Archive for the ‘ Restorative Dentistry ’ Category

Braces sa may Pasta sa Harap

Kaine : Pag ba na pasta na yung ngipin sa harap pwede pang ipabrace?

Ask the Dentist : OO pwede.

Magpapa-pasta dahil Masakit ang Ngipin

Maricel : Kung nagpapasta ba mawawala ba ang sakit ng ngipin???

Ask the Dentist : Hindi. Dapat alamin muna kung bakit sumasakit saka malalaman kung ano ang dapat gawin para hindi na sumakit.

Pasta sa Ngipin Philippines

Jane : Doc tanong. Malaking butas sa ngipin sa harap pwede pa bang pastahan?

Ask the Dentist : Oo. Kung hindi pa abot sa pulp, pwede pa sa pasta or crown. Kung abot na sa pulp, dapat i-RCT muna.

Magkano ang permanent pasta sa ngipin?

Ynna : Magkano ang permanent pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kung meron man tiyak hindi mo mabibili.

Pasta o pustiso

Saudi Boy Adrian Ubando : Ang si-sexy ng mga camel dito lalo na’t ako’y nalulungkot. Doc, alin po ang maganda pasta o pustiso?

Ask the Dentist : Parehong maganda, depende sa function at dahilan. Pero kung ikaw ay balak magpabunot at papustiso, mas maganda ipapasta mo na lang kung hindi pa naman infected ang pulp ng ngipin mo.

Natatanggal ba ang pasta sa ngipin

Roselle : Natatanggal ba ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Natatanggal din ang pasta sa ngipin. Ipapasta mo lang ulit.

Butas na ang ngipin

Saudi Boy Ray Ubando : Ang hot dito sa Saudi, lalo na ang mga paborito kong mga camel. Doc, paano kapag butas na ang ngipin

Ask the Dentist : Kapag butas na ang ngipin, pwede itong pastahan kung hindi pa abot sa pulp ang butas. Pwede din itong i-RCT muna tapos pastahan kung abot na sa pulp ang butas.

Tanggal agad ang pasta sa ngipin

Kathlyn : Doc ano ang dahilan para matanggal agad ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Madaming dahilan para matanggal agad ang pasta ng ngipin. Ang pinakacommon na dahilan ay ang pagkakakagat ng bato sa kanin. Ang pagkain ng mga pagkain sobrang tigas tulad ng sugar cane. Pagbukas ng tansan sa pamamagitan ng ngipin. Pagbukas ng supot ng tsitsirya sa pamamagitan ng ngipin. Madami pang iba. Ang remedyo: Ipapasta mo lang ulit.

Sumasakit ang ngipin sa harap

Moymoy : Sumasakit ang ngipin sa harap ano ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist at ipatingin ang sumasakit na ngipin. Kung ano ang dapat gawin ay nakadepende sa kung anong sanhi ng pananakit.

Paano mawala ang cavity

Ruth : Hello Doctor. Paano ba mawala ang cavity?

Ask the Dentist : Hi Ruth. Para mawala ang cavity, ang ngipin ay papastahan. 🙂

%d bloggers like this: