Archive for the ‘ Restorative Dentistry ’ Category

Ano mangyayari kapag nagpapasta ng ngipin pag may regla?

Mylene : Doc, ano mangyayari kapag nagpapasta ng ngipin pag may regla?

Ask the Dentist : Hi Mylene. Ang mangyayari ay, magriregla ka pa din sa susunod na buwan. 😀

Halata ang pasta

Jhannet : gudmorning po, magtatan0ng lang po sna aq.. ung ngipin q po kc sa harap na dalawa pinapasta q pero halata po ung pagkapasta halos nakalahati nya kc ung ngipin q nung nilinisan ng dentist,at ndi po kakulay ng ngipin q ung pgkapasta kya pangit tgnan sira p dn xa tgnan sa malayo.. an0 pa po bng pwede kong gawin bukod sa pagpapasta? mai iba pa po bng solusyon? at magkano po kya ang gagastusin q?

thanks in advance po sa pagsagot.. really need ur help balak q kc pumunta sa dentist sa oct9..

Ask the Dentist : Ipapasta mo ulit.

Bunot at Pasta

Emerlyn : Hello goodevening po. Ask ko lang po kung pwede po bang isabay ang pagpapapasta at bunot? Ipapasta po muna tapos the other is bubunutin. Okay lang po ba yun? Thanks

Ask the Dentist : yes.

Emerlyn : Eh ang bunot po pero magkaibang lugar hindi magkadikit okay lang po ba yun? Thanks

Ask the Dentist : Yes.

Malabong Litrato ng Ngipin

Malabong Litrato ng Ngipin - askthedentistphilippines.com

Malabong Litrato ng Ngipin – askthedentistphilippines.com

Shan : Doc?? anu po ba pwede gawin dito sa ngipin ko?? 15 years old palang po ako

Ask the Dentist : Padalhan mo muna ako ng malinaw na picture. Base sa picture na yan, malala yang mga ngipin mo.

Natatanggal na Pasta

Mae : Hello doc, may pasta ako sa harap lagi natatanggal. Samantalang maliit lng nmn po ung butas ng paglalagyan ng pasta. Ang iniisip ko po hnd magaling ung dentista ko. Meron bang pasta s harap na hnd nmn nttnggal agad?

Ask the Dentist : Hanap ka ng ibang dentist.

Ask the Dentist : See recommended dentists

Temporary Pasta

Arra : Hi po, gusto ko lang malaman if ideally gaano katagal kailang magpalit ng temporary filling/pasta … ayoko po kasi nung parang bakal ba yun dahil pag inopen yung mouth parang may sira yung ngipin. and also, I had my temp filling 6 months ago. noong bagong pasta pa lang po yung ngipin ko, kapag ikakagat ko na ay medyo makirot so naisip ko baka hindi nasara mabuti? tumagal sya after 4 months. and eto lang pong nakaraan okay na sya, hindi na sumasakit. pero di ko parin po sya ipinangkakain dahil nga sa iniisip ko baka may sobrang liit na butas eh baka masira ngipin ko if may debris na papasok.

Ask the Dentist : Kailangan mapalitan agad agad. Temporary lang yan. Kaya tinawag na temporary. Kasi temporary. Kaya ang gamit, temporary. Alam mo ang sagot sa tanong mo. Nasa denial stage ka pa nga lang. Hehehe!
Pero since isa kang maganda at hot na chick. Ikaw ay aking idinideklarang exempted sa Spartan Justice. Humayo ka at lalong maging maganda.

Arra : Hahaha. As in hindi man lang siya tatagal ng taon? pero papasta ako bukas feeling ko may leak na. Thanks!

Ask the Dentist : Dapat magpapasta ka na bukas. Dahil pag yang ngipin mo ay namatay, mas malaking kumplikasyon pa ang pwedeng mangyari. Mga taga-sparta lang ang hindi tinatablan ng sakit ng ngpin.

Tooth Decay

Mara Claire : hi doc. anong treatment po pwede sa ngipin na puro tooth decay na. kulay yellow lng naman po hindi ung black?

Ask the Dentist : Ipapasta mo.

Mara Claire : thank you po doc.

English ng Pasta sa Ngipin

Nanang : Anu english ng pasta sa ipin?

Ask the Dentist : Ask the Dentist po ito. At mahina ako sa translation. Pero subukan ko ha. Ang english ng pasta sa ngipin ay “teeth spaghetti”. 😀

Nangingitim na Pasta

George : nangingitim ba ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Oo, kapag may leak. Depende sa kinakain. Sa material na ginamit. O kaya’y fracture ng pasta.

English ng pasta

Jeremy : Ano ang english ng pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Maling website yata napuntahan mo. Pero subukan ko ha. Ang english ng pasta sa ngipin ay teeth spaghetti. 🙂

%d bloggers like this: