Archive for ‘ December, 2012

Butas na ang ngipin

Saudi Boy Ray Ubando : Ang hot dito sa Saudi, lalo na ang mga paborito kong mga camel. Doc, paano kapag butas na ang ngipin

Ask the Dentist : Kapag butas na ang ngipin, pwede itong pastahan kung hindi pa abot sa pulp ang butas. Pwede din itong i-RCT muna tapos pastahan kung abot na sa pulp ang butas.

Tanggal agad ang pasta sa ngipin

Kathlyn : Doc ano ang dahilan para matanggal agad ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Madaming dahilan para matanggal agad ang pasta ng ngipin. Ang pinakacommon na dahilan ay ang pagkakakagat ng bato sa kanin. Ang pagkain ng mga pagkain sobrang tigas tulad ng sugar cane. Pagbukas ng tansan sa pamamagitan ng ngipin. Pagbukas ng supot ng tsitsirya sa pamamagitan ng ngipin. Madami pang iba. Ang remedyo: Ipapasta mo lang ulit.

Para hindi nahulog ang pustiso ano ang gagamitin

Saudi Boy Adrian Ubando : Nag-i-enjoy po talaga ako sa mga camel dito sa Saudi. Hehehe! Para hindi nahulog ang pustiso ano ang gagamitin?

Ask the Dentist : Ang iyong dapat gawin ay bumalik sa Dentist at ipakita ang iyong pustiso. May gagawin ang iyong dentist diyan para hindi mahulog at tuturuan ka niya para hindi mo mahulog. 🙂

Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin

Johnoy : Masama ba hinde ipabunot ang sirang ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Masama. Source of infection yan.

paano mag pa brace

Tisha : paano mag pa brace?

Ask the Dentist : Hi Tisha. Punta ka sa Dentist mo tapos sabihin mo sa kanya magpapabrace ka. 🙂

Pwede ba magpa brace kahit umuuga ngipin

Chichay : Pwede ba magpa brace kahit umuuga ngipin?

Ask the Dentist : Hindi. Dapat malunasan muna ang periodontal problem bago ang dental braces. 🙂

%d bloggers like this: