagi natatanggal ung dikit ng isang bracket ko. un pong katabi ng two front teeth. un lng nmn po lagi natatanggal? nakakapagod din po mgpabalik2. thanks po

Ask the Dentist : Send photo ng braces mo.

Dennis : ah cge po tom. nlng wla po kc flash cam ko. thanks po ng mrmi. GOD Bless po

Ask the Dentist : Oks.

Dennis : anu puba mairerecomend nyong toothbrush pra sa my braces like me?

Ask the Dentist : Nagpabraces ka sa isang dentist? Kapag nagpabraces ka kasi, sa dentist mo dapat tinatanong yan. Kasi kapag iba’t ibang dentist ang tatanungin mo, magugulo anng treatment mo.

Dennis : ah oks po thanks.

Categories
Surgery

Dapat Bunutin ang Natirang Ngipin

Bakit Nga : masama po ba pag may natirang ngipin oh kailangan kong bumalik sa dentist

Ask the Dentist : Kailangan matanggal yung natira. Depende sa kaso, pwede tanggalin agad. Pwedeng patigilin muna ang dugo at bumalik ka ilang linggo after ng unang punta mo. Depende sa sinabi ng dentist mo kung kelan ka babalik. Ngipin nga ba ang natira? Madalas din kasing napagkakamalang ngipin ang butong pinagkakapitan ng ngipin matapos mabunot.

Bakit Nga : yun nga sabi nya eh buto na daw yung natira kaya hinayaan ko na lang pero after i week nakakapa ng dila ko parang ngipin pa eh tapos masakit pag nasasagi ng dila ko kaya parang feling ko ngipin pa din kailangan ko bang bumalik sa dentist ko oh ok lang na hayaan ko muna mag hilom yung sugat.

Ask the Dentist : Ipaxray mo para sigurado.

Bakit Nga : ah ok salamat sa info babalik na lang ako sa dentist ko

Categories
Orthodontics

Braces sa Pangasinan

Gelo : Good pm Doc. Im also from pangasinan.. dame ko na napagtanongan na dental clinics about braces. On my case may kasi may siwang po ako sa harap(upper) tapos crooked po yung teeth ko sa baba at the same time cross bite daw ako. Tanong ko lang po kung reasonable price po ung 35k?and yung bracket na gagamitin is yung traditional. Hindi pa raw kasama yung dental cleaning at pasta. Any recommendation doc?

Ask the Dentist : Yes. Oo hindi kasama ang linis at pasta doon. Maging ang bayad sa kuryente at tubig next month hindi kasama. Ang recommendation ko ay wag kang maghanap ng cheapest. Kunin mo average price sa area mo para tiyak kang hindi papapaano na lang ang ortho treatment mo.

Gelo : Ok doc. Salamat.. dame kasi dental clinics dito s dagupan kaya di ko alam kung sino.magaling n ortho. Wala nmn ngrecomend sakin basta research lang. Salamat doc

Categories
Pediatric Dentistry

Pwede ba Mag-retainer ang sungki

Shane Abygail : pwede po ba magparetainer kahit my sungki?thank u po

Ask the Dentist : Pwede. Pero walang inaayos ang retainer. Ang retainer ay nakakasira lang ng ngipin sa taong hindi naman nagbraces. Masama ang epekto sa taong hindi naman nagbraces.

Shane Abygail : Ah ok po thank you .

Categories
Orthodontics

Pwede ba malagyan ng Braces ang dentures

Timmy : .good day! inquire ko lang kung pwede ba talaga malagyan yung dalawang front teeth ko na dentures nang braces kung sakasakali man at mga magkano po ang cost nito. thanks!

Ask the Dentist : Hindi lalagyan ang pustiso mo, yung ngipin mo ang lalagyan. Habang may braces ka, hindi mo isusuot yang pustiso mo.

%d bloggers like this: