Categories
Prosthodontics

Dentures Cost

Tylman : How much do pustiso cost in the Philippines?

Ask the Dentist : Masyadong malawak ang tanong mo. Madaming factors ang nakakaapekto sa halaga ng pustisto. Una sa lahat, madaming klase ng pustiso: http://www.dentures.com.ph/category/removable-dentures/ Kung anong klase ng pustiso ang nararapatsayo ay depende sa kaso.

Isa pang factor kung ilan ang bungi. Mas madaming bungi mas mahal ang pustiso.

Factor din ang klase ng denture base. Meron usual na acrylic na ginagamit. May high impact din na denture base.

Madami ding klase ng artificial na ngipin na pwede gamitin. May acrylic denture teeth. May composite din na denture teeth.

Depende din kung removable denture or fixed denture. Mas mahal ang fixed denture kumpara sa removable.

Isa pang factor ay ang lugar. Kadalasan mas mura sa probinsya kaysa sa syudad. Mas mura ang pustiso sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ang pinamabutin mong gawin ay magpunta sa iba’t ibang clinic at magtanong tanong. Masasabi ng dentist mo kung magkano, oras na makita niya ang ngipin mo at kung anong klase ang dapat sayo.

Bisitahin ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cost of Dentures.

Para sa mgatanong tungkol sa halaga ng pustiso, magleave lang ng comment sa baba o magsend ng message sa Ask the Dentist FB .

2 replies on “Dentures Cost”

Doc, ask ko lang po.. Balak ko po sana ipa-pustiso ang father ko. He is now 51 years old..and wala na po lahat ngipin.. Ano po kaya ang marerecommend nyo pong type ng denture para sakanya po? And ano po kaya ang estimation costs na kaylangn ko po ihanda for that. Provincial area po kami. Thank you!

Comments are closed.

%d bloggers like this: