Archive for the ‘ Restorative Dentistry ’ Category

Pwede pa bang pastahan

Saudi Boy Adrian Ubando : Dr, pwede pa bang pastahan ung likod ng ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Pwede din pastahan kahit ang harap at gilid ng ngipin. Ganun din ang ibabaw ng ngipin.

Masamang epekto ng pasta sa ngipin

Saudi Boy Adrian Ubando : Doc, ano ang masamang epekto ng pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Wala.

Nasira ang pasta ng ngipin

Amy : Nasira ang pasta ng ngipin ko pwede kaya ibalik sa dentist to?

Ask the Dentist : Pwede. Pwede ka rin niyang singilin muli at pwede ring hindi na.

Masakit ba mag pa pasta?

Kat : Doki! Masakit ba mag pa pasta?

Ask the Dentist : Hi Kat. Para sa ibang pasyente oo, para sa iba hindi. Nakadepende iyan sa kung gaano na kalapit sa pulp ng caries, galing ng iyong dentist at kung gaano kataas ng iyong pain tolerance.

Bakit madali matangal ang dental pasta ko

Pete : bakit madali matangal ang dental pasta ko? natatanggal ba ang permanent pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Isa sa dahilan kung bakit madaling matanggal ang pasta ay tuwing naghanap ang pasyente ng sobrang mura na pasta. Sa P350 na pasta, asahan mong ang kalidad ng materyales ay mababa na. Ang mga materyales na may magandang quality ay may katumbas na halaga. At sa halagang P350 sigurado akong magpapakalugi ang dentist kung gagamitan ka ng mga mamahaling materyales. Idagdag mo pa diyan ang gastos niya sa kuryente, tubig, disposable materials, dental materials, idagdag mo pa ang pagod niya, at siyempre ang kanyang pinagaralan na ina-apply sa pagpapasta ng iyong ngipin.

Sa iyong pangalawang tanong. Oo, natatanggal ang permanent na pasta. Walang permanent na bagay sa mundo.

Hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin

Claudine Krueger : Doc, hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin?

Ask the Dentist : Hi Claudine. Kung ang pananakit ay dahil sa may infection na sa pulp, o exposed na ang pulp, hindi na pwedeng pasta lang ang gawin sa ngipin. Dapat i root canal treatment muna bago pastahan.

Pwede ba magpabrace ang ngipin kahit naka pasta

Carlito Salonga : Pwede ba pabrace ang ngipin khit nka pasta sa harap?

Ask the Dentist : Hi Carlito Salonga. Oo. Puwedeng puwedeng i-dental braces kahit nakapasta sa harap. Kahit nakapasta sa likod, puwede din.

Magkano ang pasta sa ngipin?

David Bartlett: Magkano ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist Philippines: Hi David Bartlett. Thanks for asking the dentist! Direct restoration in the Philippines are more affordable than other countries and there are several reasons why.

Generally, the prices of dental treatment in the Philippines are affordable. Una dahil sa economy, ibinabagay ang presyo sa kakayahan ng tao na makabili. Pangalawa, may mga steps na pinasimple para mapapababa lalo ang presyo. Madami pang ibang rason.

Kadalasan, sinisingil sa pagpapasta sa halagang base sa ilang cavity, anong material na ginamit, specialization ng dentist, lokasyon ng dental clinic at madami pang iba.
Read more

%d bloggers like this: