Author Archive

About Ask the Dentist Philippines

Find more about me on:

Here are my most recent posts

Saan nagmula ang dental brace

Fiel : Saan po ba nagmula ang dental brace?

Ask the Dentist : Dito sa puso ko. 🙂

Masakit ba ang magpabraces

Mara: Hi doc, masakit ba ang magpabraces?

Ask the Dentist : Hi Mara. May mararamdaman kang discomfort sa dental braces, na depende sa tolerance mo sa pain, kung ito ba’y masakit. Ito ay dahil sa force na ina-apply sa mga ngipin mo. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta ka sa iyong paboritong orthodontist at itanong mo ito sa kanya.

Hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin

Claudine Krueger : Doc, hindi na ba pwedeng pastahan ang sumakit na ngipin?

Ask the Dentist : Hi Claudine. Kung ang pananakit ay dahil sa may infection na sa pulp, o exposed na ang pulp, hindi na pwedeng pasta lang ang gawin sa ngipin. Dapat i root canal treatment muna bago pastahan.

Pwede bang magpa brace ang naka jacket ang ngipin

Arturo Buendia : Hi doc. Pwede bang magpa brace ang naka jacket ang ngipin?

Ask the Dentist : Hello Arturo Buendia. Oo pwede kang lagyan ng dental braces kahit may jacket ang ngipin mo. Makikita yan ng dentist na titingin sayo. Depende sa status ng jacket at ngipin mo, kung hindi na okay, baka palitan ang jacket mo.

Upper Braces Cost

Paulino Bucholz : Hi doc. Magkano po ba kapag upper braces lang ang ipapakabit?

Ask the Dentist : Hi Paulino Bucholz. Sa orthodontic treatment, upper at lower braces ang inilalagay. Hindi dapat ang paglalagay ng upper lang. O lower braces lang. Magkatugma ang maxilla at mandible mo. Kapag ang dentist ay nagaral ng orthodontics, isa ito sa matututunan niya kung bakit upper at lower braces dapat.

Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Jojo Ferrule : Pwede ba magpalagay ng braces kahit may fixed bridge?

Ask the Dentist : Hi Jojo Ferrule. Oo pwede i-dental brace kahit may fixed bridge ka. Depende sa kalagayan ng mga ngipin mo, fixed bridge at iba pa.

Pwede ba magpabrace ang ngipin kahit naka pasta

Carlito Salonga : Pwede ba pabrace ang ngipin khit nka pasta sa harap?

Ask the Dentist : Hi Carlito Salonga. Oo. Puwedeng puwedeng i-dental braces kahit nakapasta sa harap. Kahit nakapasta sa likod, puwede din.

Standard Price of Braces Philippines

Joseph Lim : Dear doctor, ano ang standard price of braces philippines?

Ask the Dentist : Hi Joseph Lim. Walang standard price ang braces. Ang binabayaran mo sa orthodontic treatment ay ang galing ng dentist mo. Nag-aaral din kami, nagbabayad para matuto. Factor din kung gaano kalala ng kundisyon ng ngipin mo. Factor din kung saan ang clinic ng dentist. May iba’t ibang klase din ng materyales, brackets at appliances na nakakaapekto sa price. Hindi kasi pare-pareho ang ngipin, bibig at kundisyon oral health ng tao para magkaroon ng standard price. 🙂

Dental Crown Cost

Glen P McGivney : Hi Doc. Magkano ang dental crown sa pilipinas?

Ask the Dentist : Madaming uri ang dental crown. Madami ding factors kung bakit nagiiba iba ang dental crown cost.

Ito yung mga uring ng dental crowns:

Read more

Bakit maganda ang dental implants

Carla Misch : Bakit maganda ang dental implants?

Ask the Dentist : Thanks for your question Carla Misch. Mdaming dahilan kung bakita maganda ang denture retained by dental implants. Una, hindi ka matatakot na malalaglagan ka ng pustiso. Pangalawa, mas ok ang pagnguya mo. Read more

%d bloggers like this: