Categories
Prosthodontics

Dental Bridge Cost Philippines

Ian : How much is dental bridge in the philippines?

Ask the Dentist : Ilan ang bungi mo? Madaming uri ng dental bridge. Madami ding materyales na pwedeng gamitin. Sa isang bungi, nangangailangan ng dalawang ngipin na kakapitan. Kaya mabibilang mo iyon na 3 units. Kung gagawin ng tama ang bridge, sa ordinaryong porcelain fused to metal bridge na 3 units, aabot ng 15 thousand pataas ang halaga. Ito ay kung gagawin ng tama ang bridge.

Kapag tama ang pagkakagawa ng bridge:
– Hindi ito nakakamatay ng ngipin.
– Naipapangkain mo.
– Naipapangngingiiti mo.
– Mukhang ngipin.
– etc

Kung all porcelain na bridge naman, aabutin din ng 60 thousand pataas ang 3 units na bridge.

Para sa karadagang imporamasyon basahin mo ang mga websites na ito:
http://costdentures.com/dentures-cost-guide/
http://www.denturesguide.com/dentures-cost/

127 replies on “Dental Bridge Cost Philippines”

Hello Doc,

I have one tooth missng sa lower molar. I was advised by my dentist for porcelain fixed bridge. Yung 2 teeth daw po sa tabi ang kakapitan. So 3 units daw po ang babayaran ko, each unit will cost Php 16,000 pesos. Total for 3 units will be Php 48,000 pesos. Is this a good price po ba or masyadong mahal?…Hintayin ko po kasagutan ninyo. Salamat po.

Hi Doc! Saan ang Dental Clinic mo?
Gusto ko po sana ipaayos ung Bridge teeth na ginawa saakin, How much it would cost me kung 7 units in front? Kaya po ba ng 2 weeks un?

Comments are closed.