Ice Cream sa Bagong Pustiso

Zenaida : Pwede po ba ang Ice Cream sa bagong nagsusuot ng pustiso?

Ask the Dentist : Pwede. Masarap ang ice cream.

Murang Retainer

Charie : ask ko lng po. pwde po ba akong mgpa retainer kahit hndi pa ako nkapg pa braces?

Ask the Dentist : Hindi dapat. Pero pwede. Dahil walang gamit ang retainer sa mga taong hindi nagpabraces. Nakakasama pa, dahil dadami ang sira ng ngipin mo. At may iba pang masamang epekto.

Pwede ba Magpabunot ang Uminom ng Alak

Chong : Pwede ba magpabunot ng ngipi ang lango sa alak?

Ask the Dentist : Hindi. Kapag hindi ka na lasing saka ka magpabunot.

Pwede ba Magpabunot ng Ngipin sa Harap

Divine : Pwede po ba magpabunot ng ngipin sa harap?

Ask the Dentist : Pwede. Pero madaming mawawala sayo pagkatapos. Una diyan ang self confidence. 🙂

Pwede ba magbasketball ang nagpapasta?

Mike : Pwede ba magbasketball ang nagpapasta ng ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

Ano mangyayari kapag nagpapasta ng ngipin pag may regla?

Mylene : Doc, ano mangyayari kapag nagpapasta ng ngipin pag may regla?

Ask the Dentist : Hi Mylene. Ang mangyayari ay, magriregla ka pa din sa susunod na buwan. 😀

Tumubo sa Likod ng Harap na Ngipin

Gilbert : Doc panu po pag ung isang ipin tumubo dun sa likod ng front teeth, ano po ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Magpabraces ka.

Pwede ba i-RCT ang walang ngipin

Remegios : Wala na akong ngipin. Pwede ba ako magpa-RCT?

Ask the Dentist : Ngipin lang po ang ina-RCT. Kung wala nang ngipin. Wala nang ia-RCT. 🙂

White Stain sa Ngipin ng Bata

Cyrra : doc sabi nung dentist ng anak ko, sa 3 years old pa daw pwede, may home remedy po ba para matanggal yung mga white stain sa ngipin nya?? Tsaka may recommended po ba kayong dentist na accredited ng medicard sa valenzuela or caloocan… thanks po!

Ask the Dentist : Wala. Hayaan mo lang ang stain. Pwede mo linisan ngipin niya ng gauze. Punasan mo lang.

Cyrra : Hindi pa po ba advisable ang toothbrush???

Ask the Dentist : Kung kaya niyang dumura, pwede na magbrush. Ikaw ang mababrush sa kanya.

Cyrra : Ok po dok.. thank you…

Pwede bang magpabunot ang Nanganak

Jean : Pwede po bang magpabunot ang kakapanganak? Anim na buwan na po ang nakakalipas.

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

%d bloggers like this: