Categories
Surgery

Naputol na Ngipin

Arnold : Doc ako po yung ask re naputol na kapiraso ng bagang tom. Ang balik ko matanggal nya laya yun eh medyo naghilom na yuung sugat sa gums ko di ko naman matanaw yung naputol pero sabi nya nga ibalik ko daw tom tue 1 week na sya advice me please thankyou more power

Ask the Dentist : Hindi ko naintindihan. Pakiulit. Magtagalog ka.

Arnold : doc kanina nagpabunot ako ng bagang medyo d sya tinablan ng anesthesia kasi may nana daw ilang beses din sya nagturok ng anesthesia sabi bglain nya daw medyo tiisin ko daw sakit nabunot nya naman kaso yung kabilang dulo ng ngipin naputol try nya kunin kaso d ko na kaya yung sakit sabi nya mag antibiotic muna ko after 1 week ibalik ko daw para makuha yung naputol na part para tablan na daw ng anesthesia ok lang po ba yun kasi im worried thanks

Ask the Dentist : Ok. Bumalik ka next week.

Categories
Surgery

Nagdudugo ang Binunutan ng Ngipin ni Lenny

Lenny : Good day po ask lang ako 2 hrs ago nagpabunot po ako ng ipin #17 normal lang po na til now grabe pa din ang dugo and meron po syang parang mga laman na lumabas sa pinagbunutan nakalaylay po kc and don po lumalabas yong dugo..thanks po

Ask the Dentist : Bumili ka ng bulak. Kagatin mo ang bulak. Hayaan mo ang bulak na kagat kagat mo hanggang tumigil sa pagdugo. Inumin mo ang iniresetang gamot.

Lenny : maraming salamat po…uminom na po ako ng gamot kaya lang po ngayon ay namaga na po yong parang laman na nahila mula sa pagbunot sing laki po ng candy kaya now para akong may candy sa bibig..kelangan ko po kaya ipacheck up to sa dentist na nagbunot ng ipin ko?

Ask the Dentist : Normal lang.

Categories
Surgery

Ok lang ba Magpabunot ng Pangil

Glenn : Doc, ok lang ba ipabunot ang upper canine tooth? Palalagyan ko ng plastic denture. Maganda ba ang plastic at gaano ito katibay kumpara sa porcelain? Delikado ba ang canine mabunot? Tnx

Ask the Dentist : Hindi ok pag may nabubunot. ANg kagandahan ay nakadepende sa galing ng dentist mo at base sa iyong paningin. Ang tibay ay hindi ko kayang iquantify.

Glenn : Bakit po hindi?

Ask the Dentist : Hehehe! Nasagot ko na yan ah.

Glenn : Masakit ba ang procedure ng dental jacket? Mararate nio po ba ang quality the dental jacket as compared to other restoration procedures? How long it takes bago masira ang jacket? Kano po ang price per jacket? Thanks po.

Ask the Dentist : Depende sa galing ng dentist ang tanong mo. 5 thousand pataas per jacket crown. YUn yung pinakabasic, porcelain fused to metal crown:

Metal Ceramic Dental Crown
Metal Ceramic Dental Crown is a restoration that reprod…

Categories
Surgery

Pwede ba ipabunot kapag sumasakit

Dhonna : Pwede po b ipbunot pg nskit p

Ask the Dentist : Hindi ko masyado maintindihan. Bale ano ang tanong mo?

Dhonna : kc po hndi nwwla skit ng ngipin po..
ang tnung po khit po b nskit p xa pwedeng bunutin tatalab po b anestisya

Ask the Dentist : Punta ka sa dentist. Kapag nakita niyang dapat ka munang uminom ng gamot, riresetahan ka niya muna. Kung nakita niyang pwede nang bunutin agad, bubunutin niya.

Dhonna : ntalab po b anestisia khit nskit?

Ask the Dentist : Teka, binasa mo ba ang reply ko?

Categories
Surgery

Tooth Extraction Cost Philippines

Melba : magkano magpa bunot ng ngipin?

Ask the Dentist : Mura lang. 🙂

Categories
Surgery

Odontectomy Cost in the Philippines

Peter : What is the cost of odontectomy in the philippines?

Ask the Dentist : Five thousand pesos pataas.

Categories
Surgery

Magpabunot ng Ngipin

Tinee : Pupunta ng dentista para magpabunot ng ngipin in english?

Ask the Dentist : Naku patay tayo diyan, english translation. I will try. Aha, I will go to the CR and use the door knob.

Categories
Surgery

After Bunot ng Ngipin

Rudy : Ano gagawin after bunot ngipin?

Ask the Dentist : Magdasal at magpasalamat sa Diyos.

Categories
Surgery

Gaano katagal ang pagbunot ng ngipin

Beng : Gaano katagal ang pagbunot ng ngipin?

Ask the Dentist : Depende kung ano, kung ilan at kung ano ang condition. Kadalasan hindi lalampas ng isang oras. Kung impacted, 3rd molar, nakabaon na ngipin, lampas yan ng isang oras. Kapag taga visayas ang px, matagal bunutan. Matitibay ang kapit ng ngipin ng mga taga-visayas. 🙂

Categories
Surgery

Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin

Johnoy : Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Masama. Source of infection yan.

%d bloggers like this: