Categories
Prosthodontics

Ice Cream sa Bagong Pustiso

Zenaida : Pwede po ba ang Ice Cream sa bagong nagsusuot ng pustiso?

Ask the Dentist : Pwede. Masarap ang ice cream.

Categories
Prosthodontics

Denture na may retainer design

Jet : Doc. Magandang araw, doc as shown in the picture bali pustiso npo yung dalwang ngipin ko sa harap eh gusto ko po sana ipa permanent na yung ngipin ko ask ko lang po aside from dental implant, ano po magandang dental procedure ang naaayon para sa ngipin ko yung hindi po halata at parang totoong ngipin na po, salamat po and godbless

Denture Retainer
Denture Retainer

Ask the Dentist : Ipafixed bridge mo kung hindi mo kaya ang implant:

Porcelain Fused to Metal Bridges

Jet : magkano po ang price ng fixed bridge at ilang taon po ang life span nito bago palitan? salamat po

Ask the Dentist : Usually umaabot ng 5 years. sa dalawang bungi, dalawa ang kakapitan, mga 20K din pataas ang mukhang ngipin na porcelain fused to metal bridge.

Categories
Prosthodontics

Dentures Cost

Tylman : How much do pustiso cost in the Philippines?

Ask the Dentist : Masyadong malawak ang tanong mo. Madaming factors ang nakakaapekto sa halaga ng pustisto. Una sa lahat, madaming klase ng pustiso: http://www.dentures.com.ph/category/removable-dentures/ Kung anong klase ng pustiso ang nararapatsayo ay depende sa kaso.

Isa pang factor kung ilan ang bungi. Mas madaming bungi mas mahal ang pustiso.

Factor din ang klase ng denture base. Meron usual na acrylic na ginagamit. May high impact din na denture base.

Madami ding klase ng artificial na ngipin na pwede gamitin. May acrylic denture teeth. May composite din na denture teeth.

Depende din kung removable denture or fixed denture. Mas mahal ang fixed denture kumpara sa removable.

Isa pang factor ay ang lugar. Kadalasan mas mura sa probinsya kaysa sa syudad. Mas mura ang pustiso sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ang pinamabutin mong gawin ay magpunta sa iba’t ibang clinic at magtanong tanong. Masasabi ng dentist mo kung magkano, oras na makita niya ang ngipin mo at kung anong klase ang dapat sayo.

Bisitahin ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cost of Dentures.

Para sa mgatanong tungkol sa halaga ng pustiso, magleave lang ng comment sa baba o magsend ng message sa Ask the Dentist FB .

Categories
Prosthodontics

Meron akong denture

Sai : meron akong denture ngayon pero may mga sira na rin ang mga katabing ngipin at gusta ko na sana ring ipa bunot dahil wala na ring pag asa at puro bulok na, saan po kaya ang inyong clicik para maipatingin, medyao takot din po ako sa dentista kaya napabayaan ko ng husto ang aking mga ngipin.

Ask the Dentist : http://askthedentistphilippines.com/dentists/

Categories
Prosthodontics

Crown and Bridge

Chell : Hello po Doc.. gusto ko po magpa fixed bridge..3 na pong clinics ang pinag tanungan ko.. ang presyo po nila ay 10,000 kada crown.. 2 po yung missing teeth ko sa harapan.. so 4 na crow daw po, that is 40,000 all in all… Is that a reasonble price? May maire-recommend po ba kayong dental clinic sa Marikina? Thank you po..^^

Ask the Dentist : Anong klase ng bridge? Anong material? Ito yung materials:

Types of Porcelain Dental Crowns
Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

Chell : Porcelain fused to metal po… yun ba ang usual na price, 10,000 per crown kung ganung klaseng bridge ang gagamitin?
Doc, yung Pasig Dental Clinic po, private po ba sya or public?

Ask the Dentist : Wala yatang public clinic. Unless sa center yan.

Chell : ah okay po… kung sa inyo nalang po ako magpapa fixed-bridge, okay lang po ba?

Ask the Dentist : Pangasinan ako. Mahihirapan ka.

Chell : kala ko po meron kayong clinic sa manila?

Ask the Dentist : Pwede pero sa specialty school clinic kita gagawan.

Chell : Magkno po rate ninyo sa fixed-bridge per tooth?

Ask the Dentist : Mura lang.

Chell : Magkano po?hehe 2 po yung missing teeth ko sa harapan.

Ask the Dentist : wed, thurs at friday pwede. 9 am – 5 pm. Sa Manila ito.

Categories
Prosthodontics

Temporary Bridge

Tintin : hi po! doc just want to ask po about my fixed bridge sa upper teeth po, muka pong need na nya palitan is it possible po na makapag palit ako na di ako mawawalan ng nginip while waiting for the new one..i mean po gamit ko pa din po ung dati hbng naghihintay..bale po 6 ung teeth na nka brdge po including ung kinakapitan and may i know ur clinic po incase..thanks so much po

Ask the Dentist : Possible. Pangasinan.

Categories
Prosthodontics

Teeth Grinding

Jhoy : Doc ask ko lang kung bakit po ako nag tooth grinding every night..im 25 y.o po at nahi2ya po aq sa pamilya ng asawa ko kc nadidinig dn po pag gbi.. Anu po b gamot o remedyo dito..at how much po b ung mouth guard at xan nakakabili ung mura lang po.sana po msagot neo po ung tanung ko asap thanks po

Jhoy : Yung mouth guard po b na nabibili sa s.m pwd po b un saken?kc nag kakaroon n ng space ung mga ngipin ko which is panget pag na smile ako.

Ask the Dentist : Ang gawin mo ay magpapanoramic xray nang malinaw nang makita ko at para malaman natin kung ano anng dahilan ng grinding mo.

Jhoy : how much po mag pa gnun

Ask the Dentist : Mura lang.

Categories
Prosthodontics

Nabubulok ang Likod ng Ngipin

Louis : Tanong lang po, nabubulok na po kasi yung likod ng dalawang front teeth ko. Nakikita na po sa harapan yung pag-itim nya. Yung isa lang po, hindi kasama yung isa. Ano po kaya ang dapat gawin dito? Kaya pa po kayo yun ng pasta o bunot na talaga po kaya? At yung pong teeth implant. Magkano po kaya aabutin nun kung gagawin sa dalawang frontal teeth? Ay, nga po pala. I’m 16.

Ask the Dentist : Ipapasta mo. Kung sumasakit na, RCT na ang remedyo. Hindi pa pwede ang implant sayo dahil sa age mo.

Louis : Ano po ang RCT? Sorry po, medio naive.
Ay, alam ko na po pala. How about veeners po? Puede po ba yon?

Ask the Dentist : Kung sumakit na, RCT. Kung hindi pa, ipapasta mo. Ang veneer ay para saharap. Ang problema mo ay likod ng ngipin.

Louis : Kita na po sa harapan yung itim e. Pero sa likod ang butas. Does that changes things?

Ask the Dentist : Malinaw sa unang pm mo kung ano ang problema.

Louis : Ok, po. Salamat.

Categories
Prosthodontics

Dentist in Manila

Brian : hello po. active pa po ba kayo ditto sa fb? Is there other way to reach you? I was just asking abt fixed dentures. Thanks

Ask the Dentist : Hi. Yes. Ano yun?

Brian : makapag sasabi po ba kayo ng range per tooth po? and gaano po katagal ang lahat ng process (consultation, sizing, fitting etc po).Based po kasi ako sa sg, and sa December pa po balik ko dyan. and di rin po ako ganun katagal, thanks po!

Ask the Dentist : Sa ngayon ay hindi ako tumatanggap ng px Manila. See this page for recommended dentists:

Approved Dental Clinics
Dental clinics na aking isinasuggest. Kumbaga, may seal of approval ng website na ito. Kung may papuri kayo sa mga dentist na narito, pakifill-upan lang ang comment for sa baba. Metro Manila Manila…

Brian : ganoon po ba. sige po salamat!

Categories
Prosthodontics

Fixed Bridge Cost

John Michael :
hi doc.. tanong ko lang .. magkano po kaya ang range ng magpabridge-work per tooth?

Ask the Dentist : 5 thousand pataas per unit yung pinakamababang uri ng crown or bridge.

Types of Porcelain Dental Crowns
Types of ceramic dental crowns that are commonly availa…

John Michael : thanks sir ..

John Michael : hello good afternoon .. tanong ko lang po ulit doc . for instance, ung 3ngipin ko po sa harap(upper), magkakatabi, sira na pero hindi pa siya missing. tanong ko lang po sana if ano po kaya ang pwedeng gawin para maayos aside from dentures, crowns , or ung some sort of drills. Meron po bang some kind of parang fake tooths, implants?

Ask the Dentist : Sumakit na ba? Ipaxray mo send mo dito ang x ray, para makita kung infected na. Kung may infection ang PULP, ia-rct muna tapos jacket crown.
http://www.denturesaffordable.com/fixed-partial-denture-endodontically-treated-tooth/

John Michael : okay po tong suggestion niyo doc . hmm sige po send ko senyo xray pag nagkaroon ng xtra time . btw magkano po kaya per tooth ung ginawang procedure dun sa link na binigay niyo?

Ask the Dentist : Depende sa maga-rct kung magkano ang sisingilin. Depende sa kakumplikaduhan ng kaso.

%d bloggers like this: