Categories
Surgery

Dapat Bunutin ang Natirang Ngipin

Bakit Nga : masama po ba pag may natirang ngipin oh kailangan kong bumalik sa dentist

Ask the Dentist : Kailangan matanggal yung natira. Depende sa kaso, pwede tanggalin agad. Pwedeng patigilin muna ang dugo at bumalik ka ilang linggo after ng unang punta mo. Depende sa sinabi ng dentist mo kung kelan ka babalik. Ngipin nga ba ang natira? Madalas din kasing napagkakamalang ngipin ang butong pinagkakapitan ng ngipin matapos mabunot.

Bakit Nga : yun nga sabi nya eh buto na daw yung natira kaya hinayaan ko na lang pero after i week nakakapa ng dila ko parang ngipin pa eh tapos masakit pag nasasagi ng dila ko kaya parang feling ko ngipin pa din kailangan ko bang bumalik sa dentist ko oh ok lang na hayaan ko muna mag hilom yung sugat.

Ask the Dentist : Ipaxray mo para sigurado.

Bakit Nga : ah ok salamat sa info babalik na lang ako sa dentist ko

6 replies on “Dapat Bunutin ang Natirang Ngipin”

Ask ko lang po, nagpabunot ako kanina ng wisdom tooth. Pansin ko sa nabunot na ngipin parang basag yung dulo di sya matulis. Sinilip naman ni doc yung pinagbunutan wala naman daw pong natira. Possible po ba yun? Basag kasi talaga at magaspang yung dulo imbis na matulis

Comments are closed.

%d bloggers like this: