Archive for the ‘ Orthodontics ’ Category

Lock Jaw Problem

Vina : hi po, ask kolang kung pwedeng makatulog ang braces to prevent lockjaw? thank you

Ask the Dentist : Depende sa kung anong dahilan ng lock jaw. Patingin ng x ray mo para masagot ko ng tiyak.

Vina : Im working on it. Mejo busy pa kasi sa work. Pero pag ngpaxray nako. I’ll show you po

Braces na 1 thousand pesos

Arshieda : May braces po ba na lower than 1thousand pesos ang cost ?tnx po,,

Ask the Dentist : Wala.

Arshieda : Magkano po ba ang pinakamababang brace ? and safe po ba itO ?

Ask the Dentist : 40 thousand pataas.

Retainer Philippines

Coleen : Hi po. Ask ko lang po kung pwede po bang mag pa retainer kahit may pustiso po? Please answer po confused po kasi ko eh gusto ko po talaga malaman yung sagot. Thanks

Ask the Dentist : Ang retainer ay para sa mga kakatapos ng orthodontic treatment.

Ang Kahalagahan ng Tiwala sa Dentist

Manel Andrea : Hi doc! ask ko lang po, ano po yung pampabuka ng ngipin na sinasabi? ung dentist ko po kasi nghingi sakin ng 2k para daw po sa pampabuka ng ngipin sa braces ko, dahil may isang ipin na dikit masyado dun sa katabi niyang ngipin..bukod p dw po un sa 35k na binayaran ko..ano po ba un doc?

Ask the Dentist : Malamang stripper yun. Walang binunot sayo? Anong name ng dentist mo?

Manel Andrea : Magkano po un? Pra dw po mghiwalay ung dalawang ipin n mgkadikit.. An—– ma—– po name..
Wala pkng binunot skn..basta siningil lang po ako ng 2k pra dw po sa pamapabuka

Ask the Dentist : Ah. Oks. Malamang hindi ka bunutan kasi gagamit siya niyan. Mga ganyan ang presyo.

Manel Andrea : Pero may mga puwang po akong ngipin sa tabi ng mgkadikit n ipin n yun..
Ano po b itsura non?ano pong pangalan ng gamit n un?

Ask the Dentist : Itanong mo sa kanya para sigurado. Yang buka buka na iyan eh iba ang naiisip ko eh.

Manel Andrea : Ano po naiisip ninyo?

Manel Andrea : Doc nagggawa ka po ba ng jacket?tama po b ung presyon n 25,000 sa 3 ipin? Isang ipin ung wala sakin sa babang kaliwa at dalawa nmn po un nawalang ngipin sa babang kanan..

Ask the Dentist : Kapag bumuka, nabubuntis. Yun ang naiisip ko sa buka.
Kapag ako ang gumawa niyan, yung pinakabasic na bridge sa 3 missing eh 35 thousand.

Manel Andrea : Swartz appliance tgnan muna ntin effect kanya thanx- ayan po ung text nung dentist ko..ano po yang pampabuka n yan sa ipin n sinasabi nia?

Ask the Dentist : Ganito ang pinakabasic niyan: Porcelain Fused to Metal Bridges

Ask the Dentist : Ah, para sa expansion.
Mura singil niya for that.

Manel Andrea : Ahh un po talaga presyo non?hnd nia po kc ako pina xray dati at cinast nung bago nia po ako lagyan ng braces..tama po b un?or baka expert n kc sya kaya ganun?
Mgkano po b tlga un?

Ask the Dentist : Dapat may x ray at cast pag ortho. Expert man o medyo expert.
Pinastahan ka niya bago lagyan ng braces? Tinuruan ka magfloss?
Ganda na ng ngipin mo ah, bakit ka nagpabraces? Bagay sayo smile mo.

Manel Andrea : Painastahan nia po ako.. Pero hnd nia po ako tinuruan mgfloss sabi nia kc doc kelangan ko dw kc kelangan dw po ipasok ung ngipin tapos hnd dw naka-align ung center ng ngipin ko sa may ilong..ano po b un?dba ang minor lang po ng case ko?hnd nga po sya nahirapan sa ngipin ko sabi nia e..ung sa baba lang dw po need p dw ipa jacket yun kc dw po gagalaw ung ngipin..mghhiwa-hiwalay daw po..

Manel Andrea : Kelangan dw po ipasok paloob ung sa taas na ngipin at ung sa baba dw po..pero un nga sabi po nung iba maayos n dw po dati ung ngipin ko..nung nasama lang po kc ako dun ng friend ko isang beses tinignan nia ngipin ko at kelangan ko dw ipabrace at ipajacket after
Pero d mn lang nia ako pina xray at cast.. So hnd ko po macocompare ung before and after kung may improvement

Ask the Dentist : Upper at lower yang braces mo?

Manel Andrea : Opo..upper at lower po

Ask the Dentist : Magpaturo ka magfloss. Ilang buwan na iyan? Naku hehehe! Requirement ang flossing, lalo na kapag may braces.
Iba iba ang diskarte ng dentist sa isang case, depende sa nakita niya sa bibig ng pasyente.
Siyempre pag binuka, may ipapasok. Hehehe!
Huli ang bridge at crowns lagi. After ng braces na iyon. Unless, requirement sa iba pang dental procedure.

Manel Andrea : Naku mg-1 yr n po to sa june..dba po minor lang nmn ang case ng ngipin ko? Mura n po b ung 35k n siningil nia skn dito?:)

Ask the Dentist : 1 year tapos hindi ka nagflofloss? Hehehe! Buti pa, magpapanoramic x ray ka. Tapos send mo yung photo ng xray. Kita lahat doon ang problem. Tignan natin kung ano ano ang problem. Sa Lapid Dental Clinic, malinaw x ray nila.
Wala pang 1 thousand ang panoramic x ray.

Manel Andrea : San po banda ung lapid xray?sige po tapos send ko po sa inyo?hehe
Opo hnd po ako ngffloss..dko rn po alam pano un haha

Ask the Dentist : Yes yan ay mura. Pero SOP talaga ang preliminary cast at xray sa braces. Doon mo kasi pagplaplanuhan yung case eh, kung ano ng treatment.
May branch sila sa cubao. Wait search ko alam ko may website yun eh.

Manel Andrea : Tsk..so pwedeng nakita lang po ng dentist ko n mgbrace ako? Nawalan n po kc ako ng tiwala sa dentist ko e though prang mura nga po singil nia compare dw sa iba

Ask the Dentist : https://www.facebook.com/lapiddental

Ask the Dentist : Magpaturo ka sa kanya. Hindi dapat naglalagay ng braces kung hindi naman tinuro kung paano linisin.
Ang problem diyan, kailangan matapos mo ang treatment mo sa kanya. Kasi kung kanino mo sinimulan, sa kanya mo dapat tapusin.

Manel Andrea : Hanggang sa mgpa jacket po ako?

Manel Andrea : Kelangan po b tlga lagyan ng jacket after? Mggagalawan po b tlga ung sa lower since my mga nabunot ng ngipin?

Ask the Dentist : Ang isa pang problem, wala ka nang tiwala. Kasi kapag wala kang tiwala, lahat ng gagawin niya ang una mong instinct ay mali na lahat ng ginagawa niya.

Manel Andrea : Kaya nga po e..feeling ko kung ano ano nalang pinagagagawa nia..dko po actually maramdaman ung worth ng binayad ko..

Ask the Dentist : Binayaran mo ng cash?

Manel Andrea : Opo hehe
Tapos na po
Fully paid na

Ask the Dentist : After ng braces mo, magriretainer ka. After retainer, saka lalagyan ng bridge.
May klase ng retainer na dinidikit sa lingual ng ngipin, kaya pwede ding sabay ang bridge at retainer.

Manel Andrea : Ah mas makakamura po pg ganun?

Ask the Dentist : Bakit ka nagfully paid agad. Hahaha! Hay naku naman.

Manel Andrea : Sa braces po i mean ung fully paid

Ask the Dentist : Masaya ka pa niyan ha. Hehehe! Exempted ka kasi maganda ka. Kung hindi naku maiinis na ako.

Manel Andrea : Ung sa jacket bridge at retainer hnd p po nauumpisahan..pngddown n nia po ako para dw mapagawa n nia ung mga gagamitin pero sabi ko hnd p po muna

Ask the Dentist : Bale tapos na ang treatment? Ilang buwan pa daw?

Manel Andrea : Hnd nia po masabi kung kelan dw aalisin tong braces…dko n nga po alam ggwn ko e prang napasama p pgpapalagay ko sa braces n to hehe

Ask the Dentist : Magdown ka pag sinimulan na oks?

Manel Andrea : Sige po thank you po doc ah sensya n ang dami kong tanong hehe

Ask the Dentist : Kung wala pa. Wag ka magdown. Hindi yun mauunang gawin kaysa sa gagawin sa bibig mo. Sa bridge, una tooth prep sa bibig. Tapos susukatan. Saka ipapagawa.
Magpa-panoramic xray ka para makita natin kung may problem.

How much ang braces

Amy : Hi doc..how much po ung braces..lagi po kac aqng tinutukso na d daw pantay ipin q and maybe is the solution kso bka d q po afford?.tnx po.

Ask the Dentist : 40 thousand pataas depende sa lala at edukasyon at galing ng dentist na gagawa. May halaga ang pinagaralan ng dentistang magbibraces sayo.

Nakausling Ngipin

Linda : Paano mapapantay ang nakausli?

Ask the Dentist : Ipabraces mo na lang para maayos ang lahat ng nakausli.

Teeth Braces Cost

Joe : How much is braces for teeth in Philippines?

Ask the Dentist : P40 thousand pataas depende sa lala.

Ok ba ang metal braces

Ben : Doc, ok ba ang metal braces?

Ask the Dentist : Oo. Ok ang metal braces.

Braces na Nakajacket

Cecilia : pwede ba magpabraces pag jacket ang ngipin?

Ask the Dentist : Oo pwede.

Braces sa Walang Bagang

Dina : pwede ba mag braces kahit walang bagang?

Ask the Dentist : Oo. Pwede.

%d bloggers like this: