Categories
Prosthodontics

Dental Bridge Cost Philippines

Ian : How much is dental bridge in the philippines?

Ask the Dentist : Ilan ang bungi mo? Madaming uri ng dental bridge. Madami ding materyales na pwedeng gamitin. Sa isang bungi, nangangailangan ng dalawang ngipin na kakapitan. Kaya mabibilang mo iyon na 3 units. Kung gagawin ng tama ang bridge, sa ordinaryong porcelain fused to metal bridge na 3 units, aabot ng 15 thousand pataas ang halaga. Ito ay kung gagawin ng tama ang bridge.

Kapag tama ang pagkakagawa ng bridge:
– Hindi ito nakakamatay ng ngipin.
– Naipapangkain mo.
– Naipapangngingiiti mo.
– Mukhang ngipin.
– etc

Kung all porcelain na bridge naman, aabutin din ng 60 thousand pataas ang 3 units na bridge.

Para sa karadagang imporamasyon basahin mo ang mga websites na ito:
http://costdentures.com/dentures-cost-guide/
http://www.denturesguide.com/dentures-cost/

127 replies on “Dental Bridge Cost Philippines”

hi doc. may 6 po kasi akong missing teeth sa harap. pwede ko po ba yun ipa fixed bridge? Tsaka pwede din po ba magbrace after malagyan ng fixed bridge? tnx po.

ask ko lang doc kung pwede ako magpafixed bridge kahit more than 10years na akong nakadenture. patay na yung gums ko sa harap so possible na lumubog na yung harap ko eh class C bite pa ako. 2nd question is possible ba na macorrect pa yun ng braces kahit 35yo na ako? thank u

hi doc, thanks sa reply. questions again 🙂 1. Possible pa ba ang fixed bridge if i have 4 front teeth missing? 2. Class III bite pala :), macocorrect pa rin pa to? I am 35yo na. possible pa? thanks!

Hi doc, I am missing 2 front teeth. Nagpa jacket ako before pero natanggal na sya. Pwede po bang ipa fixed bridge? and how much po? Thanks 🙂

Goodmorning doc. Tanong ko lang po kung mag kano po ang mag pa bridge ng ngipin dalawa po sa harapan thank you po

Magkano po aabutin if apat sa harapan at tig dalawa din po sa magkabilang gilid sa taas ung magiging cost nito.

gaganda po ba yung mga ngipin ko kpag pinaalis ko ung sungki xa harap panu po kya magamdang gawin pag pinaalis ko po kc un bungi napo ako pwd po kaya magpajaket para mukang buo ulit ang ngipin ko sa harap

hi doc! ask ko lang kung anong pede kung gawin sa ngipin ko, nakafixed bridge ko, 8 pcs po lahat, out of which 3 yung bungi, 5 yung abutment. one year pa lang po, and biglang nabasag yung 4. nanghihinayang ako dun sa 4 na piraso kase po maayos pa. kailangan ko po ba magpagawa uli ng 8 pcs?

Doc good afternoon. Nagpafixed bridge po ako emax 7units 4days ago kinabit ung permanent. NUng kinabit na po may maliit na butas as in maliit. pero ineexpect ko po kasi lapat sa gums ko. at parang tabenge at pantay pantay ipin. hindi po ba mas mahaba konti ung dalawang harap.. ngayon gusto ko po ipaulit, Possible po ba kasi hindi biro po yung binayad ko.. Indiano po yung dentista ko. at pano ko po malalaman kung talagang emax po ung crown at hindi porcelain. at ung gums ko po mejo maga kasi natamaan po nung sinukatan ako for impression. thank you.

Hi Doc,

Good Day!

Ask ko lang po which is better ung mag pa jacket nang ngipin or mag pabraces para sa sungik..
May sungik po kc pero d sya malala, I mean is dalwa lng ung sungki ko di nmn sya gnun ka panget.. Iniicp ko po kc pag brace db it took long time bago maaus unlike pag jacket mabilis kita agad result anuh po b mas ok pra sa sungki?

God Bless!

Thank you:)

doc ask ko lng po sana how much po estimated magagastos ko po if magpapajacket po ako ng 10 ngipin?..thanks po doc sana po masagot nyo

Hello doc gusto ko po sana ipaayos ipin ko jan sa pinas crown and bridge sya 4 sa taas at 4 sa baba na bridge. Ano kaya magiging timeline kasi uuwi lang ako from US i cant afford to do it here. Aabot kaya ng 1 month ang pag lalagay? Thank you doc.

Doc nagpa bridge aq dito sa japan,kaso lang silver xa . Pwede po ba tong mapalitan nang puti?

Dalwa lang ang walang ngipin but ang tatlo ginawang lock xa tapos silver pa,sa bangkil kasi yong isa.

doc good evening may 4 akong bungi sa bandang front ng aking ipin sa taas pwede po ba i bridge ung ganun ayaw ko na po kase sa denture , how much po ang aabutin

hi doc. iaask ko lang pwede pa ba yung teeth ko mag fuxed bridge? magpapalit na kasi ako ng dentures and ipapabunot ko sana yung dalawa pa. bale 8 na yung mawawalng teeth ko sa front? tsaka anong toothpaste ba ang dapat gamitin? lahat na ata tinry ko kaso mabilis talaga macavity yung teeth ko. feeling ko mababa ang tolerance ko for calcium of flouride 🙁 thanks doc

Hi doc,

Gusto ko pong ipa crown (E-Max) ang lower front teeth ko, nag moved kasi ang mga ipin ko papuntang kanan so yung left canine ko eh mukha ng incisor, dahil nabunot na ang molar ko sa kanan nung bata pa ako. So bale mga 4-6 crowns ang aabutin.

Ano po ba ang dapat sa crowns, isa isang ilalagay para may spacing pa tulad ng natural ng ipin na pwedeng i-floss, or dikit dikit na? Most dentist yata ay mas gustong dikit dikit na ang crowns para isang salpak na lang at walang hirap? Pero ano po ang dapat at mainam long term?

Salamat po.

Hi doc, ask lang po kasi removed na yung second premolar, first molar and second molar ko, bali 3 magkakadikit na molars and tanggal. 3rd molar (wisdom tooth) nalang yung natira sa likod. Possible po kayang i brace yun kasi nag iiwarang na yung teeth ko sa harap. Thanks po

Good Day Doc,

One tooth missing po ako sa upper front.
Pwede po ba ang jacket? How much po kaya?
Or mas okay kapag fixed bridge. How much?

Hi doc, ask ko lang. Yung sa bagang ko kasi naka rootcanal, ngayon sumasakit sya, possible ba na ipabunot ko sya tas ipabridge ko na lang? Thank you po sa response ?

Hi dok, ask ko lang po. Nagparoot canal po ako ng left lateral incisor dahil may abcess yung tooth ko na yun, after ng procedure hindi pa rin naalis yung abscess. Pinagtry na rin ako mag antibiotics pero hindi pa rin naalis. Sabi nung dent ko baka raw may namuong laman sa pinakaroot..ok lang bang ipajacket yun? Kahit may abscess pa? Or much better if ipabunot ko na lang then fix bridge? Andami ko pa sanang tanong pero eto muna hehehe ? thx

Hi Doc, nakafixed bridge po ako ng 6 units. Ang gumawa po graduating student na Dentist isa raw po kasi sa requirements po nila yun. Mura po ang nabayad ko po dahil laboratory at yung mismong ngipin lang po. Marami po ang nagsasabi panget daw po ang pagkagawa.
Gusto ko po sana ipaulit sa totoo na pong Dentist talaga. Magkano po kayo aabot nitong ngipin ko po?

Hi Doc- ask ko lang po sana help nyo- meron po akong 3 missing na teeth (upper) right and sa upper left naman mejo may butas ano po ba pwedeng option at mga magkano po kaya magagastos- matagal po ba ang proseso doc. Thanks po and Merry Christmas

Comments are closed.

%d bloggers like this: