Archive for the ‘ Periodontology ’ Category

Gingivitis

Marc Anthony : doc my gingibitis po kpatid q, mgkno po b ang treatment?

Ask the Dentist : Ipunta mo sa dentist para makita kung gaano kalala.

Gamot sa magang gums

Malu : Ano ang gamot sa namamagang gums?

Ask the Dentist : Ang solusyon sa namamagang gums ay depende sa kung ano ang dahilan ng pamamaga nito. Madaming dahilan ng pamamaga ng gums. Ang isa sa madalas na dahilan ay ang maduming ngipin. Ang maipapayo ko ay magpunta ka sa dentist, magpalinis ka, ipakita mo sa kanya ang iyong namamagang gums, itanong kung ano ang dahilan ng pamamaga at ano ang maaaring gawin upang mawala ang pamamaga.

Gamot sa Namamagang Gums

Fern : Ano po ang gamot sa namamagang gums?

Ask the Dentist : Pumunta ka sa dentist upang malaman kung ano ang dahilan ng pamamaga ng gums at masolusyunan agad.

Namamaga ang Gums

Jessa : Ano po ang dapat gawin kapag namamaga ang gums?

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist para malaman mo kung ano ang dahilan ng pamamaga. Kung nalaman na ang dahilan ng pamamaga, saka pa natin malalaman kung ano ang dapat gawin.

Magkano magpalinis ng ngipin

Bea : Magkano magpalinis ng ngipin?

Ask the Dentist : Hi Bea. Musta si John Lloyd? 🙂 Sa mga napagtanungan kong kapwa dentists, nagsisimula P1,000 (Sanlibo) pataas. Expect na mas mataas talaga sa price na yan, depende sa dumi ng ngipin, kundisyon ng pasyente, galing ng dentista, lokasyon ng dental clinic, at iba pa.

Namamagang Gilagid

Fe : hi po ask ko lang po kasi nung ngpabunot ako.. Pinabaablik ako para linisin mga ngipin ko di ako nakablik kasi namaga buong gums ko.. Anu po b gamot dito.. Thanks!

Ask the Dentist : Ang gamot diyan ay bumalik ka sa dentist mo para magpalinis.

%d bloggers like this: