Archive for the ‘ Orthodontics ’ Category

Basag at Pudpod na Ngipin

Joyce : Hellosir. ask ko lang po. balak ko sana magpabrace. up and down kaso yung sa baba kong ngipin, papabunot ko yung bagang. sira na kasi. how much ba magpabrace sayo?

Ask the Dentist : Up ang down lagi ang braces. Hindi porke sira ay bunot agad. Ang presyo ng braces ay depende sa lala ng aayusing ngipin.

Joyce : I mean, basag na kasi sya eh. Pudpod na

Ask the Dentist : Oks.
Picture-an mo para makita ko.

Gusto ng Braces at Splint

Ivy : Good morning po. Doc overbite po ako, sabi po ng dentist ko ibrace daw po ako at splint kaso yung lower teeth lang daw po kasi yung taas naka porcelain bridge, di daw po hindi didikit yung bracket. ok lang po ba yun ganon? nabasa ko po kasi sa page nyo upper at lower ang bini-brace. Tsaka ano po ba ang splint at ilang month/years po kaya katagal pag nagpaganon ako?

Ask the Dentist : Yes. Hanap ka ng ibang dentist. Upper at lower yan, lagi.

Ivy : ano po ba yung itsura ng brace na may splint?

Ask the Dentist : Send ka ng photo ng ngipin mo.Ilang taon ka na?

Gusto ipa-adjust sa iba’t ibang dentist

Diane : Hi.. Good PM..
Tatanung ko lang po.. Nagpakabit ako ng braces yesterday.. At parang di ako nasatisfy.. Kasi mejo hard case sa akin dahil overcrowded.. So feeling ko kailangan talaga ng proper treatment plan.. Kaso pagpunta ko sa clinic inexray ako tas kinabitan agad ng braces.. Unlike dun sa isa kong nakausap sabi nia after xray kailangan pa ng ilang days para pag aralan ung case ko.. Tas mas mura pa singil nia.. Kaya naman ako nagpunta dito sa mas mahal kasi conflict sched ko sa isa tsaka kala ko mas okay dito..Ang tanong ko po.. Pwede pa kaya ako lumipat sa kabila since kakakabit lang naman ng brace ko kahapon? So kung pwde na dun nalang ako paadjust sa isa? Thanks po..

Ask the Dentist : Dapat kang makipagusap sa naunang dentist mo na nagkabit ng braces mo. Pwedeng mawalan ng lisensya yung bago mong dentist kung bigla niyang ginawa ang case mo ng walang authorization or release sa nauna mong dentist.

Murang Retainer

Charie : ask ko lng po. pwde po ba akong mgpa retainer kahit hndi pa ako nkapg pa braces?

Ask the Dentist : Hindi dapat. Pero pwede. Dahil walang gamit ang retainer sa mga taong hindi nagpabraces. Nakakasama pa, dahil dadami ang sira ng ngipin mo. At may iba pang masamang epekto.

Tumubo sa Likod ng Harap na Ngipin

Gilbert : Doc panu po pag ung isang ipin tumubo dun sa likod ng front teeth, ano po ang dapat gawin?

Ask the Dentist : Magpabraces ka.

Natatanggal ang Bracket

Dennis : gud pm. ask ko lng po sana bkt lagi natatanggal ung dikit ng isang bracket ko. un pong katabi ng two front teeth. un lng nmn po lagi natatanggal? nakakapagod din po mgpabalik2. thanks po

Ask the Dentist : Send photo ng braces mo.

Dennis : ah cge po tom. nlng wla po kc flash cam ko. thanks po ng mrmi. GOD Bless po

Ask the Dentist : Oks.

Dennis : anu puba mairerecomend nyong toothbrush pra sa my braces like me?

Ask the Dentist : Nagpabraces ka sa isang dentist? Kapag nagpabraces ka kasi, sa dentist mo dapat tinatanong yan. Kasi kapag iba’t ibang dentist ang tatanungin mo, magugulo anng treatment mo.

Dennis : ah oks po thanks.

Braces sa Pangasinan

Gelo : Good pm Doc. Im also from pangasinan.. dame ko na napagtanongan na dental clinics about braces. On my case may kasi may siwang po ako sa harap(upper) tapos crooked po yung teeth ko sa baba at the same time cross bite daw ako. Tanong ko lang po kung reasonable price po ung 35k?and yung bracket na gagamitin is yung traditional. Hindi pa raw kasama yung dental cleaning at pasta. Any recommendation doc?

Ask the Dentist : Yes. Oo hindi kasama ang linis at pasta doon. Maging ang bayad sa kuryente at tubig next month hindi kasama. Ang recommendation ko ay wag kang maghanap ng cheapest. Kunin mo average price sa area mo para tiyak kang hindi papapaano na lang ang ortho treatment mo.

Gelo : Ok doc. Salamat.. dame kasi dental clinics dito s dagupan kaya di ko alam kung sino.magaling n ortho. Wala nmn ngrecomend sakin basta research lang. Salamat doc

Pwede ba malagyan ng Braces ang dentures

Timmy : .good day! inquire ko lang kung pwede ba talaga malagyan yung dalawang front teeth ko na dentures nang braces kung sakasakali man at mga magkano po ang cost nito. thanks!

Ask the Dentist : Hindi lalagyan ang pustiso mo, yung ngipin mo ang lalagyan. Habang may braces ka, hindi mo isusuot yang pustiso mo.

Buntis gusto magpa-braces

Hazzel : Hi, Doc! I just want to ask something about dental braces. Buntis po kasi ako. I really want to have braces. Makasasama po ba sa akin iyon knowing that I am pregnant? Tumutulis po ba nguso kapag may braces? Salamat, Doc! God bless.

Ask the Dentist : After mo na manganak.

Hazzel : How much po ba cost ng dental braces? Nasa province po ako.

Ask the Dentist : Depende sa lala ng aayusin. Yung dentist na makakakita sa bibig mo ang makapagsasabi kung magkano.

Natanggal ang Bracket

Bert : God am po tanong ko LNG po normal LNG po ba na matanggal sa pagkkdikit yun bracket

Ask the Dentist : Yes. Ipapadikit mo lang ulit. Walang magagawa, laging nangyayari yan dahil nag-aapply ng force para magmove ang ngipin.

%d bloggers like this: