Anong dapat gawin kapag may sungki

Zenehv : . hi . tanong lng po ! meron po akong sungki pero anu po ba ag gagamitin ko para maayus ag ngipin ko .. retainer or braces

Ask the Dentist : Magpabraces ka sa dentist.

Zenehv : . ok tnx po !

Gusto ng Braces at Splint

Ivy : Good morning po. Doc overbite po ako, sabi po ng dentist ko ibrace daw po ako at splint kaso yung lower teeth lang daw po kasi yung taas naka porcelain bridge, di daw po hindi didikit yung bracket. ok lang po ba yun ganon? nabasa ko po kasi sa page nyo upper at lower ang bini-brace. Tsaka ano po ba ang splint at ilang month/years po kaya katagal pag nagpaganon ako?

Ask the Dentist : Yes. Hanap ka ng ibang dentist. Upper at lower yan, lagi.

Ivy : ano po ba yung itsura ng brace na may splint?

Ask the Dentist : Send ka ng photo ng ngipin mo.Ilang taon ka na?

Natusok ng Tinik ang Gilagid

Maria : Gud evening po doc tanong ko lang po anu pong pwedeng igamot sa namamagang gilagid nagsimula pong mamaga nung natusok ng tinik ng isda pero after a week gumagaling nmn pero bumabalik balik po yung maga

Ask the Dentist : Mukhang matagal na noong huli ka nagpalinis ng ngipin. Usually, kapag natusok, gagaling din agad kapag healthy ang gilagid mo. http://www.denturesaffordable.com/gum-disease/

Ask the Dentist : Mawawala lang ang maga, kapag nalinisan yan ng regular. Dapat magpalinis ka ng ngipin sa dentist every 6 months. Initially, Baka kailanganin mo ng malaliman at taimtim na paglilinis ng ngipin.

Maria : Thanks po

Pwede ba i-RCT ang may menstruation

Keara : doc,nagsimula po yung rct ko kaninang umaga tapos sabi ng dentist ko bale 3 meeting daw po yun. nagkamenstruation po ako ngayong hapon. okay lang po ba na magRCT kahit may period?

Ask the Dentist : Yes. Pero option niya na wag ka i-RCT habang may period ka. Possible kasi na magkaroon ka ng pamamantal at pamumula.

Keara : salamat po doc.

Gusto ipa-adjust sa iba’t ibang dentist

Diane : Hi.. Good PM..
Tatanung ko lang po.. Nagpakabit ako ng braces yesterday.. At parang di ako nasatisfy.. Kasi mejo hard case sa akin dahil overcrowded.. So feeling ko kailangan talaga ng proper treatment plan.. Kaso pagpunta ko sa clinic inexray ako tas kinabitan agad ng braces.. Unlike dun sa isa kong nakausap sabi nia after xray kailangan pa ng ilang days para pag aralan ung case ko.. Tas mas mura pa singil nia.. Kaya naman ako nagpunta dito sa mas mahal kasi conflict sched ko sa isa tsaka kala ko mas okay dito..Ang tanong ko po.. Pwede pa kaya ako lumipat sa kabila since kakakabit lang naman ng brace ko kahapon? So kung pwde na dun nalang ako paadjust sa isa? Thanks po..

Ask the Dentist : Dapat kang makipagusap sa naunang dentist mo na nagkabit ng braces mo. Pwedeng mawalan ng lisensya yung bago mong dentist kung bigla niyang ginawa ang case mo ng walang authorization or release sa nauna mong dentist.

Pwede ba bunutin ang ngipin

Nikki : Hello po, pwede po bang bunutin ang sungki ko tapos magbebrace ako para maclose yung space ng ngipin ko ? Pag nagpabrace po kasi ako na may sungki ako parang masyado na syang crowded at di maganda tingnan. Please reply. Thanks

Ask the Dentist : Kung may bubunutin diyan, hindi yang pangil. Kung magpapabraces ka, maghanap ka ng dentist na magaling. Dapat hingan ka niya ng panoramic x ray at cephalometric x ray.

Nikki : Thank you po

Wala nang dalawang ngipin sa harap

Sjg : Hi doc good day po..ask ko lang po kung mgkano ang bridge per tooth ang cost.. I’m actually having ryt now i don’t know kung ano pong tawag d2..crown or bridge.??wala na po akong ipen sa harap ung dalawa so ang pinagkakapitan is yung dalawang katabi..ang ngyayare po kc is everyday naman po aq ngfofloss..tinuruan rin nman aq ng ibang dentists kung pano mgfloss gamit yung parang needle na panlinis ng bridge..my problem is bkit parang it causes parin ng bad breath..pina xray q po xa at dinala q sa dentist na gumawa skin ng bridge ang sbe nya wala nman daw problem pero ang result sa xray parang may black na bilog sa gitna which is wala nman ng ipen un.. Ngpepertain po aq dun sa ipen na bunot na sa harap ung dalawa.ang sbe nya is pinanggalinggan daw po ng pus un..pinercuss nya nman po at d nman sumakit habang pinepercuss nya which is ang sbe nya wala nman daw problema dun sa bridge..i’m just wondering kung san nanggagaling yung bad odor nya..sbe q nga po ngfofloss namn aq at ngtatake rin aq ng bactidol..gusto q nlang po sana mgpagawa ulit ng bago ..at mgkano po kaya pero tooth..yung may metal butt..thanks godbless

Sjg : Wala rin po aq health condition..like yung sbe na nggagaling sa stomach kaya may bad odor..

Ask the Dentist : Send x ray. Ang presyo ay depende sa klase ng material gawa ang bridge at bilang ng bungi at kakapitan na mga ngipin.

Sjg : Dok

Sjg : Yung xray q po nsa dentist na gumawa ng bridge q eh..yung common type po cguro yung metal porc.crown..yung bungi q po is dalawa..so ibbrdge xa sa katabe ..mgiging apat..mgkano po kaya aabuten yun..thanks

Ask the Dentist : 20K pataas yung mukhang ngipin: http://costdentures.com/fixed/pfmb/

Anong Bridge ang Maganda

Rosemarie : gud pm po doc,ask ko lng po anung fixed bridge po ang maganda?un parang totoong ngipin po xa,ung porcelain fused to metal po or porcelain lng?

Ask the Dentist : All ceramics: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/ . Kung gusto mo ng parang tunay na ngipin, dental implants ang target-in mo. http://costofdentalimplant.com/dental-implant-cost/

Rosemarie : ceramics and porcelain prehas lng po b?

Ask the Dentist : ceramic=porcelain

Ask the Dentist : Walang metal ang all ceramics.

Rosemarie : ok po.thank u po

Rosemarie : mas mtibay po b ang all porcelain kaysa sa porcelain fused to metal?

Ask the Dentist : Kung hindi ka naghanap ng cheapest.

Rosemarie : ndi po,kya tntnong ko po kng anu mas mtbay sa dalawa

Rosemarie : thank u po

Rosemarie : doc,tnong ko n rin po kng paano mllman kng plastic o porcelain un ggmitin ng dentista sa fixed bridge?ng hndi po kailangan itnong sa dentista ?

Ask the Dentist : Sa presyo. Kunyari isa ang bungi. 2 ang kakapitan at isa ang ngipin kaya 3 units. Porcelain fused to metal, 5K up per unit. 15K pataas ang presyo. All ceramic, 20K up per unit, kaya 60K up ang presyo.

Pero sabihin mo sa dentist kung ano ang gusto mo ipagawa, at yun ang gagawin niya para sayo.

Ask the Dentist : Ang emax ang ok sa all ceramic: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/

All Porcelain Crown Cost

Siel : Mga magkano po kaya per crown doc? Thank you po

Ask the Dentist : Mga 12K – 20K pataas per crown yung ganito: http://costdentures.com/fixed/fixed-partial-denture-e-max/

Siel : Ang mhal din pala tlga doc. Tapos ano po yung sinasabi nilang ififixedbridge? Another babayaran nanaman po ba yun? hehe thanks po

Ask the Dentist : Oo.

Ice Cream sa Bagong Pustiso

Zenaida : Pwede po ba ang Ice Cream sa bagong nagsusuot ng pustiso?

Ask the Dentist : Pwede. Masarap ang ice cream.

%d bloggers like this: