Archive for ‘ December, 2012

Root Canal Treatment

Leo : Pag ba nag a root canal maging ok na ang ngipin forever?

Ask the Dentist : Walang nagi-exist sa mundo na forever.

Namamaga ang Gums

Jessa : Ano po ang dapat gawin kapag namamaga ang gums?

Ask the Dentist : Ang dapat mong gawin ay pumunta sa dentist para malaman mo kung ano ang dahilan ng pamamaga. Kung nalaman na ang dahilan ng pamamaga, saka pa natin malalaman kung ano ang dapat gawin.

Magkano ang permanent pasta sa ngipin?

Ynna : Magkano ang permanent pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Walang permanent na bagay sa mundo. Kung meron man tiyak hindi mo mabibili.

Pasta o pustiso

Saudi Boy Adrian Ubando : Ang si-sexy ng mga camel dito lalo na’t ako’y nalulungkot. Doc, alin po ang maganda pasta o pustiso?

Ask the Dentist : Parehong maganda, depende sa function at dahilan. Pero kung ikaw ay balak magpabunot at papustiso, mas maganda ipapasta mo na lang kung hindi pa naman infected ang pulp ng ngipin mo.

Tabingi na ngipin babalik ba sa pwesto?

Jun Jun : Hi doc. Ang tabingi na ngipin babalik ba sa pwesto?

Ask the Dentist : Oo, pwedeng ibalik sa pwesto sa pamamagitan ng orthodontic treatment.

Can i implant teeth

Nora : Can i implant teeth if i have already extract it years ago?

Ask the Dentist : Yes you can. 🙂

Pwede ba ipajacket ang ngipin na wala na

Roy : Pwede ba ipajacket ang ngipin na wala na?

Ask the Dentist : Pwede. Mukhang dental implants ang dinidescribe mo. 🙂

Natatanggal ba ang pasta sa ngipin

Roselle : Natatanggal ba ang pasta sa ngipin?

Ask the Dentist : Oo. Natatanggal din ang pasta sa ngipin. Ipapasta mo lang ulit.

Sungki pwede ba sa braces

Lynda : Doc, pwede ba ibraces ang sungki?

Ask the Dentist : Oo. Pwedeng pwedeng ibraces ang sungki. 🙂

Braces sa Sirang Ngipin

Belinda : Okay lang ba kung magpabraces na sira ang ngipin?

Ask the Dentist : Hindi okay. Papastahan muna lahat ang mga may sira bago lagyan ng braces. 🙂

%d bloggers like this: