Archive for the ‘ Orthodontics ’ Category

Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Jojo Ferrule : Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Ask the Dentist : Hi Jojo Ferrule. Oo pwede i-dental brace kahit may fixed bridge ka. Depende sa kalagayan ng mga ngipin mo, fixed bridge at iba pa.

Pwede ba magpabrace ang ngipin kahit naka pasta

Carlito Salonga : Pwede ba pabrace ang ngipin khit nka pasta sa harap?

Ask the Dentist : Hi Carlito Salonga. Oo. Puwedeng puwedeng i-dental braces kahit nakapasta sa harap. Kahit nakapasta sa likod, puwede din.

Standard Price of Braces Philippines

Joseph Lim : Dear doctor, ano ang standard price of braces philippines?

Ask the Dentist : Hi Joseph Lim. Walang standard price ang braces. Ang binabayaran mo sa orthodontic treatment ay ang galing ng dentist mo. Nag-aaral din kami, nagbabayad para matuto. Factor din kung gaano kalala ng kundisyon ng ngipin mo. Factor din kung saan ang clinic ng dentist. May iba’t ibang klase din ng materyales, brackets at appliances na nakakaapekto sa price. Hindi kasi pare-pareho ang ngipin, bibig at kundisyon oral health ng tao para magkaroon ng standard price. 🙂

Pwede ba magpa brace kahit kulang ung ngipin

Ed Angle : Hi doc. Pwede ba magpa brace kahit kulang ung ngipin?

Ask the Dentist : Hi Ed Angle. Oo naman. Pwedeng magpa – brace kahit kulang ang ngipin. Pumunta ka lang sa pinagkakatiwalaan mong orthodontist para maexamine ng tama ang iyong kalagayang pang-dental.

Paano mapapantay ang ngipin?

Edward Angel : Paano mapapantay ang ngipin?

Ask the Dentist : Punta ka sa pinagkakatiwalaan mo orthodontist at ipa-dental braces mo. 🙂

Pwede bang mag pa braces kahit may pustiso?

Lowell: Pwede bang mag pa braces kahit may pustiso?

Ask the Dentist: Hi Lowell. Oo. Pwedeng magbrace kahit may denture.

Need for Braces

For Orthodontic Treatment

Jessica : Yan po Yung case ng kapatid ko ano po ba ang pwedeng gawain. Kailangan po ba fixed bridge at braces

Ask the Dentist : Sa nakikita ko, pang Orthodontic Treatment siya. Mukhang hindi na fixed bridge. May panoramic x ray ka?

Jessica : Wala po

Ask the Dentist : Ok. Pangortho siya.

Pwede bang magpabrace kahit di na kompleto ang ngipin?

Mike: Hi doc. Gusto ko sanang itanong, pwede bang magpabrace kahit di na kompleto ung ngipin?

Ask the Dentist Philippines: Oo. Pwedeng magpabrace kahit may missing teeth ka. 🙂

%d bloggers like this: